Chapter 2 - Because of you

311 5 3
                                    

Simula nang mangyari yun, mas lalong pinatibay ni Jessica ang kanyang loob. Alam niyang darating din ang araw na lalambot din ang puso ng kanyang asawa sa kanya. Dumaan ang mga araw at ganun pa rin ang nangyayari sa kanila, masakit man pero tinitiis ni Jessica kasi mahal na mahal niya ang asawa. Pinag-sisilbihan niya pa rin ito at pinapakita ang pag-mamahal sa asawa.

Tulad ng umaga, siya pa rin ang nag-luluto ng kanyang brea kfast, nag dadala ng kanyang lunch, at ipinag luluto ng dinner na kahit minsan ay hindi man tinikman ang pag-kain na hinain ni Jessica. 

Laging late umuuwi si Mico at kung minsan pa'y may dala itong babae. Kung minsan naman lasing ito at kung minsan din naman hindi ito umuuwi sa kanilang bahay. 

******

Dalawang taon na pala akong nag-sisilbi sa asawa 'kong walang pakialam saakin, halos araw-araw na lang kami nag aaway. Pero kahit ganun siya sa akin yun ay mahal na mahal na mahal ko pa rin yun, lagi nga akong pinapagalitan ni Sam eh na may kasamang batok pa! Nabobo na ako, sa sobrang daming batok na natatamo ko dun. Kasi daw ako na nga 'tong pinag-tatabuyan ng asawa ko, ako pa tong lapit ng lapit. Siyempre asawa ko siya eh at mahal ko pa. Kahit araw-araw pa 'kong saktan ni Mico  hinding-hindi mag-babago pag-mamahal ko para sa kanya. Ang sabi naman ni Sam, sana matauhan na daw ako sa aking kalokohan, martyr na daw ako sa mga pinag-gagawa sa'kin ni Mico.

Tulad ng aking kinaugalian, mag-hahanda ako ng breakfast ni Mico at nag-iiwan ng note sa tabi at tsaka naman ako aalis patungo sa aking law firm.

*****

"Good morning atty. Cortez."  Nakangiting pag-bati sa'kin ng mga empleyado ko pati na ang mga ibang attorney na nag-tratrabaho dito. "Good morning din." ginantihan ko sila ng ngiti at patuloy na tinungo ang aking opisina

Pinatayo ko 'tong law firm dahil na rin sa kagustuhan ng aking mga magulang, though napaka-frustrating mag karoon ng law firm employment dahil nga sa mega firms ito na may hawak na higit kumulang na 1,000 lawyers. Pag merong problema, sa'akin lahat ang sisi dahil na rin sa sole proprietorship ito, ibig sabihin lahat ng loss, profit at pananagutan ay sa akin nababato. 

Dahil sa ganun nga ang trabaho ko, medyo na hihirapan akong pag-sabayin ang trabaho at personal 'kong buhay. Dahil hands-on pa rin ako sa pagiging asawa ko kay Mico, lalo't na ngayon marami akong inaasikaso dahil mag-tatayo ako ng isa pang law firm sa London at itong branch namin sa Pinas ay ang headquarters, kaya sooner or later ay aalis ako ng bansa to check everything for our new upcoming law firm.


"Good morning attorney." bati ng sekretarya ko, tumungo-tungo naman ako

"Attorney, just too remind you, may meeting po kayo mamayang 12:30 with Mr. Morales and meeting at 2:30 with Engr. Castro at Solice restaurant and dinner meeting with Mr. Choi at 8 pm. Kailangan na po pala ng UK department ang approval niyo for the upcoming law firm." 

"Is that all?" habang tinitignan ang mga papelas na nasa harapan ko

"Yes attorney." at ngumiti ito sa akin.

"Okay, thank you. You may now leave." tumungo lang ito at lumabas na ng opisina ko.

Hinilot ko ang aking noo dahil sa sobrang daming kailangan gawin at napasandal sa swivel chair.

Ang dami kong meeting, ang sakit sa ulo. Ang daming tumatakbo sa isipan ko, pinoproblema ko pa ang pag-sasama namin ni Mico.

******

Sa wakas tapos na rin ang mga meeting ko kaya naman naisipan 'kong manatili dito sa restaurant at umorder ng makakain namin ni Mico dahil hindi na rin kaya ng katawan ko na mag-luto pa mamaya.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon