Chapter 35 <3

10.4K 214 3
                                    

Christian POV

Bakit parang ang tagal naman ata ni Nathalie. Takte ako lang walang love team dito samin. Pwera na lang siguro si Daniel, wala kasi dito yung bestfriend ni Nathalie. Angelica yata yung name nun? 

"Tol, nasaan na partner mo?" medyo nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni  Daniel sa tabi ko...Ehhh? Partner daw? 

"Anong partner pinagsasabi mo?" takang tanong ko sa kanya, sya naman naka ngiti lang sakin ng maloko. 

"Tss. Ang slow mo talaga kahit kelan" ABA! Ako pa yung SLOW ngayon ha. 

"Tss. Oo na" yun na lang nasabi ko kasi wala naman ako sa mood ngayon makipag sagutan sa kanya. 

"Asan na ba Nathalie mo? Kaya ka siguro wala sa mood" nagulat na lang ako dun sa sinabi ni Daniel. Porket wala sa mood, dahil wala si Nathalie? HIndi ba pwedeng WALA LANG TALAGA SA MOOD!! 

"Ewan ko" -ako

"Talagang hindi tinanggi na sayo si Nathalie aa" -Daniel. Ba't ba ang kulit kulit kulit nito! Hindi ko alam kong papansin to o sadyang kulang lang sa atensyon! >.< 

"Tinatamad ako" And that's true! 

"Tol. Kung ako sayo hanapin mo na yung partner mong si Nathalie  baka kung ano na nangyari dun ee" sabi naman ni Daniel sabay pat sa balikat ko. 

"tss. Hindi ko sya partner" -walang gana kong sagot sa kanya. 

"Defensive ka masyado pare. Kanina lang ang sigla sigla mo tapos yung na wala lang si Nathalie sa paningin mo, bad mood kana agad" grrrr! Hindi ko na lang pinansin si Daniel. Wala na rin naman patutunguhan itong usapan namin ee. 

Mabuti nang hanapin ko na lang si Nathalie. Baka kung ano nga nangyari dun! OHHHH! Ang mga isip ha! WALA AKO GUSTO SA KANYA!! HINDI RIN AKO DEFENSIVE!! HINDI TALAGA!! Nakakainis lang!! 

"Ooooyyy!! San ka pupunta?? Nagkwekwentuhan pa tayoooooo" narinig ko naman si Daniel na sunisigaw habang tumatawa! Tss! Ang ingay nya talaga! Hindi man lang nya naisip na pwede sya marinig ng mga walanghiyang kidnapper na yun!! 

Pano ko nga ba naging kaibigan tong mga to? Sa pagkakaalam ko..hindi naman ako mahilig sa mga maiingay dati ahh? Nagulat na nga rin ako nung medyo nagiging maingay na rin ako ngayon! Influence! >.< 

Bahala kayo dyan! Basta ako hahanapin ko na lang si Nathalie. May masama kasi akong pakiramdam sa mga nangyayari, feeling ko may masamang nangyari kay Nathalie. Alam nyo ba yung tinatawag nilang Human Instinct?? 

*Creek* *Creek* 

Nagulat naman ako kasi may tumunog malapit sakin. Nung pagtingin ko sa paanan ko----------------------------------------WTF O___________________O

The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon