Chapter 11-"Someone's POV" (Edited)

28.6K 547 70
                                    

Nathalie POV


Alam kong nagtataka na masyado si bessie kung bakit ako nagkakaganto. Hindi ko rin alam, siguro nilalayo ko lang talaga sya sa kapahamakan. Bilang isang top 1 sa GW (gangster world) mapanganib ang buhay ko. Kaya nga hindi ko pinapakita sa lahat ng nakakalaban ko ang tunay kong mukha. Pero syempre hindi mo pa rin maiiwasang may makahanap sayo. Lalo na kung desperada talaga silang makita ang tunay na ako. 

Sa lahat din na nagpapa imbestiga sakin. Wala din sila mahahanap sakin, kasi naka private ako. Bukod sa mga gangmates ko wala nang ibang nakakaalam na isa akong gangster. Pati family ko hindi rin nila alam. Minsan nga natatakot ako na baka madamay sila sa gulong pinasok ko. Pero kung mag qu-quit naman ako sa papaging gangster. Ang DPG naman ang malalagay sa kapahamakan. Basta magulo ang buhay ko..


****************************************************************************************

Papunta ako ngayon sa rooftop. Doon muna ako magpapahinga, ayoko sa baba. Masyado silang maingay. Hindi maaalis sa paningin mo yung mga nag ma-makeout. Argh! Wag na lang kaya sila pumasok tapos sa motel na lang sila. Tsk


"San ka pupunta?" 


"Ay impaktang palaka!!" kung may sakit lang talaga ako sa puso. NAKOOOO !!! Bwisit na babaitang ito. And yes! Kaya babaita kasi babae yung biglang humarang sakin. 


"Kalayo ko naman ata sa pagiging impaktang palaka? Anghel to NERD! ANGHEEEEEL!" sigaw naman sakin ni Candice habang nilalagay pa yung kamay nya sa mga pisngi nya.


"Ohh? Di nga? Pasensya ha. Hindi kasi halata" sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman na halos maging kamatis na sya sa pula. Hahahaha! Hindi ako magpapatalo no!



"How dare you!" sasampalin na nya dapat ako kaya lang nahawakan ko agad yung kamay nya tapos-----



*paaaaak*


"OOOOOAAAAAAHHHH" sigaw nung mga nanunuod samin. Aba talaga naman. Hindi ko na pala namalayan na marami nang nanunuod samin.



"How dare you B*TCH!" wrong move bitch. 


*paaaaaak*



"Calling me a bitch when you're the real bitch is a wrong move. Pathetic woman" sabi ko sa kanya. Halos dumugo naman yung labi nya sa lakas ba naman ng aking mahiwagang sampal! Tumalikod na ako sa kanya na ngayo'y nakaupo na sa sahig habang hawak hawak yung pisnging sinampal ko. 


"HINDI PA TAYO TAPOS NERD!!!" narinig kong sigaw nya. Kinawayan ko na lang sya habang nakatalikod pa rin ako sa kanya.


********************************************************************************

The Come Back Of The Awaken Demon(Phoenix Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon