Chapter 40 - ENDING

288 1 3
                                    

 Chapter 40

5 YEARS AGO..

KHRYSTINE'S POV

Limang taon na rin ang nakalipas. Maraming nangyari.

Yung feeling na stress na stress na stress na stress na ako sa kapatid ko!

After umalis ni ate Kath, halos isang buwan atang nagkulong si kuya sa kwarto niya. I mean, syempre, kumakain naman siya.. KAPAG PINAPAKAIN KO. Pero kung hindi? Aba'y baka wala na siya ngayon. Masyado siyang nadepress. Araw-araw nga yang umiinom eh. Tapos ang cold na niya sa mga tao ngayon. Napaka! Akala ko nga, tatanggalin na ng management si kuya eh. Buti na lang at napakiusapan siya ng mga head na magartista ulit. Ganun parin naman. Mas sumikat pa nga siya eh. Kasi daw mas hot na ang itsura niya ngayon. He doesn't shave kaya medyo pamature ang look niya. Naging pabaya na rin siya sa katawan niya. Wala na siyang pakialam sa itsura niya, basta makapagtrabaho. According to kuya Mark, he really changed. Masungit na daw, maiinitin ang ulo, minsan snobber na rin daw. But despite of those, mas minahal pa siya ng nga fans niya, although marami rin siyang haters na hindi naman alam ang pinagdaanan niya. Minsan, naiiyak na lang ako. Naaawa ako sa kanya...

"Kuya. Where are you going?" Tanong ko, napansin ko kasing nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Wala kasi siyang work today. Himala yan.

"You don't care." Sabi niya at umalis na gamit ang sasakyan niya. Baka pupunta na naman sa mga babae niya. Yes, he's now a play boy. He hangs out with various of girls. But he's not the type na hahalikan or gagalawin ang girl noh.

Masakit ba sa isang kapatid ang masabihan ng ganun? Ako kasi, sanay na. But still, I need to understand him. Ako na lang kasi ang pinakamaaasahan niya.

Knowingly, mom died 3 years ago..

Si tito Omeng, hanggang ngayon nakakulong. Naaccuse kasi siya na nagdrudrugs eh. I don't know if that's true, I never asked tito. At kung totoo man, he has reasons. Mahal parin kasi ni tito si Mama.

Bakit ganun? Normal lang ba sa mga taong inlove yun? Sobra nilang mahal ang isang tao, to the point na handa nilang isacrifice ang life nila para sa kanila?

Palibhasa, hindi pa kasi ako naiinlove eh. I mean dati, crush lang. Haha.

Sila ate Roanna naman, nasa France na. Kasama niya sila Red at ang buong Padilla clan. Inaaya na nga kami na pumunta na lang rin dun. Kaya lang gusto ni kuya dito. Ayaw niyang umalis, ewan ko kung bakit. Kaya ako, nagpaiwan na lang rin ako. Sinong sasama kay kuya diba?

While si Ella naman.. Doctor na ngayon. Ipinaubaya na nila yung fansclub sa ibang fangirls.

And the rest of the barkada, nasa ibang bansa na rin. Yung iba, nag-aaral pa. Yung iba, nagtratrabaho na.

Tanging kami na nga lang ni kuya ang naiwan. Haha.

While me, I'm already done studying last year. Tanging si Ella nga lang ang dumalo sa graduation ko eh. Si kuya, busy sa work. Nakalimutan pa niya na graduation ko nun. Talagang umiyak ako.. Sila ate Roanna nga eh, kahit malayo, cinongratulate ako at pinadalan pa ng regalo, simple pero nakakatuwa. Eh si kuya? Ni simpleng 'Congrats' nga ay wala.

At si ate Kath? Ayun, ewan. Last ko siyang nakausap, a day before her operation. Nakamusta pa nga siya ni mama nun eh, dahil nga di siya nakasama sa paghatid.

*dingdong* *dingdong*

Napatayo ako, may tao sa labas. Pinagbuksan naman siya ng mga bodyguards ni kuya na walang mga silbi. Haha. Eh kasi naman, madalas silang wala sa tabi ni kuya.

"Tine!" Bati sakin ni ate Ayesha.

"Hi ate!" At nakipagbeso ako.

WAIT! Nabanggit ko ba sa inyo na may girlfriend na ngayon si kuya?

Loving You For The Second Time Around [Completed]Where stories live. Discover now