Chapter 38

244 4 1
                                    

Chapter 38

DANIEL'S POV

It's 12 midnight. And I'm still wide awake. Ayaw kong matulog.. At hindi rin naman ako makatulog eh.

Gusto ko kasi, kapag nagising na si Kath, ako ang una niyang makikita.

Nakaheads down lang ako dito sa gilid ng kama ni Kath. Walang sawang pinagmamasdan siya. Si Tita naman, mahimbing ang tulog sa kabilang kama. Ganun din si Tine. Nagpaiwan kasi etong kapatid ko kanina eh. Kahit sila Ella, gustong matulog dito. Sabi ko naman, ginawa na nilang bahay 'to. Syempre, hindi sila kakasya dito. Bukas na lang daw ng umaga sila babalik.

Tumayo muna ako. Since kanina, di pa ako nakakainom ng tubig. Medyo nauuhaw na rin ako eh. Dumampot ako ng isang bote ng tubig sa side table at ininom yun. Halos mabitawan ko na yung bote ng makita kong gumalaw ng konti ang kamay ni Kath..

Agad akong lumapit sa kanya.. Maya-maya pa'y minulat na niya yung mga mata niya.

"DJ..." Sabi niya at nag smile..

ANG SAYA KO.

Pero kasabay nun ay mga luha galing sa mata niya.

"Shhh... Andito na ako, Kath. Wag ka ng umiyak.. Sandali lang.. Gigisingin ko si Tita." Sabi ko.

"Waag... *sob* Please? Tayo muna ang mag-usap.." Sabi niya. Bakit parang may..

Nag nod ako at umupo sa gilid ng kamay niya.. Inilapit ko yung mukha ko sa kanyang mukha at pinagmasdan siya. Hinalikan ko yung dalawang mata niya.. "Wag ka ng umiyak. Hinalikan ko na yung mga mata ko. Wala ng tutulong luha diyan ah?" Sabi ko.

Umiling siya.. "Not this time.. *sob*" sagot niya.

"Anong problema baby ko? May masakit ba sa'yo? Ano ba talagang nangyari?" Para akong mababaliw kapag nakikita kong umiiyak si Kath. Masakit para sakin na makita ko siyang nalulungkot at nasasaktan.

"Si papa. *sob* Pinatay siya ng daddy ni Julia.. *sob*" Pagkatapos niyang sabihin yun.. Hindi ko na nabilang kung ilang patak ng luha ang lumabas sa kanyang mga mata.

Hinalik-halikan ko na lang ang noo niya.. "Okay lang yan Kath. Sige, ilabas mo.." Sabi ko.

Mga isang hour din siyang umiyak.. Pinakinggan ko lang yung bitter-sweet niyang pag-iyak. Eto ang ayaw ko.. Ang pag-iyak niya ang pinaka nakakadurog na sound na narinig ko.

Hinawakan ko yung cheeks niya.. "Kath.. Tama na.. Itigil mo na yan.. Nakaiyak ka na ng isang oras. Tama na ah? Baka makasama pa yan sa puso mo." Sabi ko.

"A-alam mo na?" Tanong niya. Nag nod ako.

Mas umiyak na naman siya.. Hay Kath.. Di mo alam kung gaano mo ko pinalulungkot niyan. Gusto ko ring umiyak, alam mo ba yun? Pero pinipigilan ko kasi ayokong ipakita sa'yo na ako'y nanghihina na rin.

"Sorry. *sniff* Sorry." Sabi niya..

"Wala yun. Ayos lang.. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. To the point na kahit patayin mo ako, ayos lang basta mahal na mahal kita.." Sabi ko.

( Two weeks ago.. )

Nandito kami sa sasakyan ko.. Kasama ko si Kath. Medyo magaling na rin yung mga pilay niya. Hiniram ko muna siya kay Tita ng isang araw. Sa isang araw kasi, aalis na siya..

Napagdesisyunan kasi namin na ipaopera siya.. At balak kong sumunod ng mga ilang araw sa kanya.. Di ko pa sinasabi sa kanya.. Siguro mamaya sasabihin ko na.

Nilagay ko sa kanya yung seatbelt niya. "Okay ka lang?" Tanong ko.

Nag nod siya. "Oo nga. Alam mo, kanina ka pa. Kung Twitter lang ako, baka nagtrending na yang 'Okay ka lang?' mo." Sabi niya. Napangiti naman ako.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Where stories live. Discover now