Chapter 27

226 3 2
                                    

Chapter 27

( 2 weeks ago )

KATHRYN'S POV

It's been two weeks since Dom and I started dating. Okay. Ayoko ng mag-english. Baka manose bleed ako. Lol. Ahahaa.

Okay naman kami. Masaya naman siya kasama eh. Kahit sabihin kong wala talaga akong feelings para sa kanya. As in! Absolutely nothing. I'm trying to fall for him pero ayaw eh. Di talaga mapilit. Sana someday, mahulog na rin ako sa kanya. Lalo na ngayon..

*FlashBack*

Kumakain ako ng breakfast ng bilang magvibrate ang phone ko. Tumatawag si Julia.

*Call*

"Hi Kath!" Julia.

"Hi Julia!" Bati ko rin. Sinamaan ako ng tingin ni mama. Oops. Yung sinabi niya pala kagabi.

"Mukhang ang saya mo ah?" Bulong ko.

"Super!" Sagot niya.

Napangiti ako.

"Bakit kaya? *giggle* Share naman!" Ako.

"Well! Hindi ko alam kung anong sinabi mo kay DJ pero gosh!!!" Julia.

"Ha? Bakit?" Excited kong tanong.

"Pumayag na siyang umamin kami sa public! Aaahhh! Yey! Ang saya ko Kath!" Julia.

Biglang nawala yung ngiti ko..

"Kath?"

"............."

"Huy Kath! Masaya ka ba para sakin?" Julia.

"A-ah. Oo naman! Sobra...! Good luck ah. Hindi magiging madali yan." Sagot ko.

"Oo naman! Osige. May taping pa kami para sa movie namin. Di nga pala makakapasok si DJ ah? I just call to tell you. Hihi. Bye!" Julia.

"Byee...."

*CallEnded*

May sinabi nga ba ako? B-baka yung sa classroom kahapon? Nagtanong lang naman siya eh. Masama bang sagutin ko siya ng ganun? Mali ba yung sagot ko? Kaya ganito ang nangyari?

*EndOfFlashBack*

Kinabukasan ng araw na iyon, laman na sa mga balita ang relasyon nila. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. Di ko alam. -___-

Pero ito ang pinagtaka ko..

*FlashBack*

Balita kong papasok na si DJ ngayon kaya sa tingin ko, this is the right time para sabihin ko sa kanya yung sa panliligaw ni Dom. Pagpasok ko ng room. Siya na agad ang bumungad sakin. Ngiting-ngiti siya. Mukhang napakasaya niya ngayon.. Dahil ba sa--

"Good morning!" Bati niya. Nag smile lang ako.

"May sasabihin ako!" DJ.

"Ako rin eh. Ikaw na mauna.." Sabi ko.

"Osige... Nabalitaan mo na ba yung sa TV--" Bulong ni DJ.

"Oo. Nasabi na rin sakin ni Julia.." Sagot ko.

"Ah.. Mabuti.. Ah kasi.. Kahit ganun na nga yung sitwasyon namin.. Sana wag ka paring mailang ah?"

"Ha?"

"I mean, yung pagpapanggap natin. Diba hanggang sa Campus Ball pa yun?" DJ.

"Ahh. Oo. Oo."

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong niya.

"Ah.. Kasi.. Nanliligaw na sakin si Dom..." Bulong ko.

"Ah. Alam ko." Seryoso niyang sabi at umiwas ng tingin. Para siyang nabadtrip.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt