Chapter 33

244 3 0
                                    

Chapter 33

KATHRYN'S POV

Kakaalis palang ni Dom. Nagulat ako sa ginawa niya. Ilang araw na rin pala niya ito pinag-iisipan. Pagkapunta na pagkapunta ni mama dito, siya namang agad na paalam niya. Kaya sumama na rin muna ako pauwi sa bahay para makaligo. Dun na rin nila kinuha ang mga gamit nila. Nagpumilit akong ihatid sila sa airport pero di pumayag si Dom. MAS KAILANGAN DAW AKO NI DJ. I said my last 'good byes' to them for the mean time at umalis na sila.

It's now 12:35 AM and still, I'm wide awake. Nandito ako ngayon sa kwarto ni DJ. Ang himbing nga ng tulog niya eh. Nandito rin sila Tita Karla at Tine. Nag decide akong magpaiwan dito kasi.. Feeling ko.. K-kailangan.. Ewan ko ba. Basta gusto kong nasa tabi ni DJ. Gusto kong malapit kay DJ. Gustong-gusto ko. Parang ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko. Eto na ba ang sinasabi nilang 'LOVE'? Oo alam ko, parang baliw kung iisipin dahil nainlove na rin ako dati sa kanya.. Or should I say, HINDI NAGBAGO YUNG PAGMAMAHAL KO SA KANYA. Mas dumagdag pa nga yata eh..

Tumayo ako. Lumapit ako sa kama ni DJ. Umupo ako sa tabi niya.. Pinagmasdan ko yung napaka amo niyang mukha. Hay Daniel Padilla, kahit puro pasa na ang mukha mo, gwapo ka parin! Hinaplos ko yung buhok niya. Ang lambot. Parang dadaigin pa ang pagkalambot ng buhok ko. Yung totoo? Nag reRejoice rin kaya siya? Lol.

Pinadaan ko yung daliri ko sa cheeks niya.. Ang sarap pisilin.. Kaya lang, kapag ginawa ko yun eh baka magising siya sa sakit. Pininch ko ng mahina ang ilong niya. Ang tangos talaga. Hahaha. Bumaba yung finger ko sa.. Sa lips niya.. Wala parin namang nagbago sa lips niya except sa bruise sa gilid nito. Malambot parin naman--Aish. Yung utak ko na naman.. Para akong baliw dito, mag-isang ngumingiti. XD

Naghikab ako. Siguro naaantok na nga ako. Patayo na sana ako para matulog ng may humawak sa kamay ko at pinigilan akong tumayo. Si DJ. Nagising ko ata siya.

"Nagising ba kita?" Bulong ko. Kasi nga diba, natutulog sila Tita.

Di niya ako sinagot. Ngumiti lang siya.

"Ah DJ. Matutulog na ako." Sabi ko.

Tinitigan lang niya ako at nagsmile ng mas malaki.

"Baka gusto mong bitawan kamay ko?" Tanong ko.

For the third time, di niya ako sinagot or sinunod man lang. Pero instead na ngumiti siya eh tumawa naman siya.

Sumeryoso mukha ko. "Uso sumagot sakin ah?" Pamimilosopo ko.

"Ang ganda mo.." Bulong niya.

Totoo ba ang rinig ko? Tumawa siya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Eh kasi.. *giggle* Namumula ka." DJ.

O.O

"Hi-hindi *gulp* ah!"

"Weh? *giggle*"

"Shut up." Sabi ko. Tumawa na naman siya.

"Sige.. Tawa lang."

"Masama bang tumawa? Eh masaya ako eh." DJ.

"Nabugbog ka na't lahat, masaya ka parin? Anong klase ka? *giggle*" Tanong ko.

"Hindi lang naman iyun ang dahilan Ms. Bernardo."

"Eh ano pa?" Tanong ko.

"Kasi.. *sigh* Ligtas ka.. Walang nangyari sayong masama.. Nailigtas kita.. Nakangiti ka ngayon.. Nandiyan ka.. Nasa harap kita.. Hawak-hawak ko ngayon ang kamay mo.. Kausap kita ngayon.. Kasi--"

"Teka... Bakit puro ako ang dahilan mo? *fake giggle*"

"Kasi ikaw lang nasa isip ko.." Sagot niya.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Where stories live. Discover now