C42: Campus War

1.5K 50 2
                                    

Campus War

••••

Jen's POV.

Nangyari na to dati. Di pa kami nakaenroll dito, may ganun ng tradisyon. Wala akong malay dun at wala akong paki kaso di ko alam na magiging parte pala ako. Lahat ng sasali at sinasali sa campus war, napapatalsik sa school.

Pero nung nag-enroll na kami dito. Natigil yun, ewan. Malas lang talaga siguro batch namin kaya ganun.

"ANO? CAMPUS WHAT?!" sigaw ni Assej.

"Ssshh. Tumahimik ka nga!" nagsign pa si Jhanny sa kanya.

"S-Sorry, ano ba yung campus war?" tanong nya habang kamot ang ulo.

"Parang narinig ko na yan dati eh, yan yung sinasabi ng mga seniors natin noon. Campus war o di kaya'y, princesses vs. queens!" paliwanag ni Jehna.

"Ha? Princesses? Queens? May kings ba?" tanong ni Jiemie.

Ako na yung nagsalita, "Meron" kaya napatingin silang lahat sakin. "Ipapaliwanag ko lahat mamaya sa canteen, much better if we're complete" lumabas na ako sa SC room.

Kailangan ko ng sabihin sa kanila lahat-lahat. Baka isa sa amin, kidnappin nya.

* * *

CANTEEN kasi LUNCH TIME.

Kumpleto na lahat, buti naman at tinawagan nila yung iba. Wala kasi akong number nila.

"Ba't mo kami pinatawag Jen?" malamig na sabi ni Yver.

"Manlilibre ka ba?" sabi ni tanga.

Tanga talaga! "Wag kang tanga" huminga muna ako ng malalim. "About the campus war. Alam nyo ba tungkol dun?"

Nakatitig lang sila sa akin, walang umiimik. Walang sumasagot sakin! Alam kaya nila.

"N-Nakakatakot yan. Ano ba Jen, that's a very forbidden word" sita ni Jester.

"Anong dahilan mo, binanggit mo pa talaga?" - Yver.

"Alam kong may dahilan si Jen para dyan. So ano na Jen? Sasabihin mo ba?" - Jiemie.

Iniripan ko lang si Jester at Yver at nagsalita na. "Campus War, a battle between groups. Yung mga pictures kahapon di ko alam kung napansin nyo ba pero kakaiba ang pagkakalagay. Nung naging tama na ang hinala ko, pumwesto ako dun sa likuran and then it formed a syllable" paliwanag ko.

"Syllable?" - Renz.

"Oo. Syllable sya, three classrooms for six different persons. Class 3-D kina Jiemie, PUS, Class 3-B, kina Jehna CAM tapos ang huli yung amin. WAR!"

"Paano mo naman nahalata bigla? Imposible yun diba kasi ang daming nakadikit na pictures tapos halo-halo pa. May nakalagay pa na kung ano man sa upuan nyo" - Joseph.

"Walang imposible kay Jen. Magaling sya eh" - Michael.

"Tsk. Tama na, here's the thing. Actually campus war is another term for--" di ko natapos sasabihin ko kasi biglang dumating sila Lyn at alagad nya.

"QUEEN BEES VS. PRINCESSES!" naka evil smile nyang sabi.

May mali sa sinabi nya, "WITCH VS. PRINCESSES" pagcocorrect ni Jiemie habang nakatingin sa pagkain.

"Well, di naman kasi kami mukhang witch no. Kaya Queen Bees na lang okay?" so ibig sabihin. "Oo. Kami ang gumawa nun, and guess what. Mag-aaway tayo hanggang dulo. Ang pikon talo, expulsion sa school ang kapalit" naka-evil smile pa rin sya.

"Dahil balik na tayo sa dati. At complete na rin kami kasi andito na si Vanessa, hahaha. Hmm. Para mas masaya, ako na lang mag-aasign ng magkakalaban!" sabi nya pa.

Campus War | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon