C11: Hopeless Romantic

2.2K 54 1
                                    

Hopeless Romantic

••••


Jehna.

'May trabaho tayo bukas sa student council kaya dapat lahat ng officers present ha'

Yan lang yung naririnig ko habang nagsasalita ang moderator namin.

"Okay dismissed!" sabi pa nya.

Nakatulala pa rin ako, di ko alam bakit. Siguro, siguro! Ay ewan.

"Pst, prez, uwian na po," sabi ni Joseph na nasa gilid ko lang. Uwian na ba? Ilang oras ba akong wala sa sarili?

"H-Ha? Ah, oo sige." pa rin ako hanggang ngayon.

"Prez, hindi ako makakasabay pauwi ngayon," paalam nya.

Tinitigan ko sya. "Bakit?"

"Kasama ko kasi sa pag-uwi ang bestfriend ko."

Bestfriend?

"Aah, si Jester ba?" tanong ko.

Yung mayaman, diba?

"Um, hindi siya. Childhood bestfriend ko pong babae. Sige una na ako, pres. Mag-iingat ka."

Buti pa sila may lovelife, ako wala. Kahit bestfriend nya lang yun, at least di ba may inspirasyon sya.

Nag-ayos muna ako ng mga gamit sa room. Kukunin ko lang yung mga notebook at libro ko saka ako mag-aaral sa bahay.

"Ang bigat naman!" angal ko nang makalabas ng student council room dala-dala ang malalaki at makakapal na libro.

Asan na ba si ate? I need help. Pero kahit makita ko pa siya, hindi nya rin ako tutulungan. Ayaw na ayaw nun na may ibang dala maliban sa purse niyang kulay baby blue.

*Bumps*

Nakabangga ba ako? Wala akong makita sa dami ng libro sa harapan.

"Oops. Sorry po," dispensa ko.

"Ayos lang, miss. Sorry!" he glanced at his watch. "Patay ako nito. Baka naghihintay na sya sa 'kin sa may gate. Sabay pa naman kaming uuwi," ani niya saka tumakbo ng mabilis.

Ang cute naman nun.

Bumalik ako sa paglalakad papuntang labasan nang may narinig akong footsteps. Malalaki at mabibigat. Hindi pambabae. At ang mas malala pa nito ay sumusunod siya sa akin. Wag naman po. Kahit ano na lang basta't huwag lang multo. Kung multo ito, huwag sanang magpakita sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humawak bigla sa balikat ko.

"Gyah!" hindi ko na napigilang sumigaw. Nawalan ako ng lakas at napaupo sa sahig dahilan upang magkalat ang libro ko. I'm terribly shaking!

"H-Hey, Jehna. Jehna, ayos ka lang?" tanong ng stalker.

Nag-angat ako ng tingin. Akala ko talaga multo. Kaso, ang gwapong multo naman nito.

"Y-Yoj?" sabay tingin sa kanya. "You freaking scared me."

"I'm sorry, I didn't mean to scare you," pinantayan niya ang tangkad ko sa sahig at isa-isang pinulot ang librong nagkalat. "Here, let me help you."

Isang notebook na lang sana ang kukunin ko nang magtama ang kamay namin.

"Sorry," sabay naming sabi kahit ako yung kumuha ng notebook.

Campus War | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon