bullet 7 - resurface

Começar do início
                                    

The sudden pressure of water galloping my face forced me to open my eyes. Nakita ko ang dalawang silhouette ng tao sa windshield as I gasped for air (but I took in water). My badboy came. Did he come to finish my life on his own hands? Bakit pa siya nag-abala, mamatay naman na rin lang ako?

I felt it coming, wala na akong hangin at masakit na ang magpigil hininga. I did not care to fight, I stayed stiff under the water, pumikit at nag-antay ng katapusan. Nang hindi ko na kaya, huminga ako kahit na alam kong tubig ang papasok sa akin. I took in water from my nose and mouth and it hurt! Then I felt a hold on my nape and a flesh crashed my mouth. Pumasok ang mainit na hangin sa bibig ko as I opened my eyes and saw his face close to mine. The badboy was giving me air.

Hinila niya ako mula sa upuan at inilabas mula sa pintuan. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa aking batok at bewang habang humihinga ako sa kanya.

Anong ginagawa niya? Ano ba talaga siya? Ano ba talaga ang gusto niya? Bakit hindi niya ako hinayaang malunod? Hindi ba napunta kami sa sitwasyong ganito dahil gusto niyang kitilin ang buhay ko?

Inilangoy niya ako pataas.

Nakaahon kami at buong bigat ko dala ni Devin, I could freely breathe from my nose but his soft lips were still attached to mine.  Itinatangay kaming dalawa ng alon pero wala siyang pakialam. His lips started to move, slowly and careful to seeking and dominating. He tasted like mint, first dew drop and Juicy Fruit gum. Nakakapagtakang narehistro sa utak ko ang lasa ng mga labi niya kung sobrang hinang-hina na ako.

“Lorraine…” he whispered after breaking the uncalled-for kiss, before I lost consciousness.

***

 

I woke up from a nightmare. Actually it wasn’t a nightmare, it was just a feeling. I thought I was really drowning. I was breathing hard and my eyes were staring at the unfamiliar ceiling. For a second I was confused. Hindi kulay asul ang aking kisame at hindi bumbilya ang ilaw ng sarili kong kwarto. Hindi rin kasing tigas ng hinihigaan ko ang aking kama. Nasaan ako?

Babalikwas na sana ako sa matigas na papag nang sabay-sabay pumasok sa aking isipan ang mga nangyari. Mula sa pagpasok ko sa Equipment room, pagtatago sa ilalim ng mesa, pagsaksi kung paano niya balatan ng buhay ang isang lalake, pagsaksak ko sa kanya ng scalpel, pakikipagunahan ko sa itim na sedan, pakikipagbarilan ni Dana, ang takot na mukha ng isang babae na may kargang bata, ang pagtalon ng sasakyan sa malalim na ilog, ang pagsuko ko na iligtas ang buhay namin, ang halik na bumuhay sa akin.

Dahan-dahan akong umupo sa papag. Nanlamig ako at kinabahan nang mapansin kong wala akong ibang suot kun’di panloob at manipis na t-shirt ng lalake. Nang ibababa ko na ang paa ko sa kawayang kama naramdaman ko na may nakatali sa paa ko. Itinaas ko ang kumot at nakita ang handcuff na nakakabit sa akin, may mahabang bakal na kadena itong katuloy. Sinundan ko ng tingin ang kadena at tumigil ang mga mata ko sa dulo ng kwarto.

Pinaglalaruan ni Devin ang kapares ng handcuff, pinapaikot niya ito sa kanyang hintuturo habang tahimik na nakaupo sa isang sofa at nakatitig sa akin.

Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago nagsalita. “Nasaan ako…? Bakit ako nandito? Si Dana?”

Trigger and BulletsOnde histórias criam vida. Descubra agora