Ugh! Sungit talaga oh!

Buti makulit lang ako hindi masungit.

Andito pa din kami sa ilalim ng puno ng manga. Patingin-tingin ako sa kapaligiran. May isa akong namimiss. Yong ilog na pinuntahan namin nong nakaraang dumalaw ako dito. Ibang-iba talaga pag andito ka sa probinsya. Hindi gaya sa lungsod, mausok na mainit pa.

Kaninang madaling araw maaga akong gumising dahil tinulungan ko pa magprepare si Manang Beth, yong isang Cook namin para sa breakfast namin ng babe ko. Pagkatapos naming magbreakfast sa apartment niya kanina hinatid ko na siya sa work niya at saka deretso na ako dito kay Wendy.

Hindi ko tuloy masusundo babe ko mamaya. Mamimiss ko siya.

"Diyan ka lang Jill ha may kukunin lang ako."

Tumango ako saka umupo dito sa upuan na gawang kawayan.

Nakatingin lang ako kay Wendy. Pumasok siya sa bahay at paglabas niya may hawak siyang maliit na plastic.

"Ano yan?" agad kong tanong paglapit niya.

"Bigas. Huhuliin natin yong manok na yon saka natin ipapakatay sa Tito ko."

Tinuro niya yong manok na nasa pilapil.

"Ahhhh sige huliin mo na. Wait kita dito." sabi ko kaso tinaasan ako ng kilay.

"Tayong dalawa ang huhuli!"

"Ano?! Bat ko huhuliin yan! Sa ganda kong to paghahabulin mo ako ng manok!"

Adik din tong kapatid ko eh! Bisita kaya ako dito.

"Ayaw mo?!"

"Asar bat di na lang tayo bumili kawawa naman ya...a...n.... araaaaay!!!"

Piningot ba naman ako!!!

Bakit ba ang weird niya! Pati ako dinadamay sa paghuli ng manok! Mas barako pa ata siya sakin!

"Mabilis ka Jill ha! Wag kang tatanga-tanga! Pag di natin to nahuli wala tayong ulam!"

"Oo na!!!!" sigaw ko.

Nagsaboy na siya ng bigas. At lumapit naman yong mga manok. May mga sisiw at yong malaking huhuliin namin.

"Crook crook crook.." si Wendy.

Natatawa tuloy ako. Nakikipag usap siya sa manok?!

"Anong nakakatawa?!" tanong niya.

"Hmm? Wala!"

Dahan-dahan lang ako saka ko dinakma yong manok!

Yay!

Tumakbo siya!

Hinabol ko!

Tinanggal ko yong sapatos ko saka ako pumorma! Babatuhin ko na lang!

"Aray!"

Napatingin ako sa likuran ko.

"Tama bang batukan ako!" sigaw ko kay Wendy.

"Hindi ka ba nagiisip! Pag binato mo yan tatakbo yan at hindi na babalik!"

Napasimangot ako saka ko sinuot ulit yong sapatos ko.

Ano naman bang alam ko sa paghuli ng manok kasi!

Chicks lang hinuhuli ko eh hehe joke lang. Dati yon nong di ko pa nakikilala ang babe ko.

Nakakapagod!

Utang na loob! Bago pa namin mahuli yong manok kung saan-saan na kami nakarating ni Wendz.

Sa bandang huli siya din naman nakahuli.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora