Chapter 17 sa bar..sa bar na walang malay..hehe

Start from the beginning
                                        

“Wag nga kayong makielam. Diskarte ko na to. Basta, parang gusto ko muna atang magpalamig.  

Hay. Mga kaartehan nga naman. Gusto pa ata ni Anghel tumagal ang story nila eh. Ayaw pa kasi lumapit at magkusang kausapin si Zarren. Yan tuloy parang lalong nakakabadtrip sa lagay nya.

Samantala silipin natin ang nagaganap sa table nila Zarren..

“Tignan mo Zarren, nakatingin sayo si Anghel.. Yun oh..Waaah”-Yanskie, tinigil muna ang pagbabasa ng komiks kasi pati sya nagsisimula nang mang ispat ng papa. Haha.

“Yaan mo sya. Bwiset sya. Tignan mo nga at may katabi pang ewan.. Chaka naman.”-Zarren.

“Haha selos ka lang. Uy yung bill natin baka malimutan ni Papa Nathan ah. Mukhang nalilibang sa mga chakang girls dun eh.” –Joy

“Hoy mga adik kayo. Wag nga kayong tingin nang tingin sa kanila. Baka sabihin minamatyagan natin sila. Mag feeling pa yang mga yan. Wag nyo na tignan.”-Zarren. Pero sya tingin din nang tingin.

“Oo nga.”-Scarlet sabay sulyap lang kay Clark.

Sa puntong ito kay Jhoan at Tina na nakatabi yung dalawang artista daw kaya mejo natahimik sa isang tabi ang dalawa. Wag muna nating isama sa mga usapan kasi busy eh. Nakakahiya naman sa kanila. Baka maistorbo..tsk

(Anghel’s pov) Kung bakit ba kasi andito ka Zarren. Talaga nga bang naghahanap ka na ng ipapalit mo sakin ah.. At sa bar na to ka pa naghanap.. Hay.. Kung alam mo lang miss na miss na kita.. Sarap lang saktan ng mga lalaking dikit ng dikit sayo. Kung pde lang manggulpi dito eh. Sana lang tumingin ka oh. Isang sulyap lang naman please..Mahal ko..

Yun at parang dininig lang ni Lord ang hiling nya. Sabay sulyap lang ni Zarren. Di nakangiti pero di rin naman nakasimangot. Tamang timpla lang. Na di mawari kung matabang o matamis. Hay..Sa loob ng ilang segundong nagkatinginan sila…

(Zarren’s pov) Tingin ka ng tingin jan. Bat di mo kaya subukang lumapit dito.. Parang sa tingin ko handa na kitang patawarin eh.. lapit na oh.. sige na.. waaah. Di ko na kasi kayang magkunwari pa.. Mahal ko..

Bwiset tong dalawang to parang naglolokohan lng. Nu ba gusto nila mangyari ah.. parang mga tanga eh. Hay…

(Anghel’s pov) Buti sana kung napakadali para sakin ang lumapit sayo.Eh alam kong galit na galit ka.. Tsk tsk.. Zarren patawarin mo na kasi ako.. Isang suot lang naman yan ng singsing eh.. Makita ko lang talaga na suot mo yun, wala na kong masasabi pa kundi isigaw na mahal na mahal kita..waaah. suot mo na please..

(Zarren’s pov)-Badtrip naman kasi yung singsing eh nawala pa.. Edi sana nasuot ko na yun ngayon.. Para naman di ko na kelangan pang gumawa ng move para maparating ko sayong pinapatawad na kita.. Adik na pagkakataon to.. Sana kasi di nalang ako pumunta dito eh.. yan tuloy nasasaktan lalo ako habang nakikitang may iba kang katabi.. peste..akin ka lang kaya..

Sa puntong to, pumunta ulit si Nathan kasama si Clark sa table nila Zarren..

“Uy hipag. Di ka ba nalulungkot jan. Dun ka nga sa table namin ni utol.. Kawawa naman sya lonely..samahan mo..”-Nathan.

“Lonely? Weh. Kita mo ngang me kasama oh.. Lonely ka jan eh enjoy na enjoy yang kapatid mo sa ginagawa nya.”-Zarren.

“Oo nga. Eh ganyan naman talaga ang mga lalake eh.. Yaan mo na yan Zarren. Gayahin mo ko. Man-hater.”-Yanskie, isa nanaman sa mga paraan nya para sa mga papansin moves na di halatang papansin. Hehe. Sabay baling lang sa kanya ni Nathan

“Waaaah. Himala. Tapos kana magbasa? At ano kamo, manhater ka? Aba baka pag na try mo ko matigil yang pagka manhater mo.. Nyahaha. Ibahin mo ko sa mga lalake jan.”-Nathan

“Kausap ka?”-Yanskie ulit. Lam kasi nya na yun ang gusto ng mga lalake sa mga babae. Palaban. Hahaha.Asteeeg. Rakenrol men.

“Wow pare. Hinahamon mo ba ko ah. Ano bang pangalan mo ah.”-Nathan parang asar na amaze lang.

(Yanskie’s pov)-Hmm. Lab it! Nagtatanong ka na ngayon ah.. baka mawindang ka pag sinabi ko pangalan ko.. hehe, gusto mo samahan ko pa ng number eh..091635—“

“Pangalan ko, aylabyu bakit.ikaw?”- nice one Yanksie. Bow na ko sayo. Isa kang tunay na henyo.. nyahahaha. Gorabels.

(Nathan’s pov)-hmmm. Mukhang mapapalaban ako sa isang to ah.. Gumaganon ka pa ah.. Baka kala mo uurunga kita. Di porket anlakas ng dating mo sakin ay gagantuhin mo na ko ah.. wait ka lang jan..”

“Ahganun ba..Nice meeting you aylabyu ako nga pala si aylabyutu..hehe. Sabihin mo nga name ko..”-waaaah todo na to…..

“Mukha mo!”-Yanskie tumutodo lang sa exposure.. haha yaan nyo na minsan lang naman eh. Maipakita lang nya ang mga natatagong hirit nya..

“aylabyutu nga name ko..aylabyu. hihi”

“Bwiset ka!” sabay bulong lang ng “aylabyutu.” Haha

Yun. Matapos tumigil sa pakikipaglandian tong si Nathan kay Yanskie ay binalingan nya si Zarren. “Hipag, ano na tara. Nagmamaktol kasi si utol eh. Pagbigyan mo na..Sige ka baka maunahan ka ng iba”

“Bahala sya. “

“Waaaah. Ganyan ka na pala ngayon. Iba ka na pala ngayon. Kinalimutan, hinayaan at binalewala, kinawawa.Kinawawa mo lang sya!♫” hehe. Clark maski sa mga linya parang kanta parin. Hehe.

“Bakit ako ba nauna ha..”-Zarren.

“Sa bagay.. Balita ko nitong mga nakaraang araw nagkakamabutihan na nga pala si Anghel at Fate.. ok din yun diba.. Wala si James eh..Ganda pa naman nun ni Fate. Ikaw din..”-Clark ang sama lang talaga ng banat eh.Pati si Fate na nananahimik dinadamay..

“Oo nga pala pareng Clark.. Sya ba yung nakita ko isang araw sa bahay na kausap ni utol? Tsk tsk.. she’s so hot men. Mukhang nalayo kay pareng James yun ah. Kaya ayun, parang narinig ko nga kagabi sa telepono ang dalawang yun eh.. Me imiss you tas take care..Ewan ko lang kung may I love you pa..Diba aylabyu?” Sabay tingin lang kay Yanskie na pinatuloy ang pagbabasa ng komiks. Di na lumingon kasi parang bigla sya naepalan kay Nathan eh. Waaaah. Sino ba tong Nathan na to sa akala nya para saktan si Zarren ng ganon..hay galing lang magtahi ng story. Dapat dito naging writer eh..

“So sila na ni Fate ganon?”-Zarren sabay tayo lang at sugod sa kabilang table…

Pagdating sa table nila Anghel..

“Hoy Anghel mag usap nga tayo..”-Zarren galit na galit lang.

“Bakit?”-Anghel pa cool lng kahit kabado na.

“Kumusta si Fate?”

“Ok lang.”

“Magkasama ba kayo kagabi?”

“Oo sa bahay. Bakit ba?”-waaah inamin pa..sa puntong to nasa likod ni Zarren si Nathan at Clark. Parang sumesenyas lang kay Anghel ng mga dapat sabihin..

“Kayo na?”-Zarren. Senyas lang si Nathan na umoo si Anghel..

(Anghel’s pov) Ano to. Bat ganto si Zarren. Mukhang ipaglalaban naman nya ko ng patayan kay Fate eh.. hmm gusto ko yan. Nu kaya kung sabihin kong oo. Tas babawiin ko rin.. para masaya lang hehe..

“Oo kami na.”-Anghel. Binantayan lang magiging reaksyon ni Zarren. Hay.. baliw lang talaga eh noh.. timang mode. Tong si Zarren natural mag eemote.. Diredirecho lang palabas ng bar…

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now