Sabay siko lang ni Jhoan kay Zarren.. Bumulong lang ng “Ehem pakilala mo naman ako.. hihi”- ay naku bruha lang talaga oh.. Tsk.. Nag effort pa talaga si Jhoan magboots nung gabing yun ah.. Waaaaah.. Parang makikipagtadjakan lang.. Hehe.
“Nga pala mga friends ko.. Si Jhoan, Joy, Tina at ang pinaka cute na cute na si Yanskie.. Haha.. Yun oh.. Ang simple lang ng datingan ni Yanskie.. Snob lang.. Dehins kasi sya mahilig sa mga ganong lugar.. Painom inom lang ng ice tea habang nagbabasa ng paborito nyang kikomachine komiks. Haha.. (masyadong true to life lang) ..Di kasi sya gaya ng ibang tropa nyang mahilig magbar.. tulad nalang ni Jhoan at Joy.. Tropa kasi ang dalawang yan.. Ang pinagkaiba lang nila, si Joy me shota na ..Si Jhoan wala.. Hehe. Dito pinatunayan ni Joy na daig ng maagap ang mabalbon… nyahahahahahaha!
Yun. Nakipagkamay lang si Nathan sa tatlo..Kakamayan lang nya si Yanskie.. Kaso deadma lang eh.. busy sa pagbabasa ng komiks.. tsk tsk.. (dehins lang alam ni Nathan na pumaparaan lang si Yanskie para mapansin nya. Nyahahaha!) Mas wais lang talaga si Yanskie kay Jhoan.. Hihi..
“Hi. So, kaw pala si Nathan.. Kala ko si Anghel eh.. Grabe sobrang magkamukha kayo..”-Jhoan sumasagana lang sa exposure..
“Nye! Dami na nagsabi ng kasinungalingang yan.. Hehe, sobrang layo kaya..Mas mamasel ako dun. Nyahaha! At isa pa mas mayaman ako dun..”. Di na talaga nagbago ang ungas na to ah.. Sabay nguso lang kay Yanskie..”Sino sya? Adik sa komiks ah..Hehe.. Hey miss komiks, eram nga ng komiks mo..” Waaah sabay agaw lang kay Yanskie..
“Tae ka! Papansin . Amin na nga yan..”- yun oh itago ang pamumula.. Buti madilim.. haha.
“Di mo lang natatanong, eh magaling ako magdrawing. Kayang kaya ko yang mga ganyang komiks eh.. At kilala ko ata si Manix Abrera.. Idol ko nga yun eh.. “-Nathan pasikat lang.. Simpleng irap lang si Jhoan. Pano kasi lam nyang pumaparaan lang si Yanskie.. Haha.. Yun di pinansin si Nathan. Sabay agaw lang ng komiks at tinuloy ang pagbabasa..Hanep lang talaga sa moves eh noh.. Eh kung hindi nyo lang natatanong eh eto ata ang nagtrain kay Fate kung papano magpapansin ng hindi halatang nagpapapansin ka.. Kaso nga lang si Fate eh di masyadong natuto ng ganong technic. Tahasan kasi sya diba.. Hehe..
Hay.. Samantala.. balik nga tayo kay Zarren. Lumilihis dahil sa mga epal na tropa nya eh.. Hanep lang kasi pumaraan.. Yun si Zarren trying hard lang sumaya.. Kunwari nag eenjoy sa mga pangyayari.. Pero syempre deep inside naghahangad din sya na sana andun ang iniirog nyang si Anghel.. Hay… Sabay ng paghahangad nyang yon ay ang pagpasok ng magshotang JP at Diane kasabay lang ng kanina pa niya inaantay na si Anghel..Hay.. Sa table nila Clark sya nagpunta eh.. Ni hindi manlang sumulyap sa gawi nila..Hanep lang bilis lang dumating eh kakatext lang ni Nathan diba…. Tsk.. unless talagang binabalak nilang mag bar nung gabing yon..
(Zarren’s pov) Tamo tong ungas na to.. Pa bar bar pa.. Talaga namang kataksilan nyan oh.. Di pa man din kami pormal na naghihiwalay may balak na agad mambabae.. Hay sumama pa talaga sya sa playboy nyang kapatid at tropa ah.. Kala mo jan..huhu..
“Oh Yan na pala si utol eh.. Teka lang tatawagin ko..Tol!”-Nathan sabay kaway kay Anghel…Syempre si Zarren super saway lang..”Oy Nathan tumahimik ka nga jan.. Baka magfeeling nanaman yang kapatid mo.. Akalain pa ini-istalk ko sya.. “-Zarren defensive mode.
“Waaaah. Di nga ba? H ehe.. ok lang yan. Maiintindihan ka nyan. Labs ka nyan eh.. Kita mo namula agad.. Hehe..”
“Adik ka.. Dun ka na nga. Maghahanap pa kami ng papa eh..”-Zarren. Talagang nanadya lang.. Tsk, gusto kasi nyang pagtripan ang damdamin ni Anghel nung mga oras na yun eh..Para kasing di sya pinapansin oh.. Alam na ngang andun sya di pa rin lumalapit.. Ni hindi nga ngumingiti..
“Ge na nga . Dun na ko.. Bye girls..Bye ms. Komiks..”
“Che!”- iwas tingin lang si Yanskie.. Hehe
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 17 sa bar..sa bar na walang malay..hehe
Start from the beginning
