Chapter 12 "You Don't Have To Know"

7K 218 65
                                    

Parang nobela lang ang dating ng lovelife ko. Pero yung nobela na walang happy ending. Na bibigyan ka lang ng mga tanong, panghihinayang, at pagsisi kung bakit inumpisahan mo pa kung di naman pala masaya sa huli.

-Mariela

___________________________________________

Chapter 12 "You Don't Have To Know"

[MARIELA's POV]

Sinama kami ng mga police sa prisinto para magbigay ng statement tungkol sa nangyari.

"Salamat ah? Kung di dahil sayo, baka patay na rin ako gaya nung tatlong babaeng napatay ni Richard. Ako pala si Tasha." ngumiti ito sa akin habang nakaupo kami sa loob ng prisinto habang naghihintay sa police na mag iinterview sa amin tungkol sa nangyari.

"Walang anuman. Kahit sino namang makarinig sa paghingi mo ng tulong ay siguradong ililigtas ka. Call me Mariela." We smiled at each other tapos bigla niya akong yinakap habang paulit ulit nitong sinabi ang "salamat" kaya yinakap ko rin sya pabalik. Kahit medyo delikado yung nangyari, worth it naman kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan at nakatulong pa ako. And that's more than enough.

Kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa nang biglang may tumikhim.

"Okay na ba kayo?"

Tiningnan ko yung lalaking nagsalita at parang umakyat ang dugo ko sa utak ko. WALANGYA! Sa lahat ba naman ng mga police sya pa talaga?

"Opo, chief." Tasha.

Tiningnan ko ito at nakangiti itong nakatingin sa akin. WALANGYA LANG TALAGA! ANG CHILL NYANG TINGNAN HABANG AKO AY PARANG MAKAKAPATAY NA NG TAO. I dont know. I just dont know what to feel. Sometimes I love him. Sometimes I don't. But now, BOTH. Galit ako kasi mahal ko pa rin sya.

"Mariela."

Tumulo ang mga luha ko when he uttered my name. When was the last time I heard him calling my name? IM PATHETIC! KAILAN PA AKO MAKAKAMOVE ON?

"Paul."

Tiningnan ako ni Tasha na parang nagtatanong kung kilala ko ba sya at bakit ako umiiyak.

"Simulan na natin?"

Tiningnan ko si Tasha, "lalabas muna ako ha? Magpapahangin lang." Tumango ito at tiningnan nya ako na para bang nakikiramay.

Tumayo ako at hinawakan ni Paul ang braso ko na para bang pinipigilan nya ako sa pag-alis. Sana yan din yung ginawa nya noon pero hindi eh. Sya yung umalis at hindi nagpapigil.

"Di pa tayo tapos." seryosong pagkasabi nito sa akin. Alam ko na ang interview ang tinutukoy nya.

"Matagal na tayong tapos, Paul." matapang na pagkasabi ko at parang nanlambot ito at binitawan ako kaya tumakbo ako palabas ng prisinto. Parang nobela lang ang dating ng lovelife ko. Pero yung nobela na walang happy ending. Na bibigyan ka lang ng mga tanong, panghihinayang, at pagsisi kung bakit inumpisahan mo pa kung di naman pala masaya sa huli.

SAAN AKO PUPUNTA NGAYON? Tanging buntong hininga lang ang nasagot ko sa sariling tanong ko. Ayaw ko pang umuwi sa condo kasi mamamatay lang ako sa lugkot don o baka patayin ako ni Killian sa pagsusungit.

Naglakad lang ako. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Malamig yung simoy ng hangin na para bang nakikiramay ito sa aking nararamdaman. Napaisip tuloy ako kung si Zero ba talaga yung lalaking nagligtas sa amin. Mata lang kasi yung nakita ko sa mukha nya pero parang pamilyar.

"Hey!"

Pagkalingon ko, nandon si Killian at nakasakay sa motor nya. Di ko ito pinansin. Kahit napansin kong gwapo sya sa magulo nyang buhok. Langya! I tried to shake the thought away. I dont want to see him. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya. Tiningnan ko ito at bumaba ito sa motor nya. Napansin ko nga na parang may galos ang mukha nito. Pero ano bang paki ko sa galos na yun? Di ga nakabawas sa kagwapohan nya iyon. Arggg! Bahala sya! Mass binilisan ko ang paglalakad bago nya pa ako maabutan.

THE BAD BOYS CLUB (Completed)Where stories live. Discover now