/Meisha Mendoza/

105 12 11
                                    

* * *

MAGULO ang mga tao, madaming tao sa ground dahil sa nagkalat na booth sa paligid.

Huminga ako ng malalim at pinilit na timpiin ang sarili ko dahil sa mga taong sumasanggi sa'kin, isama mo pa ang kainitan ng araw. Nakakaleche lang.

"Ay, butiki!" Sigaw ko nang may biglang humila sa'kin.

Pagkalingon ko, nakita ko ang kaibigan kong si Chaine. Tumigil ako sa paglakad kaya napalingon siya sa'kin.

"Uy, bakit?" Tanong niya.

Bigla ko siyang hinampas. "Langya ka! Kanina pa kita hinahanap tapos ngayon bigla-bigla ka na lang manghihila?!"

Mahina siyang tumawa atsaka ako hinampas din.

"Bruha! Nakalimutan mo na bang staff ako sa booth namin? Hala tara't dalian mo."

Kumunot ang noo ko nang hilain niya ako ulit.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko.

Tumigil siya sa paglakad atsaka lumingon sa'kin. "Basta."

Hindi na lang ako sumagot dahil nauurat na talaga ako sa paligid. Gusto ko na ring maupo dahil sa pagod, at wala na ako sa mood.

Makalipas ang ilang sandaling paglalakad, nakarating na rin kami sa booth nila Chaine. May isang malaking “Dating Booth” sa labas ng room at pagkapasok eh may mga nakaset-up na mga mesa at dalawang upuan. May mga tao rin sa loob na parang nagde-date. At siyempre may mga waiter din na mukhang mga ka-block ni Chaine. Nagulat na lang ako nang bigla akong paupuin ni Chaine sa isang upuan.


"Wait ka lang diyan, Meisha." sabi niya sabay talikod.

"Huy, Chaine!" Tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya, at dahil nga wala na ako sa mood ay sumandal na lang ako sa upuan at tumulala.

Pero bigla akong napaayos ng upo nang may lalaking umupo sa tapat ng upuan ko, at ang mas nagpagulat sa'kin ay si Rej 'yun—yung crush ko.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Chaine, pero hindi ko na siya nakita. Patay talaga 'yun sa'kin mamaya! Sigurado akong siya ang nagset-up nito!


"Hi."

Napalingon ako kay Rej na biglang nagsalita. Nakangiti siya sa'kin kaya kitang kita ang dimples niya.

Biglang kumabog ang dibdib ko, at naramdaman ko na naman yung kilig sa tuwing nakikita ko siya.

Tumikhim ako at pinilit ang sarili kong umakto ng normal.

"He–y." sagot ko.

Ugh! Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil ang tanga ng sagot ko. Muntik ko nang mapaghalo ang hello at hi! Katinuan, ba't mo ko iniwan? Kailangan kita!


"By the way, I'm Rej." Sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Almost a FairyTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon