63: Misunderstanding

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang swerte ko pala talaga dahil may boyfriend akong isang Jeydon Lopez.

Pinilit kong matulog ulit para hindi ako antukin mamaya sa klase pero nawala na talaga 'yong antok ko, e. Nag-decide na lang akong mag-jogging muna, tutal, maaga pa naman. Naligo agad ako tsaka ako nagbihis ng shirt tsaka ng jogging pants. Gusto ko sanang manood ng practice nila Pusa kaso baka makaistorbo naman ako ro'n.

Pagkababa ko ng kwarto, nasa baba na sina Mama at Yaya. Nagulat silang dalawa kasi ang aga ko raw nagising. Sabi ko na lang na hindi na ako inaantok. Kumain lang ako nang kaunti tapos umalis na ako ng bahay.

"Good morning, world!" Inunat ko 'yong kamay ko. Feel na feel kong mag-jogging noong araw na 'yon. Grabe pala 'yong nagagawa ng flying kiss ni Jeydon. Naging hyper ako masyado, haha!

Nag-jog ako sa subdivision namin habang nakikinig ako sa iPod. Habang tumatakbo ako, biglang may kumalabit sa 'kin. Paglingon ko, nakita ko si Lucas.

"Good morning, Noona." Mukhang pawis na pawis na rin siya. Kanina pa siguro siya tumatakbo.

"Anong ginagawa mo rito, Lucas?" Dito kaya siya nakatira sa subdivision namin?

"Napadaan lang. Mas maganda kasing mag-jogging dito sa subdivision n'yo kesa roon sa 'min. Akalain mo nga naman 'yon, nakita pa kita."

"Oo nga, e. Hindi ka na pumunta sa bahay noong isang araw. Gusto ka pa namang makita ni Mama."

"Okay lang ba kung ngayon na ako pumunta sa bahay n'yo?" Nakangiti siya sa 'kin tapos napakamot siya sa ulo niya habang nakayuko siya. Ang cute niya talaga, para siyang batang nahihiya.

"Tara, gutom na rin ako, e."

Bumalik kami sa bahay. Tawa ako nang tawa habang napagkwentuhan namin 'yong mga nangyari sa 'min dati sa Korea. Noong nasa Korea kami, puro kami kalokohan dati ni Lucas. Ang sarap kasing mag-bike tsaka gumala roon after school, hindi katulad dito. Saglit lang kaming nag-usap bago nakarating sa bahay pero parang ang dami na naming napag-usapan.

Pagdating namin sa bahay, tuwang-tuwa si Mama noong nakita niya si Lucas. Matagal nang kilala ni Mama si Lucas. Kapag dumadalaw kasi silang dalawa ni Kuya sa Korea dati, palagi nilang nakikita si Lucas. Best friend ko kasi dati si Lucas noong nasa Korea kami.

Pinakain kami nina Mama ng breakfast. Habang nag-uusap sila sa kusina, naligo lang ako, nagbihis tapos lumabas na kami ni Lucas ng bahay. Ang dami kasing tanong nina Mama at Yaya, nakakahiya tuloy sa kanya.

"Nasaan pala si Charles?"

Natigilan ako sa tanong niya, bigla ko ulit naalala si Kuya. Nasaan na nga kaya 'yong unggoy na 'yon?

"Hindi ko alam, e. Hindi umuwi kagabi."

"Hindi ba alam nina Jeydon kung nasaan siya?" Mukhang nag-alala siya para kay Kuya. Ang lakas tuloy ng kutob kong nakipagbasag-ulo na naman 'yong magaling kong kuya.

"Alam ni Jeydon kung nasaan siya pero hindi niya sa 'kin sinabi. Bakit?"

"May gusto lang kasi akong sabihin sa kanya. Hayaan mo na. For sure, makikita ko rin siya one of these days."

Waaa, umatake na naman ang pagka-curious ko. "Ano 'yon?"

Tumawa siya tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Boy talk 'yon. Sige na, pumasok ka na. May pupuntahan pa ako, e. Bye, Noona!"

"Okay, ingat ka. Kita na lang ulit tayo!" Nagpaalam na agad siya sa 'kin tapos naglakad na ako palabas ng subdivision namin. Saan kaya 'yon pupunta? Tsaka ano kaya 'yong sasabihin niya kay Kuya? Haha, umiral na naman ang pagkatsismosa ko.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon