Chapter 55-3. Fifty Shades of Pepita!

Magsimula sa umpisa
                                    

I was sitting alone on a tree, which was isolated near the beach of the Laiya Resort. As of tonight, the entire resort was reserved exclusively just for JAPO's SURPRISE birthday bash. I perched up on its trunk, listening to the random mumbles of people conversing, and the sound of the waves from the sea. Halos maghahating-gabi na, madilim na din ang langit but the resort has those candle-light lamps around the area giving a more relaxing mood.

Actually, ang weird nga ng pagkakatubo nitong punong inuupuan ko ngayon, naka-kulot yung tangkay nito kaya't hanggang beywang ko lang ang taas, para bang patabingi siyang tumubo. Kung sa bagay, sino naman kasing nasa tamang pagiisip ang nagtanim nito sa puting buhangin.

I took a deep breathe, taking in the cool, night breeze. Hindi talaga mawala yung ngiti ko sa mukha. I was in my new set of clothes na kabibili ko lang kahapon – denim shorts and a cropped navy-blue top. Hm, wag kayo! For the first time, bumili ako ng damit – at syempre yung naka-SALE. Haha. PERSTAYM na hindi ako nag-kuripot! Actually, nag-shopping ako kasama ang mga kapatid ko at si AJ. Naka-bili na nga din ako nung RELOS na balak kong ibigay kay Sef para pang-Graduation gift ko sakanya. MALAPIT na din kasi graduation niya, ilang tulog na lang mga kapatid gra-graduate na ang asawa ko!!! WAHAHAHA. Tapos nun pwede na kami PAKASAL. Hahaha. TOINKS!

Hindi ko alam kung ano din ang nakain ko... kung bakit sumagi din sa isip ko na magpa-gupit kahapon sa pinaka paborito kong salon sa balat ng lupa – ang Bench Fix Salon - at kahit alam kong inuuto lang ako ng mahadera kong stylist pumayag na din ako sa suggestion niya na magpa-highlights. Haha. Kung meron man akong isang bagay na hinding-hindi ako manghihinayang na gastusan eh yun ang BUHOK ko. Aaminin ko, ito lang talaga ang namumukod tanging LUHO ko sa buhay bukod sa pagkain syempre.

Ewan ko ba. Sobrang saya ko lang talaga. It feels as if the whole universe is smiling back at me. Shine-bright-like-a-diamond lang ang peg ng lola niyo. Haha. Kumikinang ang lahat sa paningin ko. Para bang nagkaroon ng dahilan ang lahat ng bagay sa buhay ko. May dahilan na ko para bumangon ng maaga at wag magpaka-late, may dahilan na ko para bumili ng damit, mag-ayos ng sarili ko, mag-suklay... lahat-lahat na!!! Siguro nga, ito yung tinatawag nilang INSPIRED. Naka ng toots talaga... lumelevel up ka na Ellie!!! APIR!!!

Sa totoo lang, wala sa plano ni Japo ang bonggang birthday celebration. Sabi niya lang nun samin, manlilibre na lang siya sa labas... but Sef has a different plan. Oo, si Sef ang nag-ayos ng lahat ng ito. Hindi na rin ako nagtaka na ginawa niyang lahat toh para sa matalik niyang kaibigan. Nag-patulong lang siya samin nila Borge na papuntahin si Japo dito sa venue at siguraduhin na hindi siya magdududa. Haha.

Andito ang kalahati ng populasyon ng MUP, may mga taga GWAPS, mga NEW-U, iba pang mga kaibigan ni Japo na hindi ko na talaga kilala at ngayon ko lang nakita, buong pamilya ni Japo – pinsan, tita, tito, nanay at step-father niya, pati na din yung half-brother at half-sisters niya. Present din ang buong tropa – except for SARA, as usual.

Effective naman ang surprise namin. Haha. Walang kaide-ideya si Japo, ginawa lang naming dahilan si Jill. Sabi namin nagpapasundo siya sa Laiya. Aba, hindi na nagdalawang isip ang loko. Siya pa nag-prisintang mag-drive!!! Haha.

“Hi, miss!” Biglang may umupo sa tabi ko, si Darren Max Sanchez. “Pwede bang malaman kung anong pangalan mo?” He was smiling, yung bang halatang nangaasar lang. I noticed he was even holding a bottle of beer.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon