Chapter 1

20.6K 354 19
                                    

Unedited

Nasa loob ng kanyang clinic si Luis nang makatanggap ito ng tawag. Dahil hapon na at wala na siyang pasyente, nagpapahinga na lang ito. Kinuha niya ang cell phone sa ibabaw ng kanyang kulay puti na mesa.

"Napatawag ka?" walang kagana-ganang sagot nito sabay sandal sa upuan.

"May ibabalita ako sa 'yo," excited na saad ng kausap.

"Siguraduhin mo lang na hindi ako maba-badtrip diyan sa ibabalita mo. Kung hindi, pupugutan talaga kita ng ulo kapag nagpakita ka sa akin."

"Okay! Fine! Huwag na nga lang! Bye!" Pagbibiro naman ng kaibigan sa kanya. Sanay na rin ang mga ito sa pagiging mainitin ng ulo ni Luis.

"Asshole! Ano ba kasi 'yan? Ba't 'di mo pa sabihin nang deretso?" naiiritang saad niya sa kausap.

"She's back. Sophia Jimenez, is finally back."

Nang marinig niya ang sinabi ng kausap, uminit ang buong katawan ni Luis. Ang babaeng kay tagal niyang hinanap kung saan-saan ay nagpakita na. Kay tagal niyang hinintay na bumalik ang dalaga sa kung saan mang impyerno ito nanggaling.

Fuck that woman. Bumalik na siya! Humanda ka ngayon sa paniningil na gagawin ko.

"Uy! Luis? Luis! Nandiyan ka pa ba?" tawag sa kanya ng kausap nang hindi na niya ito narinig na nagsalita.

"Nasaan na siya ngayon? Pinasundan mo ba?"

"Don't worry. Nakasunod na sa kanya ang dalawang unggoy nating kaibigan. Tatawagan ka na lang nila kung may balita na."

"Okay, Franco. Maraming salamat." Aniya saka nagpaalam na sa kaibigan.

Pabagsak na ibinaba ni Luis ang kanyang cell phone. Nagtatagis ang bagang nito. Namumula ang bagong shave niyang pisngi sa galit na nararamdaman. Hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan ang pang-iiwan ng dating kasintahan. Lahat naman ibinigay niya sa dalaga. Kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit na lang ito nawala nang walang paalam. At sa araw pa mismo ng second anniversary nila. Kaya ganoon na lang ang galit niya nang bigla na lang itong naglaho na parang bula.

Nasa labas na ng airport si Sophia habang hinihintay ang magsusundo sa kanya. Tinanggal niya ang kulay itim at bilugang sunglasses at ipinatong iyon sa kanyang ulo. Hinubad nito ang suot niyang makapal na jacket dahil malamig sa bansang pinagmulan niya. Sleeveless na kulay pula at hapit sa katawan ang suot niyang blouse na pinarisan ng maluwang na uri ng pantalon. Bago paman siya tuluyang lumabas ng airport kanina, pinalitan na niya ng flat shoes ang suot niyang winter boots.

Nakangiti siyang tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Matagal na panahon din niyang hindi nasilayan ang mga ulap ng mahal niyang bansa na pansamantala niyang iniwan.

"Miss Jimenez?" tawag ng boses lalaki sa kanya.

Kumurap-kurap muna ito dahil lumabo ang kanyang paningin. "Yes. Ikaw ba iyong pinasundo ni Cecilia sa akin?" nakangiti niyang sagot sa may edad ng lalaki na nakatayo sa harapan niya.

"Opo ma'am. Ako po si, Kaloy," saad naman ng lalaki saka isa-isa ng binuhat ang dalawa na may katamtamang laki niyang maleta.

"Paano niyo po ako nakilala, Mang Kaloy?" tanong nito habang inaalalayan siya ng matanda upang makapasok sa likuran ng kotse.

"Ito po, o," sabay lahad ng larawan niya nang makapasok na matanda sa driver side ng itim na Mercedes.

Larawan niya iyon kuha mula sa pag-uusap nila ng kaibigan kanina habang naghihintay ito ng flight niya papuntang Pilipinas. Tumango-tango na lang ang natatawang dalaga. Camera addict kasi 'yong kaibigan niya. Noon paman sa Canada ay hilig na talaga ng kaibigan niya ang mag-selfie.

Bachelor Series 1: Luis Alcantara (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon