***

"Hey! What's up man!" sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ni Luis nang dumating siya sa bahay ng kaibigan nilang si Hector Montefalco. Ang tinaguriang Playboy ng barkada. Birthday ni Hector kaya kompleto na naman ang magulo nilang barkada.

Naroon din sina Franco na kausap niya kanina sa cell phone. Giovanni; The great pretender, Luigi; Ang mahirap sa grupo nila ngunit ito rin ang pinakamasipag nang nag-aaral pa lang sila. Diego; Isa ring playboy. Linggo-Linggo iba-iba. Estefan; Masunurin sa ina. In short, mama's boy. May-ari ng isang international airline ang pamilya nila. Julian; The great architect. Joaquin; hopeless romantic ng barkada at si Martin; the owner of Zamora shipping line company.

Kompleto sila maliban na lang sa iba na nasa ibang bansa. Sangkatutak na inuman na naman ang mangyayari sa gabing iyon. Lalo pa't may nagbabalik silang kaibigan.

Pasalampak na umupo sa malawak na sofa si Luis. Agad din siyang binigyan ng inumin ni Franco.

"Cheers! Para sa pagbabalik ni, Sophia!" saad ni Franco na tiningnan naman niya nang masama.

Sabay-sabay nilang nilagok ang laman ng kani-kanilang mga baso. Unang nagbaba ng kanyang baso sa salaming mesa si Luis at agad na tumayo. Nagugutom na ito. Hindi pa ito kumakain simula kaninang tanghalian sa sobrang dami ng kanyang pasyente.

Nawawala ang gana niya sa pagkain kapag marami pang nakapilang pasyente at naghihintay na matingnan niya ang mga mata ng mga ito. Maliban sa mura lang kung maningil si Luis, malapit din ang loob niya sa kanyang mga pasyente.

Habang kumukuha ng vegetable salad na nakalagay sa mahabang mesa sa gilid ng malawak na sala ng bahay, inakbayan siya ni Hector saka kumuha ng pork barbecue.

"Bumalik siya sa dating bahay nila." Saad nito bago sumubo.

Napahinto ng pagkuha sana ng barbecue si Luis. Hinarap niya ang kaibigan. Tinanggal ni Hector ang pagkakaakbay sa kanya at seryoso itong tinitigan.

Hindi umimik ang lalaki. Bahagya lang itong tumango saka kumuha ng tatlong piraso ng barbecue at sinimulan na ang kumain habang nakatayo pa rin doon sa harapan ng mesa.

Pagkatapos niyang kumain, agad na silang bumalik sa iba pa nilang kaibigan. Medyo lasing na ang iba. Ang iba naman ay nagkukuwentuhan sa isang bagay na kung saan ay magkakasundo sila.

"Luis, pupunta ka ba sa exhibit ni Cecilia?" ani Julian na nakaakbay sa girlfriend nito.

"Oo nga, Luis. Kailangan ni Cecilia, ang suporta natin. Saka for a cost naman at maraming bata tayong matutulungan. Ngayon pa na malapit na ang pasko." Segunda naman ni Martin.

"Basta ako, sigurado na akong pupunta." Sagot naman ni Franco.

Magkasabay ring sumagot sina Julian, Giovanni, Joaquin at Luigi na pareho ring pupunta.

Isa sa mga pasyente niya ang lola ni Cecilia kaya nila ito nakilala. Isang tanyag na pintor ang babae na may isa ng anak na babae at doctor naman ang napangasawa nito.

"Pupunta ako. I'm one of the sponsor, remember? At charity ko ang bibigyan nila ng donation," sagot niya saka inubos ang laman ng kanyang baso.

***

Pagkatapos maipasok ni Mang Kaloy ang mga dala-dala ni Sophia, agad nang nagpaalam ang matanda matapos masigurong nasa maayos na ang babae.

Nakatayo siya sa gitna ng malawak nilang sala. Wala itong pinagbago. Katulad pa rin ito ng dati. Malinis at nasa ayos pa rin ang lahat ng mga kagamitan. Ang dami niyang alaalang naiwan sa bahay na iyon. Mga masasayang alaala nila ni Luis.

Bachelor Series 1: Luis Alcantara (✔)Where stories live. Discover now