Special Chapter (an excerpt from the book)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Missy... let's give due respect to your parents, shall we? Besides, I want to give you the wedding that you deserve. Ayaw kong magmukhang itinanan lang kita kahit na ikaw ang nagtanan sa akin." Hindi na ako nakapagsalita kasi tama naman siya.

"He's right Missy. If I were you, hindi na ako makikipagtalo kasi hindi ka mananalo. Been there, done that, pero wala eh." Tiningnan ni Mandy si Alexis and Alexis just gave her a patronizing smile.

"Halika, ewan muna natin sila para makapag usap. Madami kang ikukwento, bruha ka!" Tumayo na si Amanda at tatayo na din sana ako nung hinatak na lang ni Lexie ang kamay ko kaya hindi ako nakatayo.

"She's limping." Bigla niyang sabi at narinig ko ang pagtikhim ni Alexis at ang pagbungisngis ni Amanda. Hindi ko alam kung sino ang una kong babatukan. Si Lexie ba o si Mandy. Mabuti pa itong si Alexis, kahit na nangingiti, pilit na nagpapakaseryoso.

"Grabe ka talaga!" Sinumangutan ko siya but he just smiled at me.

"Sige, kami na lang dito at kayo na lang ang umalis." Pagtataboy ni Mandy sa dalawa. Tumayo na dalawang lalaki pero pinisil muna ni Lexie ang kamay ko bago sila umalis.

Pagkalabas ng kambal sa sitting room bigla nalang akong niyakap ni Mandy.

"We're family now! Magkaparehas na tayo ng apelyido!" Tili niya at niyakap ako.

"My God! Grabe! Sisters-in-law na talaga tayo! Can you believe it?" Pinaypayan pa ni Mandy ang mukha niya. Bigla siyang naging hyper.

"I-kwento mo sa akin ang lahat!" Excited na sabi niya. Kulang na lang yugyugin niya ako.

"Ang ano!?" Napatingin kami sa papasok na sina Barbie at Chelsea.

"They got married!" Mandy excitedly announced. Nanlaki ang mga mata ng mga bakla at napatingin sa akin.

"What!? Kaya ba dito pinahatid ni Lexie ang kotse mo?" Oh, my car. Nakalimutan ko na ang tungkol sa kotse. Kung hindi pa sinabi nina Barbie, hindi ko pa maalala.

"Oo nga pla. Paano niyo nadala ang kotse ko? Na kay Lexie ang susi." Ang pagkakatanda ko, nilagay ko sa dashboard ng sasakyan niya ang keyfob ko.

"Bruha, iniwan niya sa hotel at pinakuha na lang namin. Andyan na ang kotse mo sa parking. Pero teka nga bakla! Paanong kinasal kayo? Ang alam namin ihahatid ka lang niya pabalik ng Maynila dahil nagseselos ka kay Sandy. Paanong kinasal na kayo at kelan kayo kinasal? Hindi man lang kayo nag imbita! Nakakasakit ka ng heart ha!" Mahabang litanya ni Chelsea at may kasama pang arte. Hinawakan niya ang nasaktan niyang heart to emphasize his point.

"Yesterday. Mabilisan lang naman."

"Pinikot ni Missy si Lexie." Mandy interjected and ignored my glares.

"Hindi na nakakagulat." Tumatango pa si Barbie. Kita mong mga to. Parang ang kinalabasan ako pa ang atat na atat na pakasalan si Lexie. Well, sort of, but just because I'm...uhh, anyway , sa kasal din naman kami hahantong. Bakit pa patatagalin?

"Yeah." Chelsea agreed.

"Alam niyo ang sama niyong tatlo! Pinagtutulungan niyo ako. Pagsasabunutan ko kayo gusto niyo?"

"Really? Hindi mo yun magagawa. You're sore all over." Mandy grinned at nakita ko ang malisyosang tingin ng dalawang bakla sa akin.

" Eh di lumuhod ka na teh?" Tanong ni Barbie habang ngiting ngiti. Luhod?

"Bakit naman ako luluhod?"

"Hindi ka pa nakaluhod?" Gulat na gulat na sabi ni Chelsea. Teka, importante ba yun? Bakit parang nagpapanic sila na di pa ako nakakaluhod?

"Why should I do that!?" Narinig ko ang pagtawa ni Amanda kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. Namumula na siya kakatawa.

"Itong si Mandy kung makatawa, parang sagana sa luhod." Baling ni Barbie kay Mandy. Kaya ba going strong ang relationship ni Alexis at Mandy? Palagi bang lumuluhod si Mandy?

"Lumuluhod ka Mandy?"

"When the situation calls for it." Sabi ni Mandy at pilit na pinipigilan ang tawa.

"Importante yun sa mag asawa! Di mo alam? Ikaw kasi, nagpakasal ka ng di mo inaalam ang lahat. Yan tuloy clueless ka." Panenermon na ni Chelsea sa akin. He's right. I should have researched about it. Baka nga vital sa family life ang luhuran portion.

"So, kailangan kong lumuhod? What for?" Hindi ko kasi alam kung ano ang role ng luhod.

"Para sa ikakatibay ng relasyon ineng." Barbie said, as if I'm the most naïve wife in the universe. Nakakahiya naman na wala akong idea sa mga ganung bagay.

"Ohh... okay. Gaano ko katagal gagawin yun? Tapos while kneeling, may prayer ba? Or orasyon? So habang lumuluhod ako at nagp-pray for a stronger married life, ano naman ang gagawin ni Lexie? Dapat may contribution din siya di ba?" Naging curious tuloy ako kasi siyempre, gusto kong pagtibayin ang relasyon namin ni Lexie. Nakita kong lalong lumaki ang mga ngiti nilang tatlo.

"Pwede niyang hawakan ang ulo mo para i-guide ka." Barbie said grinning. Na imagine ko ang sarili ko habang nakaharap si Lexie sa akin at nakaluhod ako habang hinahawakan niya ang ulo ko.

"Ganun? Parang knighting pala ano? Kaso walang sword." Kunsabagay sign of respect nga naman ang ganun. Kahit nga sa simbahan, kailangang nakaluhod.

"Meron kaya!" Sabi ni Chelsea.

"Meron?" Parang knighting nga talaga!

"Yap! Ikaw ang hahawak ng sword." Sabi ni Barbie. Di ba parang baliktad? Si Alexander dapat ang hahawak ng sword at ipapatong niya yun sa balikat ko. Nangunot ang noo ko. Sakto namang pumasok sa sitting room sina Lexie at Alexis. Tapos na siguro silang mag usap.

"Alexander, do we have a sword?" Tanong ko agad pagkalapit niya.

"Sword? What for?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

"Sabi kasi nina Barbie, para tumibay ang relationship natin kailangan kong lumuhod sa harap mo at hahawakan ang sword." Naririnig ko ang tawang parang kinikiliti sa tabi ko. May narinig akong nabilaukan at nakita ko si Alexis na hinahagod ni Mandy ang likod. Nabilaukan ata sa juice na iniinom niya.

"Niya. Sword niya." Barbie supplied. Kailangan talagang i-emphasize na kay Lexie ang sword. Conjugal property na kaya yun kasi kasal na kami.

"Mo. Luluhod ako sa harap mo at hahawakan ang sword mo. Is that right?" Baling ko pa sa mga bading na ang laki ng pagkakangiti. I wanna do it right para sa ikakabuti ng relasyon namin ni Lexie.

"What the fuck Barbs!" Lexie said.

"Ano ka ba, wag ka ngang bastos. They're helping us in our marriage." Bakit parang naeeskandalo pa siya samantalang para naman sa ikakabuti namin ang pinagsasabi nina Barbie at Chelsea. Kahit nga si Mandy ginagawa yun. Wala namang masama kung gagawin ko din para sa iakakbuti naming dalawa.

Pinandilatan ko na siya para di na siya kumontra. Bumuntonghininga siya at umupo sa tabi ko.

"I'll show you later how it's done." Sabi na lang niya at napangiti ako. Dapat lang noh! Mag effort din naman siya para sa relasyon namin.

"Really?" Excited na sabi ko. Natutuwa ako na gusto din niyang tumibay ang relasyon namin.

"Promise." He said and he looked at me with that undisguised desire in his eyes.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon