Chapter 40

218K 8K 1.3K
                                    

Chapter 40

"There was a farmer had a dog and Bi-hik-go was his name ohh, B-I-hik-G-O, B-I-hik-G-O, B-I-hik-G-O and bingo was his name ohh" Napatawa ako habang kumakanta. Uminom ako mula sa bote na hawak ko at dumaan sa lalamunan ko ang init na dulot ni Jack Daniels.

Halos mangalahati ko na ang bote pero pakiramdam ko hindi ako nalalasing. Alam kong hindi pa ako lasing kasi ramdam ko pa din ang sakit. Kung lasing na ako dapat numb na ang pakiramdam ko, dapat walang malay na ako ngayon. Pero andito ako at nasasaktan pa din. Therefore, I conclude, Im not yet drunk.

"Jack, thank you for the company." I said while looking at Jack Daniels. Hindi pa ako nakuntento, hinalikan ko pa ang bote.

Nabili ko kanina si Jack pagkatapos kong maglakad sa buong resort at pagkatapos kong marealize ang isang bagay. Ang rason kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

I am in love with Lexie.

Wow! I am in love with him. What a discovery so I ought to celebrate the moment. Naisipan kong kailangan kong mag celebrate sa maraming kadahilanan kaya bumalik ako sa resto at binili si Jack.

Gusto kong magcelebrate para sa mga patay na nabubuhay. Para sa mga taong umaasa, para sa mga tanga at dense, para sa world peace na hindi maabot abot dahil sa mawawalan ng negosyo angmga bansang nagbebenta ng mga gamit sa war, para sa baboy na na-achieve ang pagkapula dahil nilechon...para sa kirot ng puso ko kasi huli na ang lahat.

I should celebrate because after this night, I will no longer allow myself to grieve. Alam kong masasaktan pa din ako but I will not longer dwell on the pain. Sa dinami dami ba naman ng mga bigo kong relasyon dapatnasanay na ako. Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.

Just this night, I will allow myself grieve for my dying heart.

"Pagpasensiyahan mo na Jack kung ubusin ko man ang lahat ng katas mo." I said while looking intently at the bottle in my hand. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bato at naglakad malapit sa tubig dagat. Saglit kong binasa ang mga paa ko pero nagsawa din ako. I took a few steps backward and sit on the sand.

Napahiga ako sa buhangin at hinimas ang machong katawan ni Jack. Sana lahat ng lalaki katulad ni Jack. Hindi nang iiwan, andyan lang through thick and thin. Kayang alisin ang problema at ang pinaka importante, walang ex-girlfriend na bigla na lang nabubuhay.

I laughed again at my thought and my bitternes. Nakakabitter naman kasi talaga kasi ang ganda ganda ni Sandy. Nakakabitter kasi siya ang babaeng iniiyakan pa din ni Lexie kahit 10 years na ang nakalipas. Nakakabitter kasi hindi man lang niya sinabi nanagkita na pala sila ulit at buhay ito. Nakakasakit ng puso kasi nalaman ko na wala akong halaga kay Lexie dahil hindi niya nagawang sabihin sa akin ang mga ganun ka importanteng bagay.

Who am I anyway? Oo nga at sinabi niyang mahal niya ako pero malaki ang posibilidad na agad nawala ang pagmamahal na yun kasi andyan na ang first love niya. Damn it! The person who invented the quote, 'First love never dies', must be some kind of a fortune teller. Paano niya nalaman na hindi namamatay ang first love?

Akala ko pa naman ako ang true love ni Lexie kasi sampung taon daw niya akong mahal. Sinabi niya! Pero hindi pala! Naniniwala pa naman ako sa quote na , 'first love dies, when true love comes', eh dumating na ako pero kita namang buhay na buhaypa si Sandy. Ayaw ko namang patayin siya dahil ayaw kong maging kriminal.

"Oh Jack,, what do I do?" I lament and drink again from the bottle.

But Jack didn't answer until I succumbed to sleep.

Nagising na lang ako na parang may basa sa may bandang legs ko. Then I heard the sound of waves and crickets, thunder from far away. I suddenly sat up only to be greeted by a headache and nausea. Great! Si Jack katulad talaga ng ibang lalaki, sakit ng ulo at minsan nakakasuka. I groaned and massage my head.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon