Chapter 20

228K 9.3K 3.8K
                                    

Chapter 20

Ako ay isang alamat! I stretched my arms and shouted then I danced around my living room like a lunatic. Sa mga makakakita baka isipin nilang nababaliw na ako. Oo nga, nababaliw na ako sa kaligayahan. Binuksan ko ulit ang text message na pinadala ni Chelsea at binasa

Chelseabells: Bakla, lam mo ba, break na sila Meister at Lexie.

"Ehhhh." Tumili ako ulit. Nakakatuwa. Isang linggo lang wala na agad sila. Sira na ang relasyon nila dahil sa akin. Beh, buti nga! Ang galing galing ko talaga! Ako na! Isa na akong dakilang manunulot!

Sino ba naman ang hindi maghihiwalay kung halos araw araw ko silang binubulabog. Mabuti na lang itong si Lexie sinasabi palagi kung nasaan siya kapag nagtatanong ako. Kaya napupuntahan ko siya at sinisira ko palagi ang date nila ni Ter. Siguro bumabawi yang si Lexie kasi na guilty ng sobra sa ginawa sa akin kaya pinagbibigyan niya ako kapag niyayaya ko siya at the expense of Ter. Hindi niya alam unti unti ko nang sinisira ang relasyon nila. I am such a smooth operator.

Nakangiti ako habang nag-aayos at lumabas ng bahay para puntahan si Lexie. Gusto kong siguradong sigurado na wala na talaga. Mamaya niyan palabas lang pala nila ang lahat o kaya mali ang tsismis an nasagap ni Chelsea. Dapat manggaling sa kanya ang katotohanan.

Pagdating ko sa studio niya, may photoshoot na naman. Hindi ba sila nauubusan ng photoshoot?

"Bakla!" Malakas na sigaw ko at tumakbo ako palapit kay Lexie at niyakap siya sabay beso sa kanya. Yun nga lang, katulad ng mga nangyayari these past days tuwing bumabati ako sa kanya, niyayakap niya ako at kung minsan humahalik pa siya sa pisngi ko. Hinahayaan ko na lang lalo na kung andyan si Ter. Para mainggit ang bakla.

Pinangatawan talaga niya ang pangtsatsansing niya sa akin. Hinahayaan ko na lang kasi minsan ko lang makita ang ganitong side ni Lexie. Isa pa, sinabi ko naman sa kanya na pwede siyang mantsansing at hindi ko bibigyan ng malisya. Like duh! Bakit ko bibigyan ng malisya ang paglalambing ng kapwa ko girlalu?

Dahil sa ingay na ginawa ko, napatingin sa akin ang mga models pati na din ang mga photographer at isa sa kanila si Meister. Nagtama ang mga mata namin ni Ter at sinabayan ko ang sama ng tingin niya sa akin. Mukhang haggard ang gaga! Nangingitim ang ilalim ng mga mata, magulo ang buhok at hindi ata nagshave. Kung lalaki siya, pwede siyang pumasa bilang ruggedly handsome pero dahil sa bakla siya, dugyot ang tawag sa kanya. Mukhang stress na stress ang bakla. Sino ang hindi masestress? Wala na siyang jowa! Buti nga sa kanya. Pasalamat nga siya hindi ko pa kinakausap ang parents niya eh.

"Napadalaw ka?"

"Libre kita ng kape." Umupo ako sa sofa na inuupuan kanina ni Lexie bago ko siya sinugod ng yakap. Umupo siya sa armrest.

"Anong meron?"

"Hindi kasi ako kuripot katulad mo. Kaya hangga't di mo pa ako nahahawaan, halika na, magkape na tayo." Tumayo na ako at hinawakan ang braso niya para tulungan siyang tumayo.

"I have work Missy."

"Ganun? Tatanggihan mo ang libre ko?" Pinulupot ko ang braso ko sa braso niya para di na siya makawala at nagsimulang maglakad. He reluctantly followed me.

"May tinatapos nga ako."

"Ano, trabaho o kape?"

"Trabaho." He said immediately.Hindi man lang pinag isipan?

"Trabaho o ako?" I looked up at him smiling then I wriggled my lips and smiled at him. Napansin ko ang bahagya niyang pamumula.

"Ang kulit mo." Nangingiti nang sabi niya habang umiiling iling pero naglakad na siya palabas ng studio. At dahil nakakapit ako sa kanya, akay akay din niya ako.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon