Chapter 3

263K 8K 1.3K
                                    

Chapter 3

I excused myself bago pa ako bumunghalit ng tawa. Dali-dali akong naglakad papuntang washroom pero bago ako makarating sa washroom, nakita ko si Lexie na nakasandal sa gilid ng CR na nangingiti. Lumapit ako sa kanya at sinimangutan siya.

"Para kang tanga kanina." Sabi agad niya pagkalapit ko sa kanya. "Can't you distinguish Me-is-ter from Mister?" Nanglalait pa ang boses niya. Ang baklang to! Napakalaitera talaga.

"Eh sa nagpanic ako eh!' Depensa ko sa sarili ko. Malay ko ba naman na Meyister na pala ang pronunciation ni Meister. Akala ko maarte lang din siya magsalita katulad nina Barbie kaya maarte ang bawat letra.

"Nagpanic ka dyan!"Sabi niya sabay talikod at iniwan ako sa harap ng washroom. Naku! Ang sarap sabunutan ng baklang yun! Anong ibig niyang sabihin, hindi ako marunong mag distinguish ng tamang pronunciation? Hmp!

Pumasok na ako sa washroom at nagretouch na lang. Nawala na ang tinatago kong tawa dahil sa pang aasar sa akin ni Lexie. And speaking of Lexie, biglang nanlaki ang mga mata ko. My God! Naku baka akitin ni Lexie si Meister at mawalan pa ako ng forever!

Agad akong lumabas ng CR at tumingin agad ako sa table namin. Baka kasi nakakandong na si Lexie sa future boyfriend ko. Napabuntonghininga ako nung makita ko na nag uusap lang sila. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Lexie pero kasi kung gugustuhin niya, kayang kaya niyang agawin si Meister. Hahainan lang niya ng pera at alindog, baka bumigay na si Meister. Kapag sinadya pa naman niyang magpaganda ay talong talo na ang beauty ko. Kunting wig at make up lang mukhang babae na siya. Basta itago lang niya ang muscles niya sa braso. Napatawa ako sa naisip. Eh kasi naman, ang hilig sa gym ng bading na yun. Palibhasa, doon siya nakakakita ng madaming papables. Ang landi!

Pa demure ako na naupo sa upuan ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Chelsea. Alam naman niya kasi na may pagkaburara ako at hindi ako mahinhin. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid kahit na gusto ko na siyang simangutan. Pero di bali, dapat maging grateful ako sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit magkakaroon ako ng forever.

"Missy, binigay na namin kay Meister ang number mo."Napatingin ako bigla kay Barbie. Aba! Magaling! Ililibre kitang bakla ka bukas na bukas din. Nginitian ko si Barbie ng malaki.

"Naghahanap kasi siya ng interior designer para sa condo niya at sabi namin interior designer ka kaya binigay na namin ang number mo." Paliwanag naman ni Chelsea. Kelan pa ako naging interior designer? Yung apartment ko nga di ko maayos ayos. Ni hindi ako marunong tumingin sa tamang color combination!

"Okay lang naman di ba?" Parang na freeze ako pagkarinig ko sa baritonong boses ni Meister. Pati ata panty ko naghahyperventilate na at gusto nang malaglag.

"Yes of course, it's okay." Pa cute na sabi ko sa kanya.

"Sana bigyan mo ako ng discount." Nakangiti na ding sabi niya habang mataman na nakatingin sa akin. Gusto ko nang matunaw sa mga braso niya. Shit! Ang ganda ng mata, nakakawala ng katinuan. Ang sexy ng mga labi, parang palaging nakangiti. Ano kaya ang feeling kapag hinahalikan ako ng mga labing yan? Waaahh! Oh my God! I can't imagine, parang mauubusan ako ng hangin.

"Sure." Kahit libre pa basta maging akin ka lang, sa isip isip ko. Di bali na kahit wala akong idea sa interior design. Madali lang naman siguro yun pag aralan. Ang mostly naman ng mga guys, gusto ang black, white at blue. Yun na lang. O kaya gagaya na lang ako ng design sa internet. Di naman nila malalaman na ginagaya ko ang design nila. Tama yun na lang! Ang galing ko talaga. Iba na talaga pag desperada.

"We're going now." Sabay tayo ni Lexie. Napatingin kami lahat sa kanya pero nalipat agad ang tingin ko nung tumayo din si Meister.

Teka...

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon