Chapter Four (Part 3)

3.5K 89 1
                                    

"Anong ginagawa mo sa mga gamit ko?" Sa sobrang gulat ko ay basta ko na lang nabitawan ang sketchpad na may larawan ni Dawn. Nilingon ko siya at seryoso ang muka niya habang nakasandal sa hamba ng pinto. Patay! Mukang galit pa ata tong si bad boy.


"Ah. Wala naman. May tinitignan lang ako. Ang ganda pala ng kwarto mo 'no?" Pagiiba ko sa usapan. Mabilis akong naglakad pabalik sa kama at humiga na para bang walang nangyari. Nagtalukbong na din ako ng kumot para makaiwas sa kahihiyaan. Grabe! Muntik na ako don. Kapag nalaman niyang nabasa ko ang message niya for Dawn baka kung ano pang magawa nito sakin. Baka di na ako makauwi ng buhay. Shocks! Scary!


"Get up! May paguusapan pa tayo." Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakahiga. "Isa, hindi ka babangon dyan?" Hindi pa din ako kumikilos. Bahala ka dyan! Laking gulat ko ng alisin niya ang kumot sa katawan ko at sapilitan niyang tinayo. Dahil sa mas malaki siya sakin at firm ang muscles niya kaya, kayang kaya niya akong buhatin ng ganon ganon na lang.


"Ano ba? Masakit 'yon ha!" I rolled my eyes to him. Bad boy talaga! Wala na akong aasahan! I looked at him at hindi siya sakin nakatingin. Sinundan ko ng tingin kung ano bang tinitignan niya at halos manlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin pala siya sa legs ko. Kumuha ako ng unan at malakas na pinambato 'yon sakaniya. "Pervert!" Hindi pa ako nakuntento sa pagbato ko ng unan sakaniya, kinuha ko pa ang slipper ko at pinaghahampas siya. Nakakainis siya! NAKAKAINIS TALAGA!


"Tama na! Ano ba? Masakit na." Hindi ko pa din siya pinakinggan at pinaghahampas ko pa din siya. "Hindi mo talaga ako titigilan ha?" I didn't know kung paano niyang nagawang pagbaliktarin ang posisyon namin. Nakahiga na ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Oh, mga isip niyo. Dinaganan lang naman ako ng bad boy na to at hindi ako makagalaw dahil sa hawak niya ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay. "Binalaan na kita, Kim. Hindi ka pa din tumitigil." Seryosong sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Dahan dahan niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. Nangangatal na ang buong katawan ko habang unti unti siyang lumalapit. Hahalikan ba niya ako? Wahh!! Wag po kuya!


"WAAHHHHH!!!" Malakas na sigaw ko pero imbis na umalis siya ay mas lalo pa talaga niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. *boogsh* Sabay kaming napalingon sa malakas na pagbukas ng pinto. Gulat ang mukang rumehistro kila Manang at Daisy ng makita nila ang itsura naming dalawa.


"Ay, sorry po Sir Andrew and Miss Kim." Naku naman. Baka kung ano pang isipin nila. Tinignan ko si Andrew at hindi na siya nakahawak sakin kaya nagkaroon na ako ng chance para itulak siya ng medyo malakas. Tumayo agad ako at inayos ang damit kong tumaas na dahil sa bad boy na to.


"Naku, okay lang po Manang. Nag-lala-ro lan-g na-man po ka-mi e." Tumikhim ako para ayusin ang pagsasalita ko. "Naglalaro lang naman po kami." Pagbuo ko. Hindi nagsalita sila Manang at Daisy at tumango lang ang mga ito. Muli kong tinignan si Andrew na nakaupo na sa sahig at nagpipigil lang ng tawa. Aish! Kim, bakit naman sa dami ng palusot, 'yon pa talaga ang naisip mo. Pambihira ka talaga!


"Sige, lalabas na kami. Pasensya na talaga kayo. Akala kasi namin ay kung ano ng nangyari dito dahil merong sumigaw. Sige po Sir Andrew and Kim." Paalam ni Manang Dolores. "Sabi ko sayo Lola e. Naglalambingan lang ang mag-nobyo't nobya." Rinig ko pang bulong ni Daisy ng tuluyan na silang makalabas.

Falling For Mr. Bad Boy I Bad Boy Series #1Where stories live. Discover now