Chapter Three (Part 2)

3.6K 93 6
                                    

Mahigit dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din gumigising si Andrew. Gustuhin ko mang umalis dito sa hospital pero wala namang maiiwanang magbabantay sakaniya. Hindi naman ako ganung kasama para pabayaan siya ditong magisa. Kawawa naman kasi siya e.


Nakailang punas na ako sa braso, binti at ulo niya ng basang bimpo para bumaba naman kahit papano ang fever niya. Kahit kasi pinainom na siya ng gamot kanina ay hindi pa din bumababa ang lagnat niya. Masyado kasing nabugbog ang katawan niya kaya talagang tataas ang lagnat niya.


Napatingin ako sa braso niyang may bandage. Alam kong dahil sa pagharang niya sa tubo na dapat para sakin kaya nagkaroon siya ng ganito. Oo na, sinisisi ko na ang sarili ko. Napatingin ako sa cellphone ni Andrew na nakapatong sa cabinet ng tumunog ito. Kinuha ko agad 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag. Lumabas sa screen nito ang pangalang 'Vincent'. Ayoko mang sagutin at mangialam sa gamit niya pero wala naman akong nagawa kundi sagutin ang tawag. Dapat lang na malaman nila ang nangyari sa kaibigan nila at para na din makauwi na ako. Alam kong galit na sakin si Mommy dahil hindi na ako pumasok ngayong araw late pa akong makakauwi. Sana lang maintindihan niya ako.


Nangangatal ang kamay ko ng itapat ko sa tenga ko ang cellphone. "He-llo." Kinakabahang sabi ko sa kabilang linya. Grabe naman kasi, baka magalit pa sakin ang bad boy na to dahil sa pinakialamanan ko ang gamit niya. Tsk. Bahala na nga. Wala naman siyang laban sakin sa dami niyang pasa e. Tignan na lang namin!


"Sino to? Bakit babae ang sumagot sa cellphone ni Andrew. Tangina hindi ko alam." Iba't ibang boses ng lalaki ang nasa kabilang linya. Mukang naka-loud speaker sila. "Nasan si Andrew?" This time isang boses na lang ng lalaki ang nagsalita at nawala na din ang ingay sa background niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa kaibigan nila. Sabagay, kahit naman ata sinong kaibigan e, ganon ang mararamdaman.


"Nandito siya sa St. Luke's. Nabugbog kas- *toot* *toot*." Tinignan ko ang screen at pinatayan na pala ako ng walanghiya ng tawag. Pambihira! Wala talagang modo ang mga bad boys na 'yon. Kakainis! Frustrated na binalik ko ang cellphone ni Andrew sa cabinet at muli siyang tinignan. "Grabe talaga kayong mga bad boy! Hmp!" Sabi ko na lang sakaniya na para bang narinig niya ang sinabi ko.


Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sakin na titigan ang maamo niyang muka. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang muka niya. Kahit may bandage siya sa noo niya at sa may gilid ng labi ay masasabi mo talagang perfect ang kaniyang itsura. Gwapo talaga siya sa gwapo. First time ko ngang makakita ng ganitong kagwapo. Sobrang lapit pa "Kung di ka lang bad boy, baka nagustuhan na kita." Bulong ko habang titig na titig pa din kay Andrew. Natigilan naman ako dahil sa sinabi ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko at pinaghahampas iyon. Lintek na yan! Ano ba yung sinabi ko? San nanggaling 'yon? Iniwas ko na lang agad ang tingin ko sakaniya at baka kung ano ano na namang lumabas sa bibig ko na hindi maganda. Kadiri ha. Ako magkagusto sa lalaking to? No way, hi way!


Kinuha ko na lang ang cellphone ko na kanina pa pala tunog ng tunog. Sa sobrang pre-occupied ko, hindi ko na napansin ang mga tumatawag sakin. Pagtingin ko ay sobrang dami ko na palang missed calls and messages simula kanina pang umaga. Inisa isa kong binasa ang mga messages ko at lahat ng 'yon ay galing sa tatlo at may ilang galing din kay Mommy.


Faith: Kim! You're late na talaga. Where na ba talaga you?

Faith: We're calling you so many times but you're not answering your phone. Gagalit na talaga me sayo. Why you're ganyan ba?

Falling For Mr. Bad Boy I Bad Boy Series #1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ