Halos 5 mins na rin syang nakatayo dun.. Nagbabakasakaling may Anghel na dadating.. Pero wala..Para lang syang tangang naghintay sa wala.. Umasa pa naman syang dinaldal na ni Scarlet kay Anghel na pumasok na sya.. Sayang lang.. Pero ok na rin.. At least di muna nagulo ang puso nya..
Samantala, silipin naman natin ang nananaimik na si Anghel..Yun. AKala lang natin nananahimik sya.. Eh andun naman pala sya sa labas ng office ni Zarren eh.. Tinitignan nya lang si Zarren mula sa malayo.. Stalker style lang. Di nya inala kotse nya.. Gusto lang kasi nyang makita si Zarren eh...Hanggang ngayon kasi galit pa rin sya sa sarili nya.. Gusto nyang lapitan si Zarren kaso natakot syang baka galit pa rin sa kanya. Kaya ayun, nagkasya na lang sya sa pasulyap sulyap. At isa pa, kanina pa nya tinitignan ang kamay ni Zarren kung suot ba nya yung singsing.. Badtrip lang, di nya suot. Hay,.. kaya ayun lalo syang natakot baka bigla nalang isoli sa kanya..
(Anghel's pov) kailangan ko na talaga gumawa ng paraan para mapansin ni Zarren.. Kelangan kong makaisip ng malupet na idea.. Hmmm. Nu nga kaya?? Isip Anghel, isip...Lam ko na...kelangan ko ata munang kausapin si Jam.. Haha, tama.. Kakausapin ko sya na mag explain sya kay Zarren.. tama.. best decision to. Siguradong maniniwala si Zarren kay Jam..at mag sisisi syang iniwan niya ko. hehe..
Hay Anghel, yan ba ang depressed?Nakuha mo pang tumawa sa isip mo?? Hehe, sa bagay.. Pero kung alam mo lang na witch yang si Jam baka ikaw pa mismo ang sumapak dun eh.. Hay,, sige na kausapin mo na si Jam. Malay natin bigla nalang syang makonsensya diba.. tsk
"Pareng Jam..Pwede ba kitang makausap"
Jam. Sabay lingon lang mula kasi sa likod nya si Anghel eh.. Hanep lang nakabihis nanaman sya ng pambabae.. Hay. Nagpabango pa talaga sya ah.. Parang alam na alam na dadating si Anghel..
"Oh Pareng Jam. Kaw ba yan..Ganda mo ngayon ah.."-Anghel pilit lang kinakalma ang sarili.. Di nya kasi alam kung pano magsosorry kay Jam sa panghahalik daw nya.
"Ah eto ba.. Wala to.. Si Tita kasi pinagbibili ako ng mga ganito.. Ewan ko ba.. Ahm..bagay naman diba?"- tsk, sinasabi na nga ba't lalandi eh..
"oo naman. Bagay sayo..Ahm Jam, tungkol nung naglasing tayo sa bahay..Alam mo ba yung nangari?"
"Huh? nu ibig mong sabihin?"- sana lang mahuli kang balbon ka..
"Sorry. Nawala ata ako sa sarili nun.. Nahalikan kita..Eh kasi nakita ni Zarren yung eksenang yun eh.."
(Jam's pov) heheheh. alam ko. buti nga eh.. para alam nyang akin ka na.. gusto mo isa pa?
"Ha? So. Alam mong hinalikan mo ko?"
"Alam mo rin? May malay ka ba nun?"-Anghel
Naman.. bwiset ka Jam..
"Anghel..Ang totoo nyan..hindi lang yun ang nangyari..Muntik na tayong.."
Yuck naman to.. filingera.. itsura nya noh. baka naman nananaginip lang sya.
"Pareng Jam.. Patawarin mo ko.. Kung anuman yon nalasing lang ako..Gusto ko sanang sabihin mo kay Zarren na wala tayong relasyon.. Please naman tulungan mo ko.."
"Ano? Bakit pa? Ayaw na nya sayo diba? Wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa kanya.. Madami naman jan iba eh..Ako..."- Jam di na nahiyang magtapat. kapal talaga.. gusto nyo ikuha ko si ANghel ng tubig in case na masuka?tsk, syensya na Jam bias talaga kong writer.. hehe
"Jam. Anong ibig mong sabihin jan?"-Anghel parang nararamdaman na rin ang pinapahiwatig ni Jam.
"Bulag ka ba? Bakit di mo ba ramdam? Mahal kita..noon pa."- yun oh mabilisang pagtatapat lang..
"Jam.. lam mong di pwede yan. Magkaibigan tayo diba? Di tayo talo." -biglaang sagot din mula sa taong may mahal ng iba.. ayus ah tahasan lang.
"Eh anong magagawa ko yun yung nararamdaman ko eh..Lam ko namang yan ang isasagot mo eh.. Hirap sayo di ka marunong mag appreciate ng taong nagmamahal sayo.."
"Jam. please..Alam mo naman sitwasyon ko diba. Magkaibigan tayo diba?"
Waaah, sa tagpong to bigla nalang niyakap ni Jam si ANghel.. Sarap lang sampalin ng bruha. Mejo shock si Anghel kasi may hagod moves pa..Tipong hahalikan pa sya ni Jam ah.. Tsk tsk.. Badtrip. Hinalikan pa sya ni Jam..Tsk.. Matanong nga kay ANghel kung nag enjoy sya.. Hay.. Kadiribels.
Yun. Hanep din tong si ANghel eh noh pinalipas muna ang 10 seconds bago nya tinulak si Jam.."Sorry..Jam walang tayo. Mahal na mahal ko si Zarren."-Sabay talikod lang.
"Kung ganon magkalimutan na tayo.. Kalimutan mo nang magkaibigan tayo."-Jam banta mode.
Tsk.. Diredirecho lang sa paglalakad si Anghel..La paki sa mga narinig nya.. Well, sino ba naman si Jam kung ikukumpara sa prinsesa ng buhay nya diba? tsk tsk. Haba lang talaga ng hair ni Zarren eh..Biruin mong ipagpalit ni Anghel ang friendship nila ni Jam para sa kanya.. Hay.. Pag ibig nga naman.. To kasing si Jam di na nakuntento sa friends friends eh.Gusto pa maging shota si Anghel.. Asa naman sya..
Fine. So ano na. Ano na magiging diskarte ng anghel natin.. Kelangan na talaga nyang gumawa ng paraan para bumalik si Zarren.. As in araw araw nyang sinusundan si Zarren ah.. Tanaw lang mula sa malayo.. Duwag eh.. Mas ok n daw yun kesa naman di nya makita at all.. tsk.. martir lang.
Ok. Tignan naman natin ang pov ni Jam.. Kahit naeepalan ako sa kanya ay bibigyan ko pa rin sya ng chance para magbago.. Handa akong patawarin sya sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan slash kalandian kay aNghel. Ayun. Sukat ba naman makipagkita sya ulit kay Zarren.. Tsk, malay ko kung tinablan ba sya ng pakiusap ni ANghel.. Sana nga para tapos na to..
"Zarren, kumusta?"-Jam. Pumunta lang sa bahay ni Zarren.
"Anong ginagawa mo dito?"- gumagasgas na linya na to ah. Bakit ginamit pa niya..Tsk.
"Gusto ko lang sanang magsorry. Sorry sa mga sinabi ko.." Jam mukhang sincere naman kaya wag natin pag isipan ng masama.
"Kahit mag sorry ka hindi pa rin mababago ang lahat Jam. Nasaktan ako eh."-Zarren, emote pa rin.. tagal na nun ah.
"Ayokong makita si ANghel na ganon.. Kaibigan ko sya kaya masakit din para sakin.. Narealize ko lang na naging selfish ako.."- sabay ubo lang..waaaah may malubhang sakit ba sya? hehe..Yun syempre, kahit galit at masama ang loob ni Zarren ay nakuha pa rin nyang alukin ng tubig si Jam.. Umalis sya saglit para kumuha ng tubig..
(Jam's pov)- hay.. bakit ko ba ginagawa to? feeling mo namang Zarren ka makukuha mo ulit si Anghel.. Kabadtrip ang mukha mo! Di hamak naman mas maganda at mas sexy ako sayo...at ngayon.. pag aaralan ko muna ang mga kilos mo habang kinakaibigan kita.. hahahaha! kala mo totoong nakikipagbati ako? Neknek....
Tsk tsk.. Sinasabi ko na nga ba eh.. DI ko dapat to binigyan ulit ng exposure eh.. eh walang hiya pala to eh.. Magkapatid ata sila ni tulisan ah..tsk tsk.. Malay lang bigla ba naman nyang naispatan ang kumikinang na engagement ring ni Zarren sa ibabaw ng tv.. waaaaah.. Sabay kuha lang at suot sa daliri niya.. Sukatan portion ito..tsk. ang sama ng tabas ng mukha niya ah.. hay, feelingerang frog talaga ko.. nag evil smile pa habang sinusukat ang singsing...
tas yun. nung narinig nya yung yabag ni Zarren ay bigla nalang inalis yung singsing at binulsa... yun oh. magnanakaw pa.. hay, mahal pa naman ang pagkakabili ni Anghel dun.. tsk.. tska nya tinuloy ang pakikipagplastikan nya..
"Thank you."-Sabay kuha lang ng tubig kay Zarren.. at sabay ubo na rin..
"Sana pag isipan mo ang mga sinabi ko Zarren. Patawarin mo na ko.. Pwede naman tayong maging friends diba?"-Jam
Tahimik pa rin si Zarren. Nung bigla nalang magpaalam si Jam...
Karu's pov- haha, feel ko lang lagyan ako ng pov.. astig eh.. heheh.. yun oh.. naglalabasan na ang mga walanghiya sa mundong ito ah.. Malandi na. magnanakaw pa.. nu byan.. binigyan pa naman kita ng chance.. one more chance sana ang datingan nito eh.. kaso sinayang mo.. hayup kang jam ka..makikita mo...humanda ka a mga karogsters..
-end of chapter 16-
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 16: hoy jam, babangon ako at dudurugin kita!
Start from the beginning
