“Zarren wala. Walang kulang.. Mahal na mahal kita alam mo yan. Si Jam wala yun. Alam mo namang best friend ko lang yun diba. Parang si Clark lang.”
“Pwede ba, tigilan mo na panloloko mo sakin Anghel. Napakasama mo. Pinaasa mo lang ako.. Wala ka naman talagang balak pakasalan ako diba? Iiwan mo rin ako sa ere para kay Jam. Sya talaga mahal mo, pinaasa mo lang ako!”—lecheng Zarren to gumaganon pa..Tsk, arte lang eh.. Yoko ng mga gantong eksena eh.. Pero kailangan.. Hay
“Please naman maniwala ka saken.. Kung iniisip mong may relasyon kami ni Jam,, naku naman dumi ng utak mo.. Magkaibigan lang kami.”
“Ako pa ngayon ha, ang madumi ang utak? Kitang kita ko kayo! Hindi ko lang alam kung bakit may mukha ka pang hinaharap sa kin ngayon.. Nakakadiri ka! Pati si Jam pinatulan mo..Ano masaya ka na ha. Sinungaling ka. Alam ko na ang lahat.”
“Anong alam? Kala ko ba mahal mo ko? Bakit ba di mo ko paniwalaan Zarren. Wala kaming relasyon ni Jam. Hindi ko alam ang ginagawa ko nung gabing yon. Masyado lang akong nalungkot nung umalis ka kaya nag inuman kami.”
Katahimikan.. Singhutan moment muna.. Tumutulo na eh. Hehe.
“Tama na.”-Zarren parang ggive up na.. Waaaah, wag Zarren. Pakinggan mo sya.. Hirap naman sayo di ka marunong makinig. Nabubulagan ka ng galit.. masama yan..
“Zarren please…Wag mong gawin to..”
“Kaya kong mabuhay ng wala ka..Umalis ka na..”- waaaah, epal..
“Please…hindi ko kaya.. patawarin mo na ko.”
“Umalis ka na. Wala ng kasal..”---
“Ayoko. Di ako papayag. Ganon nalang yon ha.. Hirap naman sayo di mo maintindihan na mahal na mahal kita eh…. Zarren….Wag ganto.. Please..Sorry na..di mo na ba ko mahal?”- Anghel di na nahiyang humagulgol..
Zarren, walang sagot..
“Ano? Hindi mo na ba ko mahal?”
La pa ring sagot.. Eh pano sya sasagot eh mahal na mahal kaya niya si Anghel.. Saksi tayong lahat dun diba.
“Alam ko mahal mo pa ko.. Kaya di kita susukuan Zarren. Tayo pa rin sa huli.. Mahal na mahal kita..” –sabay akap lang kay Zarren
“Di na kita mahal.”-Zarren. Trip lang ulit magdrama. Sinungaling din eh noh.
“Ano?”-Anghel bingi-bingihan
“Hindi na kita mahal. Umalis ka na.”
“Sinungaling!” sabay labas lang ng singsing galing sa bulsa nya..at inabot kay Zarren..”sayo yan.”
“Ayoko na ngang magpakasal diba. Sayo na ‘to. Binabalik ko na sayo. Bigay mo nalang sa Jam mo”
“Shut up!! Pag nakita kong suot mo yan, ibig sabihin pinapatawad mo na ko at payag ka na magpakasal sakin..Pag binalik mo ulit sakin, ibig sabihin hindi mo na ko mahal..at pagtinanggap ko yan, di mo na ko ulit makikita…kahit kailan.. ”- emote,. Sabay talikod.. “Hihintayin kita sa Manila.. Sana naman magbalik mo, din a magulo ang utak mo..”- sabay lakad lang palayo…
Hay.. Yun oh.. sabay silang lumuluha.. tsk, arte kasi neto ni Zarren eh. Di pa kasi isuot agad para matapos na.. tsk.. Nung nakaalis na si Anghel, sabay suot lang ni Zarren ng singsing..See, arti-artihan lang ang drama nya.. Baka feel lang nyang suyuin sya ni Anghel, di kaya? Hay, kung anuman ang trip niya sya nalang nakakaalam. Basta ko, susuportahan ko muna ang mga desisyon nilang dalawa…
3 days later…Yun, naisipan din ni Zarren na umuwi.. Para kasing nabobore na sya sa Batangas.. Di nya kasi makayanan na walang ginagawa..Wala syang pinagsabihang babalik na sya..Nagulat nalang ang mga office mates nya sa pagpasok nya sa office.. Ayun, sinubsob nya ang sarili niya sa trabaho..Para lang di nya maisip si Anghel.. Teka, bakit nung uwian na ay parang bigla nanaman nyang namiss si Anghel? Hinanap ng mga mata nya ang kotse nito.. Baka sakali kasing andun lang… Tsk, kasi naman eh. Bat di nalang kasi nya tawagan at sabihing pinapatawad na nya.. Ang hirap sa kanya para syang tanga eh. Gusto pero ayaw.. Labo nya. Mahal nya pero tinitiis..Hay, arte kasi eh.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 16: hoy jam, babangon ako at dudurugin kita!
Start from the beginning
