"Bakit ka ba nakahiga lang d'yan?
Bakit ba ayaw mo pang magising?
H'wag mong sabihing tuluyan mo nang ibibigay sa 'kin yung fiancee mo?"
May galit sa boses ko. At kahit yata sumigaw pa ako't magwala hindi niya pa rin ako papansinin.
Paano niya ako makikita kung nakapikit ang kanyang mga mata?
Paano niya ako maririnig kung natutulog siya?
Paano niya malalaman ang lahat ng mga nangyayari kung hanggang ngayon ay comatose pa rin siya?
Buhay nga siya. Humihinga nga siya. Pero hanggang kailan siya sa ganyang sitwasyon? Buhay na parang patay!
Masakit para sa akin ang makita ang aking Bestfriend. Ang aking kapatid. Ang aking kambal na babae. Ang nag iisang taong tumanggap sa akin bilang ako sa ganyang kalagayan. Nahiling ko pa nga noon na sana ako na lang ang nasa kalagayan niya. Na sana ako na lang ang nakahiga sa kinahihigaan niya. Siguro sa gano'ng paraan mararamdaman ko ang pagmamahal ng mga magulang ko. Yung pagmamahal na dati pinaramdam nila sa akin pero biglang nawala, naglaho, dahil lamang sa pagpapakatotoo ko.
"Masama ba ako kambal? Magagalit ka ba sa akin?" Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak. "Mahal ko na siya. Minamahal ko na ang Fiancee mo at sana..
Sana di kana magising...
Gusto ko sana yang hilingin sa 'yo. Pero kung sakali mang magising ka at kunin mo na siya sa akin.." Napatigil ako. Ang hirap at ang sakit. "Ibabalik ko siya dahil sa 'yo naman talaga siya.
Salamat dahil kasi pinaranas mo sa akin yung feeling ng may nagmamahal. Oo, mahal niya lang ako dahil ang alam niya ako ay ikaw. Pero salamat dahil naramdaman ko yung saya dahil may nag aalaga sa akin. Naranasan ko ang mga bagay na dati ay pangarap ko lang at dahil yun sa 'yo kambal." Hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat kambal.."
Kung sakali ngang magising siya at kunin na niya sa akin si Stephen. Mahirap man gawin. Masakit man tanggapin pero kailangan kong ibalik ang ipinahiram lang sa akin. Hindi ko dapat angkinin ang hindi akin at hindi naman kasi habang buhay kailangan kong mangpanggap. Oo, isa lamang akong impostor.
Nangpapanggap ako bilang ang aking kambal. Nagpapanggap ako bilang isang babae.
Dahil ang totoong ako ay isang..
Lalaki..
BINABASA MO ANG
Sweet Lies
RomanceXyrelle and Xyreinne are twins, pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Xyreinne dahilan upang mangpanggap si Xyrelle bilang si Xyreinne-bilang isang babae. Makakaya kaya nitong panindigan ang pagiging isang babae gayong sa pagli...
