#CampusQueen'HFB : #40

2K 81 29
                                    

Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Anby resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-LouieJean♡

++

" Wow , favorite ko yan !! Nagpagawa kapa talaga kay aling Nerri niyan ??" Masayang wika ni heart habang nasa loob sila nang cafeteria .. ngumiti naman si winner at napakamot sa batok , habang sinusupot naman ni aling nerri ang cake na binili , si aling nerri ay ang taga luto nang cafeteria,

" Naku , iha alam mo bang pina rush pa to ni Winner dahil especial daw ang dinner na ito sa kanya " pagkwekwento ni aling nerri ,namula si winner at agad na nag iwas nang tingin kay heart nang lumingon ito sa kanya ..

" Mabuti po kasi talagang kaibigan si winner aling nerri , nahulaan niya pa kung anong paborito ko " ngising wika niya , nawala ang pagkahiya ni winner at bakas sa muka nito ang pag ka dismaya sa sinabi ni heart , tinignan siya ni aling nerri at tumingin din kay heart na nag niningning ang mga matang nakatingin sa Mud cake na ginawa niya .. ngumiti lang si aling nerri ..

" Alam niyo ba , noong kabataan ko .. may kaibigan ako , gustong gusto ko siya .. anak siya nang kapit bahay namin bestfriend ko rin yung kapatid niya na babae , may plano nako sabihin sa kanya na gusto ko siya kaso huli na " malungkot na wika ni aling nerri, bahagyang nalungkot ang mga mata ni heart habang napatingin naman si winner sa matanda. .

" anong nangyari aling nerri ?? Nakapag asawa naba nang iba ??" Tanong ni heart at mukang interesado sa kwento nang matanda ..

" Hindi .. namatay siya .. kasi ,prinotektahan niya yung babaeng mahal niya .." malungkot na wika nito at nilapag na sa harap nang dalawa ang karton nang Mud Cake , inabot iyon ni winner pero nanatiling malungkot si heart dahil parang dama niya ang sakit ni aling nerri ..

" im sure, he's a great man aling nerri .. " wika niya , ngumiti si nerri pero bakas sa mga mata nito ang lungkot ,

" oo iha , he is a great man , dave is a great man " bulong nito at bumalik na sa kusina .. huminga naman nang malalim si heart at humarap na kay winner na nakatingin sa kanya, tumaas lang ang kilay niya sa binata ..

" what?" Nakangiting tanong niya ,umiling si winner at sinimulan na nilang maglakad palabas ..

" n-nothing, mukang dama mo yung story ni aling nerri ," natatawang wika nito , natawa naman si heart ..

" of course i do , para kasing parehas kami .. ang pinagkaiba , matagal ko nang pinaparamdam na mahal ko siya , siya lang yung hindi makaramdam " natatawang wika niya rin kay winner , napalunok si winner at tumingin sa baba ..

" b-bakit .. bakit mo sinagot si Van noon ? Kung si Yuki ang mahal mo ?" Hindi niya mapigilang tanong kay heart, nilagay ni heart ang dalawang kamay sa likod at nakangiting yumuko ..

" Because .. Yuki, never notice me , kahit naman ngayon! Laging si Via ang nasa paningin niya, hindi ko naman siya masisisi , si via ang una niyang nakilala, lagi akong napapaisip .. kung ako ba ang nauna, posible ba na ako ang laging nasa paningin niya ? Gragraduate na kami nang highschool noon , sasabihin ko sana ulit kay yuki na mahal ko siya kaso , nung grumaduate kami valedictorian siya, nung nag speech siya sinabi niya sa buong school na gusto niya si via , i was hurt so i ran away , hindi ko kinuha ang diploma ko , then Van ..sa tinagal nanaming magkakasama i never notice van , he said it's time to give up on yuki nakinig ako sa kanya dahil pagod narin ako ,doon na kami naging mag kalapit ng loob sa isat isa " nakangiting kwento ni heart seryosong nakatingin si winner sa mga mata nang dalaga ,madilim man ay kitang kita niya kung paano kumislap ang mga mata nito,

" then what happen "pagtatanong muli ni winner , ngumiti si Heart at pinunasan ang ilalim nang kanyang mata,

" me and van , noong nag college naging kami , 3 years kami pero sa loob nang 3 years na yun .. i never stop loving Yuki , siya parin ang nangingibabaw hindi naman naging seloso si van dahil lagi niyang sinasabi na "okay lang sige mahal mo siya i don't care," of course hindi siya mangangamba because Yuki and her sister are together, minahal ko naman si van .. kaso isang araw , nagkagulo na ang lahat .. nasa kalagitnaan kami nang semester nang nalaman naming namatay ang kapatid niya .. then he vanished without saying anything. . And yuki ? He became cold .. well matagal naman na siyang ganun . Lumala lang . " kibit balikat ulit nito ..

Hindi nakasagot si winner sa mga nalaman tungkol sa dalaga .. yumuko lang siya at tinignan ang mud cake na nasa dalawang palad niya ..

" h-how about now ?" Agad napalingon si Heart sa hindi maintindihang tanong ni winner .. Nagsalubong lang ang kilay ng dalaga ..

" what do you mean ??" Tanong nito .. huminto si winner sa paglalakad nang makarating na silang dalawa sa green field .. dumiretso naman si heart sa picnic table na nandoon at tumingin kay winner na nakatayo sa harap niya at mahigpit ang hawak sa karton nang mud cake ,

" winner ??" Tawag niya rito , nakita niya pumikit si winner ,

" Heart !! Ako naman ang magsasabi sayo na wala akong pakialam kung mahal mo si yuki o si van , but this time please notice me , because i really really lov----"

" Winner !!" Agad napadilat si winner nang may tumawag sa kanya kaya agad siyang napalingon rito ,

Nanlaki pa ang mata niya sa nakita , kumaway ang kapatid s akanya at ngiting ngiti ito , habang ang kasama naman nang kapatid ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanyang likuran .. agad siyang napalingon at doon ay nakita niya ang nakakuyom na mga palad ni heart ..

Nagdilim ang aura nito at bahagyang napayuko .. naramdaman niya agad na masama ang tingin nito sa dalawang taong nasa harapan nila ..

" h-heart ..." mahinang tawag niya sa dalaga ..

" oh. Heart andito karin pala !! Tamang tama ,kasama ko si yuki ," masayang wika ni danielle nang makalapit sila sa pwesto nang dalawa , tinignan ni winner si Yuki na hawak hawak ang bag nang kapatid at seryoso ding nakatanaw na ngayon sa malayo ..

" a-ahm .."

" naku sana sinabi mong mag didinner kayo , well tutal andito kana sama sama nalang --"

*BOGSHSSS*

Natahimik si danielle nang biglang hampasin ni Heart ang picnic table. Nakayuko ito at nakakuyom parin ang mga kamao ..

" sit down " napalingon naman ang magkapatid nang biglang nagsalita si Yuki , inayos ng binata ang salamin at inabot kay danielle ang kanyang bag , agad naman iyong kinuha ni danielle , nakabulsang lumapit si yuki kay Heart na nakayuko parin ,

Titig na titig naman si winner sa ginagawa ni yuki ganun rin si danielle na nagulat parin sa pag hampas ng dalaga sa mesa ..

Huminto si yuki sa gilid nito , nilabas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ni heart at hinarap ito sa kanya,kaya ganun nalang ang gulat nila winner at danielle ..

Inangat ni Yuki ang muka nang dalaga , basang basa na ang muka nito , tumutulo ang luha nito pati sipon sa kanyang ilong at nakakagat rin sa kanyang labi , nag iwas naman si heart nang tingin sa lalaking nasa harapan,

Hindi kumibo si yuki at walang ekspresyon niyang tinignan ang dalaga , niyuko niya ulit ito at nilapit niya ang kanyang muka sa dalaga , at hinalikan ito sa noo, kaya naman natahimik si heart at nagulat sa paghalik sa kanya ni yuki ..

" y-y-yuki ..." utal na wika niya .. tinignan na niya sa mata ang binata at tumibok nanaman ang puso niya sa gulat ..

Nakangiti ito sa kanya .. na dahilan para mas lalo niyang mahalin ang binata ..

" sit down .. heart .." wika ulit ni Yuki at tumango tango naman si heart at agad agad na umupo , habang namumula ang buong muka ..

Umupo rin si Yuki sa kanya tabi at mas lalo lang siyang pinamulahan nang hawakan nito ang kanyang kamay sa ilalim nang mesa ..

" Yuki ..."

++

Campus Queen : The Beginning of the End ( Book 3 )Where stories live. Discover now