Followed

1K 55 3
                                    

VICE: Where's our daughter?

ANNE: She's at the convent back in Baguio City.

KARYLLE: Ano'ng ginagawa nya sa kumbento?

ANNE: Doon ko muna sya pansamantalang iniwan kasi doon safe sya. Sister Mina is taking care of her. At doon, libre din ang service ng pediatrician.

VICE: Doctor? Para saan?

ANNE: Your daughter badly needs one.

KARYLLE: Ano'ng nangyari kay Alena? Bakit kailangan nya ng doctor? Is she okay?

ANNE: As of 7 pm last night, the doctor said, medyo umookay na si Alena. That day that I found her, nanghihina sya. I don't know what her captors did.

KARYLLE: (cries) Vice, we shouldn't have gone to that mission. Kung di sana tayo umalis noon, sana nabantayan natin yung mga anak natin. Sana nandito pa si Alena.

VICE: Ssh... Hindi naman natin alam na mangyayari yun. Di rin naman natin lahat ginusto 'to.

KARYLLE: Pero Vice, pa---

ANNE: I hate to be the atribida here pero wala ng magagawa ang pagsisisi. It already happened. We should focus on finding out who the double agent is and of course, saving Alena.

Palabas na ng restaurant sila Vice, Karylle, at Anne nang mapansin nilang may tatlong kotseng itim na nakaparada sa labas. Hindi na muna lumabas ang tatlo at inobserbahan ang tatlong kasuspe-suspetsang kotse.

KARYLLE: Why don't we just use the back door? Makidaan tayo sa kitchen.

VICE: Sige. Simplehan nyo nalang mamaya. Pasimple akong lalabas para kuhanin yung kotse.

ANNE: How about my car?

VICE: Sa amin ka na muna sumabay. We'll ask someone else to take your car sa new safehouse mo.

Lumabas na rin sila Anne at Karylle sa likod at nag-abang sa alley. Panandalian silang nagtago sa tabi ng dumpster. Si Vice naman ay lumabas na rin at nagtungo sa malapit na kotse nila. Biglang may lumapit sa kanya.

Humarap si Vice sa lumapit sa kanya at hindi nga sya nagkamali. Tinitiktikan sila kanina pa ng mga taong iyon. Akmang susuntukin na sya nito ngunit inunahan nya ito. Napalakas yata ang suntok nya kaya bumagsak ito sa sahig. Bago pa ito makabangon ulit pumasok na si Vice sa kotse. Patayo na ang lalaki nang biglang buksan ni Vice ulit ang pintuan ng sasakyan, dahilan ng pagkabagsak at pagkahilo muli ng lalaki.

Pagdating nya sa alley kung saan naghihintay sila Karylle, agad nyang pinasakay ang dalawa. Hindi pa sila nakakalayo, may nakasunod na sa kanila. Ang tatlong itim na sasakyan na nakasunod sa kanila.

Binilisan ni Vice lalo ang pagmamaneho at ganoon din ang tatlong kotse sa likod nila. Nasa freeway na ang apat na sasakyan kaya't mas naging mabilis ang takbo nila at hindi naging mahirap dahil walang masyadong balakid sa dadaanan.

VICE: Agent Jugs, are we ready?

JUGS: Ready na, Agent V22. Remember the plan.

VICE: Okay. We're near exit 27.

JUGS: Okay. Stick to the plan. You're supposed to take exit 27. But instead, you'll take a sharp turn and you'll stay in the highway.

VICE: Copy.

JUGS: Stay safe, Agents. Over.

Binagalan ng kaunti ni Vice at para masigurong malapit sa kanila ang tatlong kotse. Dumating na sila sa napag-usapang lugar. Nasa lane na sila papunta sa exit 27 nang biglang lumiko si Vice sa kaliwa. Ang mga humahabol sa kanila ay nakalabas na ng freeway habang sila Vice naman ay tumuloy na sa freeway. Kasalukuyan nilang binabaybay ngayon ang ilalim ng tunnel.

Vengeance (ViceRylle story)Where stories live. Discover now