Hanggang sa nagising ako. Akala ko tlga totoo yun , akala ko totoong nagkita kami sa grocery at totoong naging kami uli . Haysss ang hirap tlgang umasa sa mga bagay na hanggang panaginip lang .
*knock knock*
Biglang pumasok si nanay . " Oh anak? Baka malate kpa niyan sa trabaho mo. As a manager :-) " bungad niyang sabi. oo nga pla may trabaho pa ako atska baka malate ako . "Opo nay maliligo lang po ako " natataranta kong sabi .
Nang makarating na ako sa company ko sinurprise nila ako . HAHAHAHA nako tlga ito si nanay andaming alam . Btw birthday ko nga pala ngayon at 27 years old na ako . Yet sexy and still single pero keri lang . So ayun naghanda sila ng mga pagkain at nagbigay ng mga gifts . At biglang lumapit si Vince Baltazar? Remember him? Yung anak ng vice prinnipal ng San Beda High school ko dati. Siya na yung business partner ko ngayon at inaamin kong sobrang close namin . "Happy Birthday🎉 Partner ☺️" nakangiti niyang sabi. " Hahaha 😂 nako kayo tlga andami niyong alam . Sinali nyo pa si nanay dito. Pero salamat ng sobra, Partner" natatawa ko nmang sabi. Tapos umupo kami at kinuwento ko sakanya yung panaginip ko . Kaso hindi siya naniwala at sinabing "panaginip lang yan" . Hayss ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko magkakatotoo yun someday .
Pagkatapos ng kasiyahan hinatid ako ni Vince sa bahay namin . Pero bago ako bumaba ng kotse umamin siyang gusto niya pa rin ako at hindi nagbabago ang nararamdaman niya sakin . Napaisip ako dahil halos taon na rin ang lumipas at nagpakatotoo at lotal siya sakin nakaka guilty nman kung bibiguin ko ulit siya gaya ng dati kaya sabi ko . " Siguro balang araw matututunan din kitang mahalin" at ngumiti siya ng hanggang tenga . Pero sa totoo lang si Joaqin ang nasa isip ko pero matagal na yun atska baka nga nakalimutan nya na tlga ako .
Matutulog na ulit ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas . At nasa isip ko pa rin ang mga panaginip ko last night yung grocery, si vivian at yung reunion . Pero mas tumatak sa isipan ko ang mga katagang sinabi ni Vince . Hays ewan ko ba lalo atang gumugulo ang isip ko . Matutulog na ako.
Kinaumagahan nagulat ako kasi halos hindi ako ginising ni nanay . Bumaba ako at niyakap ako ni Jade . Grabe halos tuwang tuwa ako dahil after how many years nakita ko ulit si Jade . Nangamusta siya sakin at ganun din ako sakanya. May inaabot siyang letter . "Ellaaaa gusto kitang maging ninang sa magiging anak ko kay Roby" sobrang saya niyang sinabi. "Roby? Yung boyfriend mo since 2nd yr hs tayo" taka kong tanong. "Oo siya nga . Nagdesisiyon kaming manganak muna ako bago magpakasal kasi medyo malaki na rin ang tiyan ko " nakangiti niyang sabi. Wow ang tibay ng relasyon nila hanggang ngayon sila pa rin at magkakapamilya na sila . "Aba oo nman " sabi ko. " Eh ikaw? Kamusta na ? ang hirap makahanap ng contacts sayo aah. Kay Vince ko nalaman . Kayuwi ko lang din galing New York." sabi niya . Grabe ang successful niya na pala . Sa life at love . "Ahh ako ayos lang . May company na rin ako kung saan business partner ko si Vince" sabi ko. "Eh Lablyf? Meron nga ba ? o blanko pa rin? pangaasar niyang banggit. " Hay nako Jade hanggang ngayon d ka pa rin nagbabago😂 tara breakfast muna tayo" patawa / palusot kong sabi. Inatake ata ako ng inggit sa buhay ni Jade at Roby ngayon. Hindi ako pumasok ng trabaho ngayon kasi inasikaso ko muna yung enrollment ng kapatid ko kung saan ako nag Highschool sa San Beda .
Sobrang raming memories ang nangyari saakin doon. Freshmen lang kasi si Liah yung bata kong kapatid. Grabe andami na palang pinagbago ng school na ito. Lumaki na tapos lalong naging kaaya-aya sa mata . Katulad ko dati Grade 7 courtesy din siya nakaka- amaze noh? 😂 Hahahaha . At dahil alam ko kung saan ang room eh agad ko siyang hinatid doon tapos tinuro ko sakanya kung saan ako nakaupo dati . At marami pang iba . Hanggang sa nagpasya na kaming umalis dahil nag emergency call saakin si Vince . " Ella . You need to be here as soon as possible" nagmamadalj niyang sabi sa phone . Nataranta ako kaya ang bilis ng pagkaka drive ko. Inuwi ko muna si Liah sa bahay at dumiretso na sa Office .
Nang pumasok ako sa own office ko . Andaming red ang white flowers sa buong bahagi ng company . May mga chocolates , sunflowers at marami pang iba . Hanggang sa dumating si Vince at nagtanong " I will be your man if you'll let me be the one" Hindi ko masyado naramdaman ang kilig dahil for the 2nd time lang ako na-surprise ulit ng ganito . Ayoko siyang mapahiya . Kaya nman sabi ko . " I will be your woman if you'll wait until I'm done" . Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin kaya nman yun na lang at unexpectedly niyakap niya ako . Nagulat ako. Pagkatapos nun ay madalas niya akong itext ng mga sweet messages at lagi siyang nag cacall . Madalas ay pumunta siya saamin para suyuin si nanay at ako .
Siguro nga natututunan ang pag-ibig.
Hinabaan ko na guys pambawi lang :) Thankyou ☺️
BINABASA MO ANG
Time Machine
RomanceDid you ever notice, that I still feel the same way just like before? Sometimes it hurts . But I think you're the single piece of a puzzle to complete me . And I need a machine who can turn back time to the good old days. -Ella
