Yun ang pinaka worst day ever ko. Ang first time naming mag away ni Joaqin. At mismong sa grandball prom pa kami nagaway. After few weeks ng hindi paguusap at pagkikita namin I realize na kahit masakit mahal ko pa rin siya .
Joaqin's POV
Hindi ko alam kung anong paraan ang maaari kong gawin para maayos tung gulo na ito. Ayokong bumitaw . Ayokong masaktan siya at masaktan ako. Kaso ang sakit . Siguro nga oras lang ang magpapagaling ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Haysst .
*******************************
Ella's POV
Uhm . I text ko kaya siya? Baka nman naghihintayan lang kami. Kaso baka busy yun eh halos wala na akong balita sakanya. Sobrang namiss ko na ang dati. Sana maayos pa namen ito bago magpasukan bilang Grade 10 .
***********************************
Lumipas ang ilang araw ay pasukan na . Tumingin ako sa list ng mga magiging kaklase ko. And I saw my name. Grade 10 curie ang section ko habang si Joaqin nman Grade 10 copernicus . Nakaka disappoint kasi akala ko magiging kaklase ko siya tulad nung grade 7 pa lang kami. Ang bilis talaga ng oras . Naglalakad ako papuntang 6th floor ng makasalubong ang isang new student. Nag hi ako sakanya at nag hi din sya. Vivian Delos Reyes ang name niya at ang ganda niya . Kaklase nya si Joaqin . Kaya nman tinuro ko na lang sakanya ang room eh hindi nman kami mag ka section.
*bell rings*
Ops ! "Sige Vivian pasukan na. See ya" sabi ko. "Ahhh okay see you din Ella" nakangiti nyang sabi. Ng pumasok na ako sa room ang tahimik jusko tlaga ngang hindi na kami mga bata para magkulitan at magharutan . As usual Muse na nman ako ng section namin . Namimiss ko na rin si Jade dahil lumipat na siya ng school. Haysst . Nagtataka pa rin ako kung bat d ko pa nakikita si Joaqin.. Nag recess na! Kasama ko yung mga ka-squad ko at nagulat ako kasi may sumigaw ng pangalan ko , si Vivian pala . "Oh Vivian? Bakit? Nakakagulat ka nman" gulat kong tanong. "Sorry ang saya nman ng first day ko dito . Atska wala pa kasi akong kilala bukod sayo , Ella. Alam mo ba muse ako ." nagmamalaki niyang sabi. "Talaga? Parehas pala tayo." sabi ko. "Oo tapos ang gwapo ng escort kaso mukhang broken hearted pero gwapo pa rin" sabi niya. "S-Sino ba E-escort niyo?" tanong ko. "Si Joaqin San Gabriel" sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa mga nangyari samin hindi ko maipagmalaki na boyfriend ko siya . Kaya yumuko na lang ako .
Pagkauwian ay nakita ko si Joaqin na ka upo sa bench at kausap nya si Vivian. Nakita niya akong nakatingin kaya agad akong sinundan. "Ella! Pwede ba tayong magusap?" tanong niya. " Gusto ko ng tapusin kung ano mang meron tayo, Joaqin. " sabi ko. Pinigilan niya ako pero parehas lang kaming umiiyak kaya nman nagdesisyon akong tapusin na at nagtalo kami kaso siya ang bumitaw. Alam kong mali kasi sa sarili ko gusto ko sya at ayoko siyang mawala kaya nman sobra akong nasaktan. Pero ano nga ba ang mgagawa ko eh nagawa ko na at d ko na kayang ibalik pa . Worst first day ng Grade 10 ko yun.
YOU ARE READING
Time Machine
RomanceDid you ever notice, that I still feel the same way just like before? Sometimes it hurts . But I think you're the single piece of a puzzle to complete me . And I need a machine who can turn back time to the good old days. -Ella
