Chapter One

83 2 0
                                    

Chapter One


"Huwag mo akong pagmadaliin. Nagmamadali na nga ako oh." Aniya sa kausap sa cellphone habang nagmamadaling kinukuha ang toasted bread niya.


"Pero Ma'am—"


"Kung mainit na ang ulo niya, pwes sabihin mong mainit na rin ang ulo ko. Pasira siya ng araw." Ini-lock niya ang kanyang bahay saka siya nagmamadaling pumasok sa kanyang Audi.


"Papunta na ako d'yan. Give me fifteen minutes." Tinapos niya ang tawag saka binuhay ang makina ng kotse niya para makaalis.


Napaikot na lang si Arryl ng mata habang nagmamaneho. Nag-iinarte na naman kasi ang kliyente niya. Pang-ilang beses na nga ba ito? Pangatlo na.


"Sinabi ko na kasi kay Kuya na huwag tanggapin ang project na 'to involving Mr. Ramirez eh." Bulong niya sa sarili pagkakagat niya sa toasted bread.


Masuwerte siya dahil walang traffic kaya nakarating agad siya sa site.


Inayos muna niya ang buhok niya na hindi pa niya nasusuklay dahil nagising siya sa tawag ng sekretarya niya kaninang ala sais y media ng umaga. Karaniwan ay alas otso siya gumigising at alas nuebe pumupunta sa site para i-check ang progress nito pero ngayon ay fifteen minutes before eight pa lang ay narito na siya dahil sa napakaarte niyang kliyente na dinaig pa ang babae.


Nang maayos niya ang kanyang buhok ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Hindi na siya nag-abalang mag-make up dahil hindi siya komportable roon.


Agad naman siyang binati ng mga tauhan niya sa site. Gumanti siya ng bati sa mga ito.


Dire-diretso siya sa pansamantalang office niya sa site. Limang buwan kasi ang project na ito. Dalawang buwan na lang at matatapos na ito.


"Where is he?" Agad na tanong ni Arryl sa sekretarya niyang si Mariel.


"Nasa loob po Ma'am."


Papasok na sana siya sa opisina nang may maalala siya.


"Oo nga pala, get me a coffee sa Sweet Ink. Hindi ako nakapagkape dahil sa maarteng kliyenteng nasa loob."


"The usual Ma'am?"


"Yes." And when she says 'the usual', it is caramel macchiato.


Mariel just nodded to her at umalis na, while she, on the other hand, entered her office.


Agad namang tumayo si Mr. Ramirez pagkakita sa kanya. "Engr. Diaz—"


"What's the problem again Mr. Ramirez? Matatapos na ang commercial building na ito within two months. Ano na naman ang reklamo mo?" Aniya habang dire-diretso sa kanyang swivel chair.

Still Into YouWhere stories live. Discover now