Chapter15 "ang sakit sakit" -zarren..

Start from the beginning
                                        

“Ang alin???”

“Tsk, di ba nga gumawa ng eksena yung kahapon sa airport.. Hehe, last minute decision ang bruha.. Well, surprise nya dapat sayo yun eh. Wag mong sabihing sinabi ko ah.. Di na sya tumuloy sa Guam. Andito pa rin sya..”

“What?? Ibig sabihin…”

“Oo nga. Di ka lang talaga nya matiis. So, tuloy ang kasal nyo..”

(Anghel's pov) Hala..Di sya natuloy kagabi?? Ibig sabihin sya ang naglagay ng singsing.. Pero bakit? Nagpunta sya sa bahay..Bakit di ko alam? Nung ibig sabihin ng pag iwan nya ng singsing??Shit.

Yun. Nagmamadali lang syang umalis para pumunta sa bahay ni Zarren. Halos gibain na nya ang pinto. Wala syang pakielam kung pagtinginan sya ng mga kapit bahay nun. “Zarren!! Zarren mag usap tayo!”

Wala pa ring sagot.. Parang walang tao sa bahay..”Zarren!!! Anjan ka ba?? Kausapin mo ko!!”

Tsk tsk. Kawawang Anghel. Ni hindi nya alam ang score eh.. To kasing Jam na to bruha eh. Landi lang. Ilusyonadang frog. Sabihin ko na kaya Anghel ang totoo.. Hay…. Kung pwede lang eh… Ang sakit lang din sa pakiramdam ng ganto.. Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga bida natin eh.. hay…Asan na ang kinakikiligan nating love team. Buwag na ba? Tsk.

Matapos ang ilang katok at tawag ay umalis na rin si Anghel. Kala nya kasi walang tao sa bahay eh.. Di lang nya alam na andun pa rin si Zarren.. Nakasilip mula sa itaas… hay. Intindihin natin si Zarren kung bakit sya ganon.. Nasasaktan sya eh.. Paulit-ulit nga nyang minumura si Anghel sa isip nya eh. Gusto nya sugurin si Anghel kanina, sumbatan at pagsasampalin..Kaso di nya ginawa..Buti hindi niya ginawa..Nagtiis na lang sya sa kwarto nya..Patuloy na pinractice kung pano pigilin ang sakit…

Eto nga lang ang di ko maintindian.. Binalak lang namang umalis ni Zarren.. Di naman sa sobrang OA nya. Pero kasi, tulad ng ibang heart broken parang trip din nyang magbakasyon sa ibang lugar.. Hanapin ang sarili ganon. Gaya-gaya lang sa iba.. Yung mga naghahanap ng sarili.. Tsk, para kasing di nya kayang harapin si Anghel na ganon ang lagay niya eh.. Takot lang sya sigurong marinig mula mismo kay Anghel na si Jam talaga ang mahal nito.. Ano nga bang laban nya kay Jam. Eh mula highschool magkasama na sila ni Anghel.. Ang hirap lang dito kay Zarren, napakahina ng kumpiyansa nya eh.. Pero sige, pagbigyan natin sya.. Bakasyon muna sya habang nagpapalamig..

One week later na.Tutal depress-depressan mode naman yung dalawa eh.. Yun, si Anghel naghahanap pa rin ng sagot sa mga tanong nya.. Nabuang na ata sa kakahanap ng sagot kung bakit biglang naging ganto ang daloy ng buhay niya..Ni hindi na nga sya nakapasok sa clinic sa sobrang pag iisip eh.. Lahat na ng tropa ni Zarren, inisa-isa na nya kaso wala pa rin syang mahanap na sagot.. Pati itsura nya napabayaan na rin nya.. Di na nga sya nakakapag ahit eh.. Parang lumalabas na ang dating badboy look nya.. Yun nga lang ngayon mejo pangit lang ng datingan kasi mugto at halatang puyat ang mga mata nya..

Yun nga.. Kinulit nya nang kinulit ang mga kaibigan ni Zarren. Pasalamat nalang sya may isang Fate na napakadaldal.. Tinawagan kasi ni Zarren si Fate para maglabas ng sama ng loob eh. Ewan ko dun kay Zarren kung bakit sa daming friends nya ay si Fate pa ang nakuha niyang hingahan ng sama ng loob. Eh napakadaldal kaya nun..Yun, sinabi nya ang detalye kay Fate, yung nakita nya sa bahay ni Anghel, kung pano sya nasaktan nung maispatan nyang magkayakap habang tulog ang dalawa...Pero di nya sinabi kung asan sya..Syempre no.. Masakit parin at hindi pa rin nya kayang makita si ANghel.. At isa pa wala pa rin kasi syang tiwala sa kadaldalan ng kaibigan nya eh.. (sa totoong buhay ganun din. Hehe)

“Hayup ka! Niloko mo lang si Zarren.. Kapal mu ha.”-Fate, trip lang mag emote at ipagtanggol si Zarren sa mapang aping kastila sa harap nya..Pero ang totoo depressed din sya dahil kasabay ng pagkawala ni Zarren ay ang pag alis din ng boyfriend nyang si James..Papuntang cebu lang naman para sa isang project..

“Bakit nung ginawa ko??Please naman Fate kung may alam ka sabihin mo na.. Promise pababantayan ko si James sa Cebu.”- yun oh. Suhulan moment na to..

“Weh? Bakit naman ah. Pero sige..Tutal may pinagsamahan naman tayo eh ganto kasi yun..(putek bilis lang magpalit ng mood) Taksil ka kasi. Kung di ka ba naman tanga eh magpapahuli ka pa.”

“Ano? Anong taksil eh loyal na loyal ako kay Zarren ah. Nung pinagsasasabi mo?”

“Gago ka lang talaga eh. Pasalamat ka kahit papano may pinagsamahan tayo.(weh dahil lang ke James eh). Nakita kayo ni Zarren nung isang gabi..Naghahalikan pa talaga kayo ng malandi mong bespren-besprenan ah. Utot mo!”- Fate, concern din to kay Zarren sa totoo lang eh noh.. OA magkwento..eh wala naman halikang nakita si Zarren diba.

“Nakita nya??Kame ni Jam?? Ok ka lang? Hindi namin yon magagawa.”-Anghel, di lang makapaniwala na magagawa nya yun. Kilala nya sarili nya. Dehins nya yun magagawa kay Jam..

“Ows?? Lasing ka ata nun eh.. So ibig sabihin posibleng nagawa mo nga..”

Napaisip lang si Anghel kung talagang hinalikan niya si Jam.. Pero di talaga nya maalala..

(Anghel's pov) Baka nga.. Sobrang lasing ako kagabi.. Hay ano ba to.. Jam bat di mo sinabi kanina kung totoo man yon.. Ano nang gagawin ko..Zarren, dumi talaga ng utak mo..- yun oh, nakuha pang manisi.. tsk tsk, mga lalake nga naman.. hay.

"Please naman Fate. Sabihin mo na kung asan si Zarren oh.. Hirap na ko eh. Buti ikaw alam mong trabaho lang ang inaatupag ni James. Eh ako.. Pano ko?? Wala kong magawa eh.. Di ko na kayang mag hintay. Mamamatay na kaya ako.. Please."

"Eh hindi ko nga alam.. Tawagan mo si Scarlet. Mas close sila. Baka alam nya."

"Tsk. Basta pag nalaman mo sabihin mo agad. Sige salamat na rin.."

(Anghel's pov) Badtrip. Ano ba tong nagawa ko??Hinalikan ko tropa ko? Di ko talaga maalala.. Yari na. Kung nasaktan ko si Zarren baka nasaktan ko rin si Jam.. Tsk.. Pano na to.. Kaya pala di sya makatingin ng direcho kanina.. Lord Please help!.

Hoy Anghel, bat inaalala mo pa yang si Jam ha. Hayaan mo na yan. Bruha yan. Impakta..Si Zarren nalang ang pagkaabalahan mong hanapin.. Tsk, dapat pala ibahin na title nito eh.."Nasaan ka Zarren?".. hay... Yun..hanapan pa ng ilang araw bago tuluyang kumanta ang isa pang taksil na kaibigan..

"Hello Anghel, tumawag sakin kagabi si Zarren. Alam ko na kung asan sya.."- Scarlet, parang may planong masama lang.

"Talaga?? Asan sya? Pupuntahan ko sya."

"Pasalamat ka awang awa na ko sayo."

"Oo na. Salamat. San sya?"

"Sa Batangas. Sa pinsan nya..Bilisan mo na baka malaman pa niyang sinabi ko sayo..Secret lang ah." -Scarlet, may maganda rin pala syang silbi sa storyang ito...hehe

Yun.. Binigay rin ni Scarlet yung complete address. Taksil nga sya pero sakto lang.. Dahil sa kanya kaya nagkaron ng pag asa ang bida nating si Anghel.. Syempre wala syang sinayang na oras. Punta agad sya sa sinabing address ni Scarlet..

At syempre ititigil ko muna dito.. Abangan nalang natin sa next chapter ang muling pagkikita nung dalawa.. Abangan din kung may awayan ba o lambingan na magaganap.. yun..

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now