Wicked Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Ibinaba na ni Aya ang hawak niyang gadget saka itinuloy ang paglalakad palapit sa dalawa. Kasunod pa niya sina Elise at Courtney na kanina pa rin palang nanonood sa kanila.

"Kanina sa hall, akala ko talaga palalagpasin mo na yung ginawa ni Stephanie, ngayon naman, akala ko hahalikan mo na si Prince!"

Kasabay ng pagkunot ng kanyang noo, agad na naningkit ang mga mata ni Cindy. Para siyang sukang-suka sa ideya ng kaibigan.

"Posible pa sigurong paglagpasin ko yung ginawa ng Stefaniang yon," bago ituloy ang kanyang pangungusap, matama niyang tinignan si Prince mula ulo hanggang paa at pabalik sa nakayuko pa ring mukha nito. "Pero ang halikan ang isang palaka? Tss!" Umiling na lamang siya.

"What's wrong with kissing him?"

"What?" agad na tumaas ang kilay ni Cindy sa tanong ni Aya. "Are you out of your head or are you out of your head?"

"Wala bang ibang choices?" pang-asar na balik ni Aya. Nilapitan niya si Prince, hinawakan ang baba nito at pilit na pinaharap sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Pinagmasdan ni Aya ang itim na mga mata ni Prince. Noon pa man, kaakit-akit na ang mga ito para sa kanya. Gustung-gusto niya ang mga lalaking mala-anghel ang dating. In fact, she's the kind to make them good guys go bad. Sayang, hindi niya pwedeng galawin si Prince at alam niyang pag-aari na ito ng kaibigan niya.

Nakatingala si Aya sa binatang higit ang taas sa kanya. "Aminin mo, nabitin ka 'no?"

"Pa'no pag sinabi niyang oo?" tanong naman ni Elise. "Ikaw ang hahalik sa kanya?"

"Why not!"

"Eew! Shaniah, ang landi mo talaga!" anas naman ni Courtney. Siya pa naman ang number one fan ng love team ni Cindy at Prince.

Cindy on the other hand could only whine, "What the hell?"

"O!" Kasabay ng isang pantig na salitang binitiwan ni Aya ay ang paghagis niya sa kanyang mamahaling telepono. Mabuti't mabilis ang kamay ni Courtney at nasalo niya iyon. "Videohan mo."

"Woah!" sabay na sabi ni Courtney at Elise. Si Cindy naman, halos mapanganga na lang sa kinatatayuan niya. Tanong pa niya:

"Seriously?"

"Miss…" wika ni Prince para pigilan ang balak ni Aya sabay hawak sa kamay nito. Nakasabit pa rin kasi sa ilalim ng kanyang baba ang nakatuping hintuturo nito.

Kakaiba ang tingin at ngiti ng dalagang kaharap niya. Hindi siya sigurado kung seryoso ito. Hindi rin siya sigurado kung posible ngang maging seryoso ito.

"Weh, sige nga, dare!" hamon ni Elise.

"Dali na!" panggagatong pa ni Courtney, "Kanina pa kayong naka-video."

"Tumigil na nga kayo!" sabat naman ni Cindy. Ni hindi niya magawang tignan si Aya at Prince na higit isang hakbang lang ang layo sa kanya.

Muling napasandal si Prince sa pader nang sa pangalawang beses ay may magtulak sa kanya roon, sa pagkakataong ito, si Aya. Sa bilis ng pangyayari, sa halip na mapapikit ay nanlaki na lamang ang mga mata niya nang biglang maglapat ang mga labi nila ng mapanuksong dalaga.

"Woah!" sambit ni Elise. Nanlaki rin ang mga mata niya. Sa sobrang pagkamangha, napapalakpak pa siya.

"Damn, this is great!" kumento naman ni Courtney, pasalin-salin pa ang tingin niya sa malapad na screen ng iPhone ni Aya at sa eksenang nasa harap niya.

"Mmm… Hmm…" were Aya's audible moan.

"French kiss! French kiss!" si Elise ulit. Since she and Courtney were focused on the forced lip locking party, they noticed how Aya struggled to slip her tongue inside Prince's reluctant mouth.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon