48 - Fire

78 1 0
                                    

"Tremble with fear, I will end your misserable life.."

Azazel's POV

Nahihirapan na 'kong huminga, di talaga kakayanin ng katawang toh ang sobrang kapangyarihan dahil kalahating tao parin ako.
.
.
May limitasyon ang mga kaya kong gawin at kung tutuusin, hindi pa ko nagkaroon ng kalaban na mas malakas sakin. Pero hindi ako pwedeng sumuko dahil tingin ko ito parin ang paraan para maisaayos ang mga suliranin.
.
.
"Hindi ba dapat nakatuon ang isip mo sa laban na 'to? Nasisiyahan akong nahihirapan ka paslit, ngunit hindi naman yata makatarungan ang di mo pag seryoso dito. Alalahanin mong inilabas ko ang malaking pursyento ng aking kakayanan at nasasayang ito sa ginagawa mong pag aalala, minamaliit mo ba ko paslit?"
.
.
Hindi pa man natatapos ang sinasabi nya bigla nalang nyang iwinasiwas ang malakas na hangin dahilan para madagdagan ang daplis na hindi man ganun ka lalim, sapat na para pabagalin ako.. tch..
.
.
"Sa tingin mo ba minamaliit kita babaylan? Hindi pa ba sapat na nahihirapan na 'kong sumabay sa mga atake mo?!"
Wala ng kwenta kung sasabihin ko yun dahil handa nya kong paslangin sa lakas na ipinapakita nya.
.
.
.
"Bakit nga ba hindi mo ginawang kumpleto ang kaluluwa mo paslit? Dahil nga ba sa pagiging kalhating tao mo kung kaya nagkaroon ka ng awa sa kakambal mo? Higit na lakas ang kailangan mo sa mga oras na ito para matalo ako, hindi pa huli ang lahat para paslangin sya. hahahaha"
Madaldal din talaga sya kaya mas nakakairita. Siguradong marami ang mga katanungang haharapin ko mula kay Zelle kapag natapos na ang dwelo.
.
.
"Hindi ko kinuha ang parteng hindi para sakin dahil, mahalaga syang nakahiwalay kesa nasa loob ko. Masyado kaming magkaiba ni Zelle at mahalaga sya bilang paalalang hindi ako nag iisa."
Sa totoo lang, kayang kaya ko syang tapusin noong mga bata pa kami ngutin hindi ko hinangad dahil sya lang ang nakakakita sa tunay na ako. Ginawa ko nalang na dahilan kay ama ang pag kuha sa kaluluwa nya para makasama ko sya ng mas matagal sa mundo ng mga buhay. Hindi ako ako kulang dahil matagal nakong buo.
.
.
.
Tumawa ng malakas ang babaylan at tumigil sa pag atake. Saglit akong nakakita ng emosyon mula sa mga mata nya, pero sa tingin ko namamalikmata lang ako. Agad syang bumalik sa normal nyang anyo at tumungo saglit. Nag takha ako pero alisto parin, mahirap ng bakas bigla syang sumugod ng walang kapararakan.
.
.
.
"Nalilibang ako masyado sayo paslit, pero sapat na ang mga nakita ko. Hindi mo kakayaning pamunuan ang lugar na 'to, dahil ginagamit mo ang mga emosyong pinagbabawal sa hari."
Alam kong sumuway ako kay ama ng mga panahong sinabi nyang kalimutan ang pag-ibig at awa pero, hindi ko magagawang talikuran si Zelle at si ina.
.
.
"Hindi ko kailangang makisalo sa laban ng liwanag at kadiliman kung kaya ibinigay ko ang aking anak para tulungan kayo. Malapit na nyang makita ang silbi nya bilang babaylan. Hindi kahit kailan makakapamuno ang isang prinsipe kung palagi nyang papansinin ang mga emosyong hindi mahalaga kaya aralin mong talikuran ang lahat kamahalan."
.
.
Halos masamid ako ng hindi nya ko tinawag na paslit. Natapos ko ba ang dwelo?!
Una palang, wala na syang balak tumulong ginawa lang nya kong libangan. aish!!
.
.
.
Umusad ang oras at nakakagalaw ng muli si Zelle. Ni hindi ko namalayang nandito pala si Shiki at sino nga yung kamukha nyang nilalang? Kung titignang maigi mukha silang pinagbiyak na gulay, meh pakpak lang yung isa.
.
.
.
"Sabihin mo Shiki, anung masamang hangin ang nagtangay sayo dito?"
untag ko sakanya habang hinihingal. tch. nawala sa isip ko na marami nga pala akong sugat na tinamo mula sa babaylan.
.
.
Sa pag luhod ko, halos magkandarapa si Zelle para tunguhin ang direksyon ko, umiiyak sya at ayokong makita yon kaya pumikit nalang ako. Dala na din ng pagod, bigla nalang dumilim ang paligid.
↭↭↭
Viel's POV

Bigla nalang tumigil ang dwelo kung kaya mai-uunat ko na ang kamao ko sa mukha ni Shiki pero mas nalilito ako sa mga pangyayari kaya ipagpapaliban ko muna ang tungkol samin ng hambog.
Di ko lubos akalaing makukuha ng prinsipe ang pagkilala ng punong babaylan na hindi nagawang kunin ng sinumang dugong bughaw sa loob ng mahabang panahon. Marahil nakita niya ang sarili sa prinsipe kung kaya pinagbigyan nya na lamang ito o dahil sa nararamdaman nya ang presensya ng anak at ayaw nyang may malaman ito patungkol sa mga emosyong itinago nya sa yungib na 'to. Kahit kailan hindi ko sya maiintindihan dahil, galing ako sa angkan na walang inatupag kundi mag agawan ng kapangyarihan.
.
.
Tumatakbo si Mirazelle upang saklolohan ang kakambal na nawalan ng malay. Nagbago man ang anyo nya, sya pa din ang babaeng padalos dalos na sinusundan ko ang bawat yapak.
.
.
"Hindi mo parin pala ibinabalik ang mga alaalang nawala sakanya? Hanggang kailan mo sya balak hilahin sa tabi mo?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi ni Shiki. Anung alaala ba ang sinasabi nya?
.
.
"Ganun na ba katagal ang huling pag balik nya kaya ba hindi mo na maalala? Marahil si Merdusa ang may kagagawan nito."
Walang kinalaman ang aking...
.
.
.
"Anung karapatan meron ka para banggitin ang pangalan nya? Ni hindi mo na iginalang ang ating..."
Hindi ko naituloy ang mga sasabihin ko dahil, tumawa sya ng parang nang lilibak. Hambog talaga sya kahit kailan. Makikita mo sa mga mata nyang minamaliit nya ang aming ina.
.
.
"Wag kang mag patawa Viel, alam mong mag mula ng talikuran nya ako at ang aking ama, itinakwil ko na sya. Masyado ka ng nadadala sa mga emosyong hindi mo dapat nararamdaman kaya nga ba sapat ng isa ka lamang tutang sumusunod sa amo nya."
Nanggigigil nako sa hambog na 'to dahil sa mga pinagsasasabi nya pero, gusto kong malaman ang ginawa ni ina patungkol sa mga alaalang nawawala.
.
.
Hindi na lamang ako umimik dahil ayokong gumawa ng eksena sa yungib ni Azaria. Sagrado ang lugar na 'to para sa babaylan, may ibang pagkakataon pa naman para sa pagtutuos namin.
Sa ngayon kailangan na naming umalis dito, bago pa dumating ang anak ng babaylan. Alam kong hindi dapat ngunit kasama nya ang isang di kanais nais na panauhin hindi dapat mag krus ang landas ng liwanag at dilim. Hindi pa sa ngayon.
.
.
Agad kong inakay ang prinsipe at pinakuha ng tubig sa balon si Mirazelle. Makakatulong ang tubig sa pag galing ng mga sugat at kahit papaano'y babalik ang lakas ng prinsipe. Gumawa na ko ng portal para mapabilis ang pag alis namin.
.
.
Kailangan kong malaman ang mga bagay na nawala sakin para naman magkaroon ako ng silbi sakanya. Lagi nalang akong nakatanaw mula sa malayo at walang magawa para matulungan sya.
.
.
.
"Tingin ko kailangan mo din ang tubig alipin ng sumpa."
Huling katagang binigkas ng babaylan bago ako humakbang papasok sa portal.

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N:

Happy Easter Sunday ≧﹏≦

-- buti nakapag ud nako.. kaso bitin pa din diba?  ̄ε  ̄
sorna.. slow talaga ako minsan.. may typo pa nga ih.. ak ak..
.
.
.
"Oy!! Lagi ka namang ganyan bakit meh minsan pa?!"-- Orion
.
.
Pagbibigyan kita ngayon Orion.. n-g-a-y-o-n lang..
.
.
.
= ̄ω ̄= next ud ulit 💋
.
.
★★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ☆☆

THE DEVIL'S TWINWhere stories live. Discover now