33 - Tears

121 7 0
                                    

Life is never fair..
Everything that you do has its toll ..
Either die greatful or die suffering ..

Yume's POV

Ano ang dahilan ng pag tatago ko? Dahil ayokong makita si Faust.. Hindi ko na sya hahayaang burahin pa ang mga alaala ko.. Maraming taon ang nawala sakin.. Sa amin ng mga anak ko..

Alam kong kambal ang anak ko.. Lingid sa kaalaman ni Requiem, nakikita ko si Azazel noong bata pa sila ni Mirai.. Madalas silang maglaro noon at pinagmamasdan ko sila sa garden.. Akala pa nila Dad nababaliw na ko dahil sa mga sinasabi ko.. Masaya naman kaming mag iina noon..

Nagbago lang naman ang pakikitungo ko kay Mirai noong nalaman kong incarnation sya ni Xielle.. Hindi pa malinaw sakin ang lahat kaya masama ang loob ko.. Bago ko pa maisip ang lahat, malayo na ang loob sakin ng anak ko..

Hindi ko matanggap na hindi normal ang pamilya ko.. Ni ang taong mahal ko.. Mabaliw baliw ako sa pangyayaring iyon sa buhay ko.. Lahat naman siguro ng makakaranas ng ganun ay maddepress, baka nga mas malala pa..

Huli na nung ma-realize ko lahat.. Na walang mali kung tatanggapin ko ang lahat.. walang masama sa pamilya ko, sa mga anak ko, na hindi ko dapat inisip na magiging masama sila dahil ako ang gagabay sakanila..

Nakita ko sa mga mata ni Mirai ang sobrang lungkot at takot sa t'wing makikita nya ko.. Hindi na sya lumalapit o nag sasalita.. Masakit sakin na makita syang nahihirapan at mas masakit dahil alam kong ako ang dahilan..

Nawala ako nung gabi ng aksidente dahil kay Faust, kagustuhan kong matuto ng maraming bagay at alam kong sya ang makakatulong sakin.. Gusto kong ihiwalay ang kalulwa ni Xielle sa anak ko kaya kinailangan kong matutunan lahat ng mahikang makakatulong upang maisakatuparan yon..

4 na taon bago ko natutunang gawin.. Kaso nung araw na babalik na ko samin, bigla nalang binura ni Faust ang mga alaala ko at pinalitan ng kasinungalingan.. Hindi ko alam na balak nyang gawin yon, kaya hindi ko napaghandaan..

Pero ngayong naaalala ko na ang lahat, balak kong bumalik sa pamilya ko.. Para punan ang lahat ng pag kukulang.. Balak dahil tatapusin ko muna si Faust na alam kong pag tatangkaan ng masama ang mag aama ko..
↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Azazel's POV

Nararamdaman ko sya.. Hindi ako sigurado nung una pero tiyak ko na ang lahat.. Alam ko na kung nasaan si ina.. Kelangan ko syang makita dahil sya lang ang makakatulong kay Zelle..

Hindi na ko nag sayang ng panahon kaya agad ko syang natunton.. Akalain ko bang na kina Tsubasa lang sya..
.
.
"Hindi ko alam kung bakit dito sya nag tatago pero kelangan ko syang makausap.."→ walang pasakalye kong sabi kay Soujiro..
.
.
"N-Nasa loob sya, S-Sinabi ko na ngang umuwi sya k-kaso ayaw nya eh.."→ ni hindi manlang nag maang maangan .. tss.. adik talaga to ket kelan..

Nakita ko si ina na malayo ang tingin pero, napansin nya ang presensya ko at nanlaki ang mga mata nya..
.
.
"Pano mo ko nahanap?"→ takhang tanung nya pero hindi ko na pinuna..
.
.
.
"Kailangan ka nya ngayon.. T-Tulungan mo sya.."→ ako na nauutal at naramdaman ko ang tubig sa mukha ko.. luha?

Agad na nag bago ang timpla ng mukha nya at waring nag aalala.. Dali-dali syang tumayo at gumawa ng portal..

Tao sya, hindi ba?! Paano sya nakagawa ng portal?! Bago pa ko matauhan, nasa bahay na kami agad..
↭↭↭↭↭↭↭↭
Requiem's POV

Isang malutong na sampal at mapanghusgang tingin ang ibinungad ni Yume sakin..

Hindi naman sa masakit ang ginawa nya pero natulala lang ako sakanya.. Bumalik na sya?
.
.
"Iniwan kita para humanap ng ibang paraan, pero heto ka at pinabayaan mo ang anak ko!"→ nakakaalala na nga talaga sya..

Hindi pa rin ako nakakabawi sa sinabi nya ng bigla syang umiyak sa harapan ko.. Ayokong nakikita syang ganyan.. Bago pako makalapit para ayuin sya, tinalikuran nya ko at tinungo ang higaan ni doll ..
.
.
"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hinding hindi kita mapapatawad!"→ asik nya at hindi ko sya masisisi..

Kasalanan ko ang lahat pero anu panga bang magagawa ko, andyan na.. magulo na..

Wag lang talagang manganib ang anak ko, kahit teritoryo ni Shiki ang hardin.. papatayin ko sya at ang babaeng yon..
↭↭↭↭↭↭↭↭
Kei's POV

Takang taka kami sa babaeng biglang dumating, kung hindi ako namamalikmata sigurado akong si Lady Yume iyon.. Pero patay na sya di ba?!

Mangha o gulat na pinagmamasdan ni Master ang anak nyang inakala nyang patay na makalipas ang mahabang panahon.. Kahit naman siguro sino magugulat.. Tch.. Anung klaseng pamilya ba talaga sila?

Tatayo na ko para sana huminga dahil sa mga nangyayari nang bigla nya kong tinawag..
.
.
"Kelangan ko ang tulong mo.."→ si Lady Yume ang nag sasalita.. sa paanong paraan naman kaya?
↭↭↭↭↭↭↭
Lolo Toshiro's POV

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon.. Ang nag iisa kong anak.. Matagal na syang patay hindi ba?
.
.
"Otosaan, Sore wa watashidesu"(Dad, it's me)Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.. Nalilito pero masaya akong makita syang muli..

Madali nyang binaling ang atensyon sa apo kong si Mirai na hanggang ngayon wala paring malay..

Hinaqakan nya ito na noo at waring may sinasabing hindi ko alam.. Nag liwanag ang mga mata nya at nalakasilaw ito.. Anung ginagawa nya?
.
.
"Hindi ko sya makita pero maibabalik ko sya.."→ Tiningala nya si Requiem na nakamasid sa malapit..

Natuon naman ke Azazel ang atensyon ko nang makita ko syang lumabas ng kwarto at tila pasimpleng pinupunasan ang mga mata.. Alam kong nahihirapan ang kalooban nya lalo na at wala syang magawa sa sitwasyon na parang kami pero hindi ko akalaing ganito nya kamahal ang kakambal at lumuluha sya sa tindi ng bugso ng damdamin.. Akala ko ba hindi sya emosyonal?
↭↭↭↭↭↭
"la la la la .. la la la .. "

Gusto ko ng umuwi.. Pero hindi ko alam kung paano..
.
.
"Azazel.. Sunduin mo na ko.."
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
★★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ☆☆

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon