47- Love

72 2 0
                                    

"Just so I thought that you were mine.."

Viel's POV

Halos hindi makasabay ang prinsipe sa babaylan. Sugatan na rin sya at sa tingin ko nakakaramdam na sya ng panghihina.
.
.
Kung bakit ba naman kasi ninais nyang kalabanin pa ang babaylan. Wala rin naman syang mapapala dito. Hindi mapipigilan ng babaylan ang pag gising ng halimaw at hindi nya din maibabalik ang dating anyo ng prinsesa.
.
.
.
"Anu bang problema mo sa pag hahanap ng lunas ni Zel? Tingin mo ba ginusto naming malagay sa sitwasyong to?!"
.
.
.
Tao nga sya, di na ko mag dududa. Hindi sya katulad ng mga nilalang ng kadiliman na wala na halos maramdaman. At kung bakit ba malaya nyang nababasa ang isip ko, pati opinyon ko pinagdidiskityahan na nya. tss
.
.
.
Maliwanag naman sakin kung ano at sino ako pag dating sakanya. Wala akong kahit na anung magagawa kundi ang maging alipin. Pero ang pakialaman pa pati ang saloobin... tss.. Nahahawa ako sa pagiging emosyonal nya.. o sinasalamin nya lang ang damdamin ko?!
.
.
Pinilit kong kumalma. Hindi ako dapat umasal ng ganito. Di ko kailangan ng mga emosyon.
↭↭↭↭

Kei's POV

Hindi ko alam kung anung gagawin. Masyado na silang napapatagal sa kabilang dimensyon at wala manlang kaming balita.
.
.
.
"Kung mamamagitan ka don bilang hari, hindi na mahihirapan ang anak ko!!"
Gigil ngunit emosyonal na sigaw ni Lady Yume kay Requiem.
.
.
Alam na naming si Azaria ang pakay ni Zel sa kabilang dimensyon at kapag si Azaria ang pag-uusapan, hindi ito magiging maayos na diskusyunan.
.
.
Marahil di kayanin ni Zel ang babaylan, pero anu ba namang masama kung susubukan nya.
Kung malalaman nyang ang silid ay bukal ng dalisay na tubig, malaki ang magagawa non para makasabay sya pansamantala.
.
.
"Tingin mo ba makikinig sya satin?"
untag ni Izumi sakin.. kung anumang kahibangan ang naiisip ng kapatid ko, paki hambalos nga sya sa bunbunan.. tss.. nahahawa na sya sa author na siraulo..
.
.
["Grabe ka saken!! Nananahimik ako dito ah.."]
.
.
.
Hanggang ngayon di pa din nabibigyan sulusyon ang mga bagay bagay kaya sino ang dapat managot aber? tss.. Wala naman patutunguhan toh kung aawayin ko ang hibang nating author kaya mas mabuti pang mag isip nalang ako ng magandang plano.
.
.
.
Hindi rin naman masama kung makikiusap kami sa mangkukulam na 'yon, pero hindi rin naman sya tutulong ng walang nahihita mula samin. Masyado syang tuso kaya hindi sya madaling kausap.
.
.
Kahit kailan, hindi sya nag nais ng kapangyarihan dahil nag uumapaw na sya rito, kaya anu pa ba ang maibibigay ko para makipagkasundo sya sakin?
.
.
"May kinalaman sa wagas na pag-ibig ang tinutukoy na lunas sa aklat na binigay ng babaylan, ang hindi ko lang maintindihan ay ang kaluluwang lubos na umiibig. Kailangan bang mamatay ng sinumang umiibig ng wagas para sa halimaw ng kawalan? aish!! Hindi na kinakaya ng utak ko ang palaisipang 'to!!"
ang bugok na si Orion.. hindi ko lubos akalaing maiisip nyang gamitin ang utak nya.. pero kung susumahin, meh punto sya.. ang hindi ko nalang sigurado ay kung totoo ang mga nakasulat sa aklat..
.
.
.
Kailangan kong kausapin ang mangkukulam. Kung hindi lang dahil kay Mirazelle, baka walang pagkakataong kakausapin ko sya.
Agad kong inayos ang mga gamit ko at agad na tinungo ang silid kung saan pansamantalang nakakulong ang liwanag. Alam kong si Jiro pa din ang nilalang na yun, kailangan nya lang gumising mula sa kapangyarihan ng liwanag. Ayoko mang aminin, pero hindi ko kakayaning mag isa ang laban na ito. Alam ko namang mahal nya si Mirazelle at sigurado akong hindi sya gagawa ng bagay na ikakapahamak nya.
↭↭↭↭
Jiro's POV

Pagod nakong makipag talo sa liwanag. Masyado syang malakas kaya malabong matalo ko sya sa katawan ko.
.
.
.
"Mabuti naman at alam mo kung saan lulugar. Mas mapapadali ang lahat kung aayon ka. Ikaw din naman ang mahihirapan kung magpupumiglas ka pa eh."
nakakairita na sya pero wala naman akong magagawa.
.
.
Anu na kayang nangyayari sa labas? Sa clinic?! Mahigit isang linggo nakong nakakulong dito. Ni hindi na nga ko nakakaligo. tss.. Wala naman kasi akong pamalit sa kwartong 'to pero mabuti nalang at may cr. Paano nalang kung wala?! o(╯□╰)o
.
.
.
Nagulat nalang ako ng biglang magbukas ang pinto, aba bago 'to ikaw na makulong ng isang linggo. Bumungad si Kei mula sa pintuan kung kaya nagtatakha ako habang tinitignan sya.
.
.
.
"Ngayon na ba nila nais paslangin ang taong 'to?! hahaha.."
tss..papatayin na kami't lahat, tumatawa tawa pa 'tong nilalang na nasa loob ko..
.
.
"Tingin mo ba papaslangin ka nila Uriel? Hindi ka naman nila gagambalain kung hindi ka gagawa ng anumang gugulo sakanila."
Uriel pala ang pangalan nya, at least hindi nalang basta liwanag.
.
.
.
Natigilan sandali si Uriel, siguro dahil sa hindi nya inasahang malalaman ni Kei ang pangalan nya. Paano nga kaya nya nalaman?
.
.
.
"Kaya pala umpisa palang iba na ang pakiramdam ko sayo, pero ngayon hindi nalang ito kuro-kuro babaylan."
si Kei ba ang tinutukoy nyang babaylan?! hindi ba normal na tao lang si Kei? kunsabagay, wala namang normal sa mga Crimson. tss.
.
.
Walang anu-ano'y pumasok si Kei sa selyadong pintuan. Hindi ba sya nag iisip?! Mas mapapadali ang buhay nya dito sa loob. Kalmado man 'tong si Uriel, hindi pa din ako nakakasigurado sa mga kaya nyang gawin. Nagkuyom ng kamao si Kei habang papalapit samin.
.
.
"Alam na alam ko kung anu ang mga plano mo, kaya nga nandito ka ngayon eh. Wag mo kong masyadong minamaliit Uriel. Alam nating parehas na hindi mo ko kaya."
.
.
.
Tiim bagang lang na nakikinig si Uriel, marahil tinatantya niya si Kei. Nakahinga ako ng maluwag dahil kalmado pa din sya. Ayoko naman mamatay noh!
.
.
"Anu bang pakay mo sakin ngayon babaylan na pinili mong kausapin ako ng mag isa?"
kahit ako nag tataka sa ginagawa ni Kei, hindi ko maisip ang balak nyang gawin.
.
.
.
"Hindi naman ikaw ang sadya ko. Si Soujiro ang kailangan kong kausapin."
paano naman nya ko makakausap kung gising si Uriel?
.
.
.
Bigla nalang nag orasyon si Kei, ni hindi ko manlang nakita ang mga sumunod na nangyari. Narinig ko nalang ang pag sigaw ni Uriel at ang sumunod ay liwanag sa buong paligid.
.
.
.
"Wala na tayong masyadong oras. Tumayo ka na dyan dahil kailangan ka nya."
naguguluhan pa din ako, pero agad akong bumangon at sumunod sakanya.
.
.
.
Isang portal ang binuksan nya. Hindi na ko nag alangang sumama anu pa bang mas malalang mangyayari? Ang meh halimaw kang boarder sa katawan o ang hindi maligo ng isang linggo?! Sige kayo nga mag decide!
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
N/A:

sa wakas!! hahahaha xD
sorna mabagal talaga ko mag ud..T_T
pag tyagain nyo na ko.. hehe
✌✌✌

si jiro pala yung nasa media.. wapali.. hoho xD

★★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ☆☆

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon