Chapter 4

18.2K 500 4
                                    

Chapter four
~*~
Herxhiene

Napatango nalang ako sa kawalan. Nababaliw na ba ko? Kung ano ano nalang ang naririnig ko.

"Hey! Bakit ka tumatango?" lumapit si Bryan sakin. Ang bago naming kaklase.

Umiling nalang ako bilang sagot. Ayoko sana silang kausapin dahil iba ang nasa isip ng iba. Gusto nilang murder-in ang lahat ng lalapit sa mga crush nila.

"Hahah! Okay, pero umamin ka nga. Bakit binabasa mo ang isip ko?" ngumiti ng nakakaloko.

Umiwas ako ng tingin.

"A-anong b-binabasa? A-ano ako madam A-auring?" nabubulol na sabi ko.

Ngumiti siya sakin, "Hindi ka ordinaryo diba?"

Anong hindi ordinaryo? Eh, tao ako ah? Ano bang pinagsasabi nito?
Naguguluhan na ko.

Teka... May alam ba siya sa mga nangyayari sa akin? Baka pwede niya akong matulungan---

"Huwag mo ng isipin ang mga sinabi ko." sabi niya at umub ob sa upuan niya.

Someone

"Naka ayos na ba lahat ng gamit mo?"-tanong niya sakin at umupo sa sofa ko.

"Oo naka ayos na. Tsk. Bakit kasi hindi nalang ikaw ang magbantay sa kanya do'n?" reklamo ko.

"Tsk, kapag ako ang nagbantay sa kanya sa mortal world lalong malalagay ang buhay niya sa panganib. Alam mo namang sa akin nakatuon ang atensyon ng mga Dark Shadows."

Nakaka asar bakit niya kasi tinanggap yung misyon na yun? Ako tuloy yung naiistorbo ngayon.

"Hoy! Isarado mo yung isip mo! Tsaka kung hindi ko tatanggapin yung misyon mapapahamak ang prinsesa. Tayo rin ang magdudusa 'no."

Tsk, kahit kailan talaga oh!

"Ito nga pala. Iabot mo lang yan doon sa prinsipal nila para hindi ka pagdudahan. Basahin mo na rin para incase."

Inabot niya sakin ang isang folder bago siya lumabas.

Kailangan niya na naman umpisahan ang ritwal niya upang mabantayan ito at makausap kapag kailangan.

Binasa ko ang detalye na inabot niya. Buti nalang talaga ang gwapo ng picture ko dito. Tsk.

Herxhiene

Break time na!

Inaayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas ng room. Kinuha ko na rin ang coin purse ko. Nagugutom na ko! Ano kayang pagkain sa canteen ngayon? Kanina ko pa iniisip 'yon.

Palabas na sana ako ng mamataan sina Bryan, Dylan at Roxie na hindi umaalis sa pwesto nila. 'Yung dalawang lalaki ay pasimpleng nakatingin kay Roxie.

Hm, siguro ay may gusto sila kay Roxie? Hindi ako makasiguro dahil hindi ko naman mabasa ang isip ng dalawang lalaki.

"Wala ba kayong balak lumabas?" tanong ko sa kanila.

Royals Of Veirsaleiska Where stories live. Discover now