62: Just a kiss goodnight.

Start from the beginning
                                    

"Huwag! Huwag na huwag n'yong sasabihin!" Kinuha ko agad 'yong phone ko, nag-text agad ako kay Mama na hindi ako makakauwi. Kahit anong palusot na lang ang ginawa ko. Mas mabuti nang hindi nila alam 'yong nangyari sa 'kin. "Marky, tingin ko, kailangan na natin 'tong sabihin kay Jaydee?"

Pareho naming tiningnan ni Troy si Marky, naghihintay ng sagot niya.

"Tama, ako nang bahalang magsabi sa kanya. Mabuti pa, magpagaling ka riyan." Binuksan ko 'yong TV. Medyo masakit pa rin 'yong katawan ko pero mukhang kaya ko naman nang lumabas sa ospital bukas. May laban pa kami ng basketball, paano na lang 'yong fans ko? May naalala tuloy ako bigla.

"Troy, iabot mo nga sa 'kin 'yong salamin!" Sana mali 'yong nasa isip ko.

"Wala namang pinagbago Charles, e." Pagkaabot pa lang niya ng salamin, tiningnan ko na agad 'yong mukha ko.

"Pucha! Ang nakapakagwapo kong mukha!"

Tiningnan ko nang masama si Troy. Ito ba 'yong walang pinagbago? Hindi 'to pwede! Anong nangyari sa mukha ko? Puro pasa na. Ang layo-layo na sa napakagwapo kong mukha. Pagbabayaran talaga ng mga 'yon ang ginawa nila sa 'kin! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanila. Wala silang karapatang sirain 'yong mukha ko. Paano ako haharap bukas nito sa game namin?

Biglang bumukas nang malakas 'yong pinto.

"Ang layo-layo ko pa lang, dinig na dinig ko na 'yong boses mo! Anong problema mo, Charles?!"

Hindi ko siya pinansin, busy ako sa mukha ko. Noong lumapit siya sa kama ko, kinuha ko agad 'yong pagkaing dala niya.

"Problema ko? 'Yong mukha ko!" Tumawa siya nang malakas, napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya.

"Ngayon mo lang ba na-realize na pangit ka? Nakakatawa ka talaga." Hinawakan pa niya 'yong tiyan niya sa sobrang tawa niya. Simula pa lang talaga, alam ko nang takas siya sa mental, e.

"Iwan na nga namin kayo." Lumapit sa 'kin si Marky tsaka si Troy. "Sige, una na kami, Tanda."

"Ano? Huwag n'yo akong iwan sa baliw na babaeng 'to!"

Ngumisi lang silang dalawa sa 'kin. Alam mo na ang iniisip ng dalawang 'yon, e! Malilintikan talaga silang dalawa sa 'kin kapag nakalabas na ako roon.

"Bye, Charles!" Dumiretso sila sa pintuan tapos lumabas sila agad na tawa nang tawa.

"Huwag n'yo akong iwan sa Amazonang 'to!"

Binatukan niya ako. See? Amazona talaga.

"Ikaw, huwag ka nang mag-inarte riyan. Aalagaan na nga kita, e. Arte mo pa?"

"Sino ba kasing may sabing alagaan mo pa ako? Kaya ko naman, e."

Binatukan na naman niya ako, pisikalan talaga ang gusto niya, e.

"Ouch, ang sakit no'n, ah!"

Umupo siya sa tabi ko, nagbalat siya ng mansanas. Sasaktan niya ako tapos pinagbabalat niya ako ng mansanas? Anong trip ng babaeng 'yon?

"'Yan naman ang gusto mo, 'di ba? Sakit ng katawan? Hindi ka pa rin nagbabago."

"Nagbago na ako, ah!"

Nilagay niya 'yong mansanas sa plato sa harap ko, kinain ko na lang. Sa tingin niya sa 'kin parang hindi siya naniniwalang nagbago na ako.

"Saan banda ka nagbago?"

O! Tingnan mo na. "Mas gwapo na ako ngayon, mas macho tsaka mas attractive. Isa pa, wala na akong gusto sa 'yo."

Sana hindi ko na lang sinabi 'yon. Hindi na ulit kami nag-usap ni Serina. Pakiramdam ko, ang hirap huminga, sobrang awkward. Kada magsasalita ako, iiwas siya ng tingin sa 'kin kaya ang ending, hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Hindi naman ako seryoso ro'n sa huli kong sinabi pero ano bang pakialam niya? Buti na lang, after ten years, nagsalita na rin siya, kundi mas sumakit lang ang ulo ko.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Where stories live. Discover now