Kumuha rin kami ng picure ni Rhassel ng magkasama. Pagkatapos dinala niya ako sa isang flower shop. Bumili siya ng isang white rose na pinabalutan niya tsaka naman isang bouquet ng white roses. Tuwang-tuwa ako nung nakita ko ung mga flowers dahil ang gaganda nila. 

Nakangiti lang sa akin si Rhassel nung panahon na yon. "Bago tayo pumunta sa bahay namin, may gusto muna akong puntahan natin"

"Sige", ngumiti rin ako. 

Sumakay kami ng taxi para makarating kami sa dapat naming puntahan. Isang garden cemetery ang pinuntahan namin. Hinawakan ni Rhassel ang kamay ko tsaka kami naglakad at tumigil sa isang puntod. 

Ryouhei Villa

"Rhassel", tumingin ako sa kanya at ipinatong niya doon ang isang white rose. Umupo siya ganon na rin ako. Ang puntod ng daddy, hindi ko alam, parang nalulungkot ako at naooverwhelm dahil nakita ko na rin ang daddy niya, hindi man physical pero ganito--

"Daddy, sabi niyo dati dapat maging masaya ako lagi. Na tutulungan niyo ako at susuportahan niyo ako sa mga desisyon na gagawin ko. Dad, I made that decision that I know would made me happy, and would make you happy too. I would like to meet my girlfriend and future wife, Tanya"

"Thank you nga pala Dad for visiting Mama. Dahil sa inyo nagkaliwanagan kaming dalawa. Thank you kasi hindi mo pa rin ako pinapabayaan"

Hinawakan niya ako sa kamay, and there I cannot stop the tears of joy flowing down on my cheeks. Sobrang speechless. Ang saya. Thank you Baby. 

"I know Dad that you would like her, kasi mabait siya at naintindihan niya ako. Simula noong mawala kayo lagi nalang akong malungkot, pero dahil sa kanya naging maayos na ko. Naramdaman ko na masaya na ulit ko. She's one kind of a girl and I love her so much". Umiiyak na rin siya ng mga panahong iyon. I touched his face and wiped his tears. 

"Ah, hello po Pa. Ako po si Tanya, salamat po dahil nag-raise kayo ng anak na ganito. Sobrang saya ko po kahit na ang dami naming problemang kinahanap, kami pa rin po ang magkasama sa huli. I love your son so much po, that I am willing to spend the rest of my life with him po. Sana matanggap niyo po ako. Maraming salamat po Pa"

Rhassel hugged me while crying, hindi ko na rin napigilang umiyak noon. Sa sobrang saya ko ayoko na siyang bitiwan. Hindi ko na kaya na mawala pa siya sakin ulit. 

Humangin ng malakas at alam mo na may mabangong amoy sa hangin, parang amoy ng maraming white roses na nasa cemetery. Napangiti sa akin si Rhassel. 

"I think tanggap tayo ni Daddy", and I smiled at him too. 

Nakwento sa akin ni Rhassel na half-japanese ang daddy niya. Inaasar ko siya na 1/4 japanese siya. Pinipisil lang niya ang pisngi ko at tawa kami ng tawa sa taxi. Ang saya ko ngayong araw na ito. Sana magpatuloy pa. Sana paghinto ng taxi na ito masaya pa rin ako. 

At pagpasok namin sa malaking bahay na ito, magkasama pa rin kaming dalawa. 

"Irrashaimase, Rhassel-sama", pagbati sa amin ng butler ba nila ito. Hindi ko alam kung anong tawag sa kanya ito. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon