[47] Of V-Day Madness and Second Dates

Start from the beginning
                                    

Actually, nagulat pa nga ako sa tanong ni Tristan no'n. At first akala ko nagpapatulong siya sa 'kin kung paano yayayain si Janelle (yung classmate niya na ninakawan siya ng halik) na bumisita sa Skyline para manood ng cartoons. Ang dami ko pang pinagsasabing moves sabay ako pala ang inaaya niya sa isang Valentine's date. Muntikan ko pang sabihin na Ay sorry Mr. T, I don't believe in Valentine's kasi eh. At ikaw din, habang bata ka pa dapat namumulat ka na sa commercialism behind that stupid day.. and did you know na may Valentine's Day massacre before? kaso... he was so sooo cute that night (kasalanan 'to ng ugly sweater niya na 'di naman ugly kasi siya ang nagsuot) so I had no choice but to say yes. I'm blaming his rosy cheeks, too. And hello, sino ba namang tatanggi sa charm ni Tristan Valerio-Becker? I think Andreau should ask some tips from his younger cousin para hindi niya idaan lagi sa charm smile niyang bulok ang mga gusto niya. (Yeah, I love him pero hello that stupid smile won't get me. Charm niya mukha niya.)

Mas lumaki pa ang mga mata ni Kesh sa sinabi ko.. at tumawa ulit siya ng mas malakas. "Oh my god this is gold! Nai-imagine ko na ang mukha ni Andreau kanina! Oh my god!!"

"Mukha siguro siyang constipated na naiihi na ewan dahil sa inis," I supplied, laughing at the thought. Seriously, may ganung facial expression si Andreau pag naiinis siya or something. It was so damn cute. Another thing I love about him.

"Pero girl, iba rin talaga ang ganda mo ano? Dalawang lalaki na 'yon ha! Philip Artadi at Andreau Cortez, tinurn down mo dahil sa isang seven year old! Galawang Zades ba 'to!?"

"Hoy excuse me, Mr. T is not just a seven year old. He's a very charming seven year old-- wait a minute, si Pipo lang naman ang tinurn down ko ah! Andreau didn't ask me!"

Mas lumala pa ang pagtawa ni Kesh.. at ayun, nahulog na siya nang tuluyan sa kama niya. "And that's the reason why I'm laughing like this, girl. So hilarious."

****

The next day, I received a text from Ms. Marisse, saying na pumunta raw ako sa Skyline para tulungan si Tristan sa assignment nito sa Reading at Math. It's been a while since I tutored my favorite kid kaya excited akong bumalik sa condo nila. Nagdala pa nga ako ng favorite cupcakes ni Tristan from Cafe Feliz at isang box ng brownies for Ms. Marisse, a simple thank you para sa pagsagot sa hospital bills ni Nana. (Sorry na talaga, walang kwenta akong magthank you. Tight pa sa budget!) Pagod pa rin ako from our activity yesterday, and Kesh's laughing fit last night didn't help me rest at all.

And oh, I didn't receive any texts from Andreau last night. Talagang nagtampo na ata siya sa 'kin. What a dramaqueen. Bahala na talaga siya.

"Mr. T! I'm he--"

Natigilan ako sa may pinto nang makita ko ang ganap: nakaupo si Ms. Marisse sa sofa, nagpipigil ng tawa; sitting beside her was Tristan with a smug look on his face (na super cute on him); si Mars naman sa sahig nakaupo, gumugulong na sa kakatawa, at... oh. Andreau's here, seated on the armchair opposite of the sofa.. and he seemed super pissed off or something. Kunot na kunot ang noo niya eh, a sure sign of Annoyed!Andreau.

Lahat sila napatingin sa 'kin. Well.. that was awkward. "Uhh.. is this a bad time?" I asked cautiously. "Family matters ba 'to? I could wait outsi--"

"Naku, don't mind us, Zades! Come in!" Ms. Marisse motioned me to go inside, still suppressing that laugh. From the corner of my eye I saw Andreau tensed, clenching his jaw. Ba't ba ang init ng ulo nito?

At dahil ayaw kong mapagbuntunan ng galit ni Andreau, sa tabi ako ni Tristan umupo. I swear I saw him scowl at me for no reason. "Hoy Francisco, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. He didn't answer so I tried again. "Masama ba gising mo? Are you sick?"

"Naku teh, wag mo nang pansinin yan!" natatawang singit ni Mars. "Pabayaan mo nang magdrama yang baby ko. Minsan lang ma-HB yan." To my surprise, binato siya ni Andreau ng isang pack ng M&Ms, at imbis magalit, mas tumawa pa siya. "Ay grabe ka Andreau ha! OA mo na! Where is the lie ba sa sinabi ko? Wala naman ah!"

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now