“Natural nasa audit ako eh. Mahirap bang intindihin yun? Bakit ikaw, madalas ka rin namang ginagawi sa clinic mo ha. May kasama ka pang dentist dun.”- yun oh sabihan na ng mga ‘bakit ikaw’ na tanong. Tsk.
Katahimikan. Pareho silang nag iisip ng magandang banat. Banat para magsorry sa isat isa sa mga pinagsasasabi nila. Nagsisisi na si ANghel sa mga sinabi nya.. Yun oh, bilis lng mag switch ng mood nya. Di naman kasi nya matitiis ang mahal nya eh. tsk.. Kaso nga lang biglang nagsalita si Zarren..Bumanat pa.. nakakawindang na banat lang..
"May, may gusto sana kong sabihin.."
“Nu yun?”
“Sa- sa trabaho ko. Kasi, ahm, pwede sigurong next month nalang tayo magpakasal?”
“Ano??Bakit? Umuurong ka nab a?”- Anghel, muntik na mapamura pero pinigil nya pa rin.
“Kasi ano eh. May malaking opportunity lang na dumating sakin. Bale, kasi candidate ako na maging head auditor samin, kaso kelangan muna umattend ng mga seminars, sa main multicompay sa Guam. Bale one month lang naman kasi on trial pa. Sayang kasi ang—“
“Aalis ka? Iiwan mo ko?”-Anghel, emo ulit.
“one month lang naman eh.”
“So hindi na tuloy ang kasal?”
“Tuloy. One month nga lang. Intindihin mo naman please. Minsan lang tong gantong klaseng opportunity.”
“Minsan? Bakit yung kasal natin, minsan lang rin naman to ah. Uunahin mo pa yan kesa sa kasal natin?”
“Mahal ko. Please naman.”
Tumulo na luha ni Anghel sa part na to. Di na nya napigil eh.. Badtrip na Zarren yan. Kung kelan maayos na ang lahat eh..
“Mahal na mahal kita Zarren alam mo yan. Lahat kayang kaya kong intindihin pero yan, yang pag urong mo sa kasal, parang hindi ko kaya.”- hikbi hikbi.. waaaah, kawawa naman si anghel. Tsk.
“Mahal ko, hindi naman to pag urong eh. Madedelay lang. Please.”- may luha na rin si Zarren dito.
Katahimikan ulit habang lumuluha si Anghel…Damang dama lang. Se naman syempre diba, excited kaya sya masyado tas ganon nalang yun, uurong nalang bigla bigla.. Hay...
Hanggang sa nagpasensya nalang muna ang bida natin...
"One month lang ah."-Anghel di lang matiis si Zarren.
"Talaga?Promise one month lang."- salbahe talaga tong si Zarren eh noh. kita na ngang malungkot si Anghel eh..
"Sige. Lam mo namang mahal na mahal kita eh.."-Anghel
"Thank you mahal ko.."
Waaah. Bakit ka pumayag Anghel?? Masamang desisyon yan. Di mo ba alam na jan nagsisimula ang labuan ng magsing irog. Sa pa postpone postpone na yan. Tsk tsk.. Hay, grabeng pagmamahal naman yan kay Zarren oh. Kung ako sayo, iwan mo na yan.. Lipat ka na sakin. hehe may masamang balak lang..
Yun nga, so bale change date na sila.. Usog session muna. Walang hiyang Zarren na yan, naatim lang na saktan ang damdamin ng martir nating dentist. Ginulo lang naman nya ang magandang story neto.. Well, wala naman akong magagawa kung yun ang desisyon nila diba. SIla na mismo nagkasundo nun. Labas na ko jan. Nananahimik ako dito eh.. Tsk....
Eto na.. Setting ulit: Sa bahay ni Anghel. Ilang oras matapos nyang ihatid si Zarren sa airport...
"Tol, ok lang yan. Isang bwan lang eh. Wag ka masyadong emo. Iinom mo nalang yan."-Nathan habang may hawak na isang bote ng beer.
"Oo nga pre. Buti pa mambabae nalang tayo. Tara."-Clark
"Nice idea pareng Clark. Namiss ko talaga ang pag iisip mong yan. Hehe. Tara."- Nathan ulit. Umeepal pa. Nakikiuso na rin kay Clark sa pambababae.
"Tigilan nyo kong dalawa kayo ah. Hihintayin ko si Zarren kahit anong mangyari. Di madudungisan ang katawan ko."- waaaaah. Me ganonun pa? tsk..
"Wahahah! OA mo tol. Kami na nga lang ni Clark."-Nathan.
"Pero syempre mamaya nalang. Dadamayan ka muna namin ni Nathan. Diba pareng Jam"-waaaah, bakit may kindat factor pa tong si Clark kay Jam ah. Mukhang me masamang balak lang.
"Mga baliw. Kita nyo na ngang depressed tong isang to eh. Nakuha nyo pang magsuggest mambabae. Loyal kaya tong si Anghel kay Zarren."-Jam bitter lang.
"Wuuuh, geh sabi mo eh."-Clark
Inuman session with pareng Clark, Nathan at Jam.. Mejo marami rami rin silang napagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay ng bawat isa..Madalas topic babae eh iniiwasan pa naman ni Anghel matukso, ngayon pang malapit na syang ikasal.. Tsk, yari kasi sya pag nagkataon diba.. Yun nga, ang haba ng gabi.. Hanggang sa tuluyan na silang malasing....
Matira matibay sa tagayan.. Hay, talagang tinodo ni Anghel ang paglalasing. Sobrang nasaktan talaga sya sa desisyon ni Zarren. Pakiramdam nya parang di na binigyan ng halaga ni Zarren yung kasal nila.. Pero kahit nag extend ng one month, wala naman syang magagawa diba. Kesa naman wag matuloy edi minabuti na nyang iurong ng isang buwan. Tsk, takot lang nyang mawala si Zarren sa buhay niya...
Yun nga.. Madilim ang paligid. Halos wala na si Anghel sa katinuan..Di na nya alam nangyayari sa paligid nya. Parang may sarili na syang mundo sa panaginip nya...Lasing na lasing na sya. Di tuloy niya namalayang umalis sila Nathan at Clark. Mukhang tinotoo nga nila ang balak nilang mambabae. Yun.. Mejo masagwa nga lang ang itsura nila ni Jam.. Waaaah, bakit, nu itsura? Tsk, wag nyo na itanong kasi baka madisappoint lang kayo.. Kasi ganto yon,, sa sahig.. waaaaah, halos magkadagan lang sila sa sobrang kalasingan... tsk, mga lapastangan.. Pero in fairness diba wala namang malisya yun. Magkaibigan naman sila diba.. Pero kahit na noh, babae si Jam, lalake sya. pano kung may mangyari diba?? Tsk, sabay sabay po tayong magdasal na sana wala... Huhu, yari na. Lalong gugulo pag nagkataon...
Saktong alas dose ng hatinggabi.. Ang himbing pa rin ng tulog ng dalawa.. Kanina pa may tawag nang tawag sa labas... Parang kapit bahay na manghihingi lang ng ulam. Hehe. Sino kaya. Hay..
Sa labas ng bahay.. Excited na syang pumasok sa pinto.. Nagmamadali syang kinuha ang susing naalala nyang binigay sa kanya ni ANghel...Saktong nabuksan nya ang gate, sinunod nya ang front door.. Gusto sana nyang isurprise si Anghel sa pagbabago ng desisyon nya.. Di nya kayang tiising mawala sa paningin niya ang anghel nya. Isa, dalawa, tatlong hingang malalalim, sisigaw na sana sya ng "surprise mahal ko!", kaso nga lang... iba ang nakita nya.....
(waaaaaaah! Zarren, cool ka lang. wag kang padadaya sa nakikita mo. let him explain!)
-freeze-
VOUS LISEZ
It Started with a 'K' (from A to Z)
ComédieMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 14: kung pde nga lang wala tong chapter na to eh.. tsk
Depuis le début
