Chapter 14: kung pde nga lang wala tong chapter na to eh.. tsk

Start from the beginning
                                        

“Kahit ano? Zarren, kasal natin to tas kahit ano lang? ensaymada gusto mo? Pucha naman oh.”

“Wag mo naman akong sigawan. Ibig kong sabihin, kung ano ang pipiliin mo, ok sakin. Ikaw naman yan eh.”

“Ah ganon. So ganon nalang ba yun. Zarren cake to. Di mo ba alam na special satin ang cake. Hirap naman nito oh. Parang ako lang gusto magpakasal dito ah.”

“Bat ba ang drama mo. Para cake lang eh. Sige na, bababa ko na. May meeting pa kami eh.”

Tooot. Sabay end lang ni A nghel ng call. Tsk tsk.. Anong nangyayari mga balbon. First time ever sa tagpong ito ang mga gantong pangyayari ah.. Sigawan sa phone? Dahil sa cake? Hay, siguro nga masyadong OA si ANghel.. Pero diba, may point din naman sya eh. Consistent lang talaga sya sa pagiging sweet nya kay Zarren. Pero si Zarren, bat ganon. Tsk. May something talaga sa kanya. Dapat nating tuklasin yan.. Well, tignan nalang natin ang part ni Zarren bago pa natin sya husgahan na isa syang maarte, bwiset, at epal na girlfriend.

Setting: Sa office habang kausap niya ang best friend niyang si Scarlet..

“Ok ka lang Zarren? Kumain ka na ba? Wag mo na masyadong isipin yun.”-Scarlet (ang alin?,nu ba yan kelangan ko malaman kung anuman yan at nang matimbre kay Anghel)

“Ang hirap eh..Parang di ko kayang sabihin kay ANghel. Nag-guilty ako araw-araw.”

“Hay, sabihin mo na kasi para mabawasan na yang bigat sa puso mo.”-Scarlet, di lang mawari kung nagpapagaan ng pakiramdam oh sadyang  may masabi lang. hehe

“Hayyy. Bakit ba kasi ang bilis ng araw.. ten days nalang pala kakasal na ko.. Ano kaya kung sa huwes muna. Tingin mo?”

“Weh, sayang naman ang preparations nyo. Ipo-postpone nyo lang naman diba, after  one month pwede nyo na ituloy. Sabihin mo na kasi, hindi yung pag araw na ng kasal dun pa nya malalaman diba. Mas masakit yun.”

“Naku naman kasi eh. Pero sa bagay.. Sige. Pupuntahan ko nalang sya..”

Yun oh.. Direcho sa sa bahay ni ANghel. Mahirap na. kelangan nyang makipagbati eh. At isa pa kelangan din nyang magpaliwanag ng mga bagay-bagay sa anghel niya.. Yun, sa gate palang tanaw na nya si Anghel. May hawak lang ng bote ng beer..Napakagat labi sya nung makitang naglalasing to ng dahil sa kanya.. Waaah, kasalanan talaga niya diba.. Kung ako sa kanya takbuhin na nya sabay sugurin ng akap para matapos na. tsk.

Yun, lumapit sya. Kahit nakita na sya ni ANghel, di pa rin sya pinansin. Tuloy pa rin ang pag inom ng beer.

“Mahal ko..”-Zarren.

Walang sagot si ANghel. Inom lang ng inom. Parang lactum lang. hehe

“Kausapin mo naman ako. Sorry na.”-Zarren paamong tupa effect lang.

“Kala ko may meeting ka?”- weh, anghel tampo mode.

"Tinapos ko na po galit ka eh."

“Galit talaga ko.”

“Weh. Sorry na po.”

“Ano ba kasing problema Zarren? Hirap sayo parang nawawalan ka na ng gana sa kasal eh. Una, yung wedding ring natin, ako na nga pumili nun eh. Tas ngayon naman yung cake. Di lang basta cake yun Zarren. Importante sakin, sa’tin ang cake na yun.”-Anghel emo mode. May papatak pa nga atang luha eh, umurong lang.

“Hindi mo kasi naiintindihan eh. Sobrang dami kong ginagawa sa work. Ikaw na nga lang yung inaasahan kong makakaintindi sakin eh. Tas kaw pa tong hindi makaintindi.”

“AKo? AKo hindi makaintindi? Zarren lagi kitang iniintindi. Lahat nagiging problema sa relasyon natin dahil sayo eh. Lagi kang busy. Kung san san ka nga pumupunta eh.”

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now