Chapter 1

28.1K 633 9
                                    

Chapter One

Herxhiene
(/Her/-/shi/-/yēn/)


"Uuwi pa ba ako?" tanong ko sa sarili ko ng marinig na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase.

Sa sobrang sungit ni tita Gina ay nagdadalawang isip ako hanggang ngayon kung uuwi pa ba ako. Pero wala naman akong ibang mapupuntahan.

Five hundred sixty nine.

Nakatayo ako sa tapat ng pinto ng bahay. Five hundred seventy steps kung papasok na ako. Papasok ba ako o dito na lang sa labas?

Pero hindi pa ko nakakapag desisyon nang biglang bumukas ang pinto.

"Herxhiene!!!" gigil na sigaw niya sa pangalan ko ng makita ako.

"LATE KA NA NAMAN NG UWI! SIX THIRTY NA! ABA! ABA! WALA KA NA NGANG NAITUTULONG DITO SA BAHAY KO! MAGPAPAGABI KA PA NG UWI! PUMASOK KA NA AT LINISAN MO ANG KWARTO NI SAMANTHA! BILIS!!! KUPAD KUPAD!!!" sermon ni Tita Gina.

Iyan ang dahilan kung bakit ayokong umuwi. Pagpasok na pagpasok palang sisermonan na agad ako at kasunod yung utos. Pero wala naman akong magawa nakikitira at pinag-aaral niya ko. 'Yung mga magulang ko kasi walang pakialam sakin. Hindi ko nga alam kung nasaan sila ang sabi sakin ni Tita Gina kapatid niya ang mama ko at hindi niya pa namimeet si papa kahit kailan.

"HOY! HERXHIENE! NAKIKINIG KA BA?"

Ito talagang si tita Gina kahit kailan talaga ay laging nakasigaw sa akin. Nakakabingi kaya boses niya.

"Opo." sagot ko nalang. Baka kapag hinabaan ko pa ang sagot ko ay masaktan na niya ako. Pero, buti nalang ay hindi pa umaabot sa ganon ang trato niya sa akin.

"Tss. Kupad kumilos. O, siya, bibili ako ng kailangan ni Sam. Ilock mo yung pinto at gate. Kapag tayo ay nalooban, ikaw ang malalagot sa akin!"

Naku po! Parang may manloloob naman niyan sa amin. Hindi naman po kayo mayaman tita. Haha!

"Opo,"

Ang dami ng nasa isip ko na gustong sabihin pero mabuti nalang at napipigilan ko ang bibig ko.

Umalis na si tita Gina at lahat ng sinabi niya sinunod ko. Ngayong lilinisin ko naman yung kwarto na sinabi ni Tita Gina.

"Ako na maglilinis ng kwarto ko." makulit na sabi ni Samantha Gayle Fuentes.

Siya ang nag-iisang anak ni Tita Gina pero iba sila ng ugali. Si Tita Gina masungit at laging nakasigaw. Si Samantha naman mabait at makulit.

"Samantha, alam mo namang mapapagalitan ako ni tita kapag hindi ako ang naglinis ng kwarto mo, eh."

Sumimangot siya, "Sige na nga! Pero tutulungan na kita."

Kapag kausap ko si Sam para akong nakikipag usap sa grade 1 sa sobrang kulit. Pero minsan ay matured naman siya kumilos. Minsan.

"Hindi na kailangan, Sam. Hindi ba nilinis ko na naman 'yan kahapon."
sabi ko pero yumuko lang siya.

Binuksan ko ang doorknob at halos malaglag na yung panga ko sa semento sa sobrang pagkanganga.

Nanlulumo ako ng makita ang mga kalat ni Samantha. Kulang na lang ay magpapasok ako ng dump truck para sila na ang kumuha.

"Tulungan na kita! Ako na mag-aayos ng kama. Ikaw nalang ang magwalis!"

May pagkatamad din tong si Samantha sa paglilinis. Palibhasa ay ini spoiled ni tita.

"Ako nalang Samantha." ngumiti ako para hindi na siya makipagtalo.

Tumango nalang siya at umupo sa study table niya. At ako naman ay nagsimula na kong maglinis.

Inuna kong pulutin ang mga kalat at inilagay ko sa trashcan niya. Pinunasan ko rin ang mga vanity table niya pati ang desktop. Bago ako nagwalis. Wala namang gaanong alikabok puro papel at balat ng chichirya lang naman ang dinakot ko.

After few minutes natapos na ko sa paglilinis ng kwarto ni Sam.

Nag inat inat ako dahil biglang sakit ng likod ko. Ang init pa!

"Samantha yung basura mo, sa trashcan mo itapon, ha?" bilin ko. Pero alam kong hindi niya rin naman susundin.

"Aye aye! Captain!" sabi niya at nag salute pa sakin.

Lumabas nako ng kwarto ni Sam at dumiretso sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ay magluluto naman ako sa kusina.

Kung ano lang ang hinanda ni tita na gagamitin ko ay 'yun lang ang lulutuin ko. Mabilis na naluto ang curry at ang kanin. Bumaba na rin si Samantha. Hindi na niya hinintay si tita dahil marami pa raw siyang gagawin kaya ako ang pinasabay niyang kumain.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng hinipan ang mga takas na buhok. Nakakainis.
Pinunasan ko ang kamay ko ng matapos na ako sa paghuhugas ng plato.

Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng biglang may mag doorbell.

Sino na naman kaya 'yon? Baka may nangtitrip na naman.

Hindi ko nalang sana papansinin pero may dinamihan pa ang pagpindot sa doorbell. Sunod sunod at parang inip na inip.

Sino ba yun ang lakas talaga ng trip?

Napairap ako sa kawalan at kahit kinakaban ay lumabas ako para tignan kung sino 'yon. Inihanda ko na rin ang sasabihin ko kung sakali mang nantitrip na naman. Para madala. Nakakaistorbo parang ngayon lang naka experience ng doorbell.

Pag bukas ko ng gate...

"ANO BA? DOORBELL NG DO... tita?"

Shit! Nanlaki ang mata ko ng makitang umuusok na ang ilong ni tita Gina.

"ABA! ABA! MALDITA KA NANG BABAE KA! GUSTO MO NA ATANG MAPALAYAS DITO! BAKIT? MAY MAIPAGMAMALAKI KA NA HA?"

"Tita, sorry po. Akala ko kasi nanti trip lang. Sorry po talaga!" napayuko at kinagat ang ibabang labi. Handa na akong tanggapin ang susunod niyang sermon.

"MARAMING NAMAMATAY SA MALING AKALA! IYANG KABOBOHAN MO, MANA KA SA NANAY MO! PUTRAGIS. DALHIN MO 'TO SA KWARTO NI SAMANTHA!"

Halos matabunan ang mukha ko sa dami ng plastic at paper bags na inabot niya sa akin. Hinintay ko siyang matapos sa pagla lock ng gate para masabayan siya sa pagpasok sa bahay. Dahil 'yon ang gusto niya lagi.

"Tita, kumain na po kayo. Nagluto na po ako." sabi ko.

"Kakain ako kahit hindi mo sabihin! Si Samantha ba kumain na?"

Sungit talaga ni tita sakin mapangbara pa. Hindi naman 'yon nakakaganda.

"Opo, katatapos lang po niya."

"Tch. Wala ka namang balak panoorin ako kumain, 'di ba? Tsaka ang sabi ko dalhin mo na 'yan sa kwarto ni Sam."

"Opo. Iaakyat na po. Good night na rin po, tita."

Tumango lang sakin siya kaya umakyat na ko. Hinatid ko na muna ang supplies ni Samantha. Naabutan ko siyang nanonood habang kumakain ng chips. Nag uumpisa na naman ang pagkakalat niya. Nilapag ko nalang sa gilid ng kama niya ang mga pinapabigay ni tita at lumabas na.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Kailangan ko ng magpahinga. Bukas sigurado akong mahaba habang araw na naman.

Good night, self.

Ipinikit ko na ang mga mata ko. Hanggang sa yakapin ako ng dilim.

Royals Of Veirsaleiska Where stories live. Discover now