“Talaga? Mahal mo ako? Naks naman….” Nakangiting sabi ni Thomas.

“H-ha? Sinabi ko ba ‘yun?” Pagmaang-maangan ko.

“Dinig na dinig ko eh. Sabi mo hindi mo ako sasaktan kasi mahal mo ako.” Abot-tengang ngiti ni Thomas. Shocks! Nahuli niya talaga ang sinabi ko.

“H-hindi ka galit?” Gosh, nauutal na ako. Dahil ba ito sa kilig?

“Ba’t naman ako magagalit? Syempre, mahal rin kita bestfriend!” Niyakap pa ako ni Thomas. Kahit alam kong bilang kaibigan lang ‘yun, masaya na rin ako dahil at least, pinapahalagahan niya ako.

“Ikaw talaga. Magde-deny ka pa tapos aaminin mo rin naman na mahal mo ako.” Kinurot-kurot ni Thomas ang pisngi ko kaya pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya.

“Tigilan mo nga ang mukha ko! Ang feeler mo talaga! Isa pa, hindi kita bestfiend noh? Si Mika lang yata ang nag-iisa kong bestfriend.”

“Pwes ako ang iyong guy bestfriend! Tara, i-lilibre kita! Unang-una, dahil ikaw ang naging dahilan para sa muli naming pagkakamabutihan ni Arra… at pangalawa, dahil gusto kong bumawi kasi naging masyado akong busy these past few days.” Offer sa’kin ni Thomas. Ako naman itong si tanga, agad na pumayag.

Dahil pareho pa kaming may klase at ako naman ay may training pa sa hapon, dinala niya ako sa isang restaurant na malapit lang sa La Salle. Medyo maaga pa nang pumasok kami sa restaurant kaya konti pa lang ang mga tao doon.

“So kumusta naman ang pang-haharana mo kay Arra?” Ayoko sanang tanungin ‘yun pero gusto ko pa ring malaman ang mga pangyayari sa buhay ni Thomas.

“It went beyond my expectations!” Masayang pahayag ni Thomas. Kahit papano, may maliit na boses pa rin ang nagsasabi sa’kin na sana’y pumalpak si Thomas pero mali pala ako.

“Elaborate.” Syempre, ano pa ba ang dapat kong i-sagot? Bestfriend lang naman ako di ba? Friendzoned? Sana hindi niya ituloy… sana sasabihin niyang sa ibang araw na lang.

“Okay! Ganito ang nangyari…” Fine. No choice. Makikinig na lang ako kung paano kinilig si Arra sa boses ni Thomas.

“Gaya nung ginawa ko sa’yo, kinantahan ko nga siya ng Especially for You sa loob ng kanyang hospital room. Habang ginagawa ko yun, syempre titig na titig ako sa kanyang mga mata para malaman niyang sincere na sincere ako sa aking nararamdaman…” Habang nakikinig ako, hindi ko mapigilan ang i-imagine ang aking sarili na ako ‘yung kinakantahan ni Thomas.

“Grabe, binuhos ko talaga lahat ng nararamdaman ko sa awiting ‘yun. Halos maluha-luha na nga si Arra habang nakikinig siya sa’kin. Nang matapos ang kanta, sinabi ko agad kay Arra na mahal na mahal ko siya. Na sana’y tanggapin niya ulit ako para maging boyfriend dahil willing akong suportahan siya kahit anong mangyari… I really poured my heart out to her.” Ang sakit! Nung sinabi kong i-elaborate, hindi ganun ang ibig kong sabihin. Yung major information lang. Ba’t naman sinali pa ni Thomas ang lahat-lahat hanggang sa mga maliit na detalye? Oh ayan Victonara! ‘Yan ang napapala mo sa pagpapakatanga mo. Hindi ako pwedeng umiyak, nag-promise na ako sa aking sarili na ang pag-iyak ko sa may tulay habang umuulan ang huling beses na iiyakan ko si Thomas.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon