60 "This is the day"

38.3K 582 19
                                                  

60

"This is the day"



CLIFF'S POV

Darn! Humarap ako sa salamin para kausapin ang sarili ko. What am I doing? Aattend ako sa kasal ng taong mahal ko? Am I crazy?

Yes you're crazy Cliff! Bakit hindi ka kasi makatanggi kay Torrence. I poked myself several times.

******flashback*******

"Please Cliff sana pumunta ka sa kasal namin. Alam mo namang mahalaga sa'kin ang araw na yun at gusto ko lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko nandun." Sabi ni Torrence sa phone the day before the wedding.

What the heck. Gusto nya ba talaga akong patayin?

"Are you still there?" tanong nya

"Yeah. I'm still here." Yun lang ang nasabi ko dahil busy ako sa pagiisip kung ano ba dapat talaga ang gagawin ko.

"So I consider that as a yes." Biglang sumigla yung boses ni Torrence.

Ugh! She's not giving me any options. Tapos yes agad.

"Thank you Cliff." At ibinaba na nya ang phone.

******end of flashback********

Stupid Cliff. Now be a man at tuparin mo ang promise na yan.

TORRENCE'S POV

Hindi ako nakatulog. Masyado ata akong excited. Anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan at 6:00 na pala ng umaga.

Nagmadali akong bumangon para silipin si Tonsi sa room nya pero walang tao.

"Oh you're awake. Magbreakfast ka na at maligo para maayusan ka na." nakangiting sabi ni tita na nakarobe at hair cap.

Yung totoo? Hindi naman sya masyadong excited. Anong oras palang oh tapos nag-aayos na sya.

"Ah tita where's Tonsi?" I'm not that excited. I just wanna see him.

"Oh no dear. Bawal magkita ang bride and groom on wedding day. So dun muna sya sa bahay nya nagstay. But don't worry, hindi ka nun iindianin." Then tumawa sya ng tumawa.

Alam ko namang dadating sya. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

After kong kumain naligo na ako. Then dumating na yung make up artist. Nakita ko yung wedding gown ko na bawal daw isukat in advance so I don't know kung sakto ba 'to sa'kin or not. Ang simple lang. Honestly I don't know how to describe a gown like that. Hindi kasi ako mahilig sa kung anu-anong mga damit. Shirt and jeans lang okay na ako.

Tik tok! Tik tok! Tik tok!

Bakit parang wala kong ibang naririnig kundi yung orasan? Dati naman hindi ko alam na may orasan pala dito dahil hindi ko naririnig, tapos ngayon every second halos mabingi na ako. Tiningnan ko ang phone ko hindi man lang ako nagawang itext ni Tonsi. Lokong yun ah, masyadong nagpapamiss.

"Kinakabahan po ba kayo?" tanong nung nag-aayos sa'kin.

"Medyo. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko." Sagot ko sa nag-aayos sa'kin. Kasi hindi ko talaga alam. Para akong nasusuka na nahihilo na nagugutom na natatae.

"Okay lang yan. Ganyan talaga ang mga bride. I'm sure pati yung groom mo hindi mapakali ngayon." Then she smiled.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung may makausap ako.

Tama kaya si ate. Kinakabahan din kaya s Tonsi?

TONSI'S POV

Langya! Di ako nakatulog. Paano ba naman pinagpantasyahan ko magdamag si Torrence. Honey moon agad ang naisip ko. Ilang beses na kasi kaming naudlot. Kung anu-ano na ang naisip ko na gagawin sa first night namin together. Nagresearch na nga din ako para alam ko kung paano sya masasatisfy.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon