♔ Chapter 2 ♔

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ako, okey? Do I look like fine?

Tapos hindi mo man lang dinampot ang cellphone ko, YOU DAMN ASSHOLE

"Ang masaklap pa, hindi ka pa nag SORRY!” Ang sabi ko.

Biglang tumawa yung nakabunggo sa akin. Wow ha, may gana pang tumawa.

“Ayy, Sorry miss. Ako nga pala si James Clifford. Nice to meet you.” Ang sabi nya sabay abot mg cellphone ko.

“Hindi ko tinatanong yung pangalan mo, besides anong gagawin ko sa name mo? Tss” Ang sabi ko. Hahaha. Tinalikuran ko sya at dumiretso sa pupuntahan ko.

Bakit ganun?  Umpisa pa lang ng araw ko dito, minamalas agad ako. Mommy please balik na tayong states

“Bakit nasa labas pa kayo? Hindi nyo ba mahanap ang classroom nyo?" 

Aba! Saan naman nanggaling ang boses na yun? 

I look around and found a fat teacher near the library.

Hay salamat. Hulog siya ng langit.

Nung marinig ko ang sinabi nya ay pumunta ako papunta sa teacher para magpa tulong. Nasa likod ko yung lalaking bumunggo sa akin, si James.

Nandito pa siya ah. Sinusundan niya ba ako.

At bigla kaming tinanong nung teacher kung ano ang pangalan namin.

“Samantha C. Pangilinan po.” ang sabi ko.

“James C. Clifford po.” Ang sabi niya.

Iyan yung pangalan nung baliw na naka bunggo sa akin.

Mga limang minuto ang lumipas ng biglang nagsalita yung teacher.

“Kayong dalawa ay pumunta sa 1st floor, hanapin nyo ang classroom ng 1st Year College – Class B” ang sabi ng guro.

WHAT? IBIG SABIHIN NUN MAGKAKLASE PA KAMI? NO NO NO NO

At pagkatapos nyang sabihin yun ay nagpasalamat kami at dumiretso na kami papuntang 1st floor.

Nakakainis talaga, kasama ko yung stranger na bumunggo sa akin na tinawaan pa ako dahil tumalsik ang phone ko, ang masaklap pa eh mukhang magiging kaklase ko siya.

Mga limang minuto rin kaming hindi naguusap habang naglalakad.

Salamat sa Diyos! Natagpuan na rin naming ang classroom namin. Ito pa ang masaklap, magkaklase nga kami at nang pumasok kami sa classroom ay may natitirang dalawang magkatabing upuan na sakto para sa amin. At kahit ayaw ko syang katabi ay tiniis ko na lang.

Uwian na. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil marami pa akong bibilhin sa mall na kailangan sa school. Pero bago muna ako umuwi ay lagi akong bumababa sa Mcdo upang kumain.

Nakakainis, ang haba haba ng pila pero dahil kumukulo na ang tiyan ko ay kailangan kong tiisin ang ganong kahabang pila. Mga 1 hour ata akong nakatayo dun pero joke lang yun, mga sampung minuto lang naman.

At sa wakas ako na yung susunod.

Naka order na ako ng kakainin ko, pero kailangan ko pang intayin kaya naghanap muna ako ng mauupuan.

Wala ng bakanteng upuan sa 1st floor kaya naisipan kong umakyat sa 2nd floor.

Mabuti naman at may bakanteng mesa para sa akin. Umupo na ako upang hintayin ang inorder ko.

Dumating na ang inorder ko at nagsimula akong kumain.

Malapit na akong matapos kumain, at habang umiinom ako ay nakaramdam ako ng something na nakatingin sa akin.

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon