“grabe naman muntik na tayo dun a!natulala nga ako!kasi baka magsalita si katrina e,mabuking pa tayo!buti hindi ka lumabas ng cr agad!”-therese

“oo nga!ano bakit naman napasok pa dito sa loob ng office yun?”-me

“at eto pa best!may kasamang wafu si alliana!mukha syang artista!jowa siguro yun!kawawa naman si fafa dwight!”=therese

si katrina naman lipat lipat lang ng tingin samin..hindi sya makarelate e.hihi

“best!may idea ako!”-me

“ano yun best?mukhang brilliant idea yan ha!”-therese

“ang gawin natin....kumain muna tayo kasi gutom na gutom na ko!”

natawa si katrina tapos sumimangot naman si therese.

bright naman talaga yung idea ko diba?anong masama dun?

natagalan pa kaming makaalis kasi si alliana dami pang sinasabi kay hanna e!gutom na gutom na tuloy ako sobra!

naglakad nalang kami kasi may malapit na fast food naman malapit sa boutique e..tapos etong si therese mukhang dwight hay nako..

“alam mo best kawawa talaga si dwight no?”-therese

“.....”-me

“kung ako sakanya,kakalimutan ko na si alliana!hindi naman na sya mahal nun e!”-therese

“....”-me

“ang sama pa ng ugali nung alliana!hindi sila bagay best!sakin bagay si dwight!”-therese

ok naiinis na talaga ko!

“alam mo best,ano bang nakita mo sa dwight na yan?e hahabol habol nga sya sa alliana na yun kahit masama ang ugali nun!”-me

natigil naman si therese.nasa harap n pla kami ng pinto ng foodchain.

“atsaka ang tanga tanga nya kasi kahit gwapo sya,niloloko na nga sya ni alliana hindi pa rin nya alam!”-me

“says who?”

nagulat ako..paglingon ko si dwight naglalakad kasama yung roi..

nataranta ko.

“sya!sabi nya!”tinuro ko yung mascot ni jollibee..nagsasayaw kasi sa may pinto ng jollibee..parang nag aaya ng customers para kumain dun..

nung tinuro ko yung mascot umiling naman sya..ayaw magsalita.sabagay mascot nga e..

pagtingin ko ulit kay dwight nakakunot ang noo.salubong ang kilay..nakuuuu...ano bang sinabi ko?

T^T huhuhuh masama ba ang sinabi ko?

“prove to me na niloloko lang ako ni alliana!”-pasigaw na sabi ni dwight

nye?bat ko kailangan patunayan?bat ako nasali sa usapang to?huhuhu..

tinignan ko si therese pero umiwas sya ng tingin..huhuhu..hindi nya ko matutulungan..si dwight kasi to e..tameme si therese pagdating kay dwight.

“ano bat di ka makasagot?baka naman sinisiraan mo lang si alliana kasi naiinggit ka skanya?naiinggit ka ba dahil crush mo ko?”-pang-aasar ni dwight

nasaktan ako sa sinabi nya..hindi naman ako naninira a.hindi ko naman akalaing maririnig nya yung sinabi ko,at higit sa lahat hindi ako naiinggit kay alliana!

pinigilan ko yung luhang gustong pumatak..napapahiya na ko sobra!at wala ko magawa.hindi ko alam ang gagawin ko..

“tandaan mo ha.prove to me na niloloko lang ako ni alliana”-dwight

naglakad na sya paalis..pero yung kaibigan nyang si roi,hinila si jolibee at tinabi sakin..

“uy bagay kayo o!ahahahah”-roi

tapos umalis na sya at sinundan si dwight.

“best ok ka lang ba?”-therese

umiling lang ako..sino bang magiging ok pagkatapos ng nangyari?

“tara pasok na tayo..gutom ka diba?”-therese

oo nga pala gutom na ko..

pumasok na kami at kumain ako ng madami!gutom ako e!saka ko nalang iisipin yang si dwight!buti hindi naman nagtanong si therese tungkol sa sinabi ni dwight na crush ko sya...hay..

___________

daming vote a..sana ganyan lagi!salamat!!

Revenge Ni Miss PiggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon