Prologue

32.6K 1K 150
                                    


Prologue


Dalawang taon ang nakalipas matapos ang nangyaring pagbagsak ng buong sanghay ng Kronus sa buong mundo. Akala ng lahat ay doon na magtatapos ang mga maling gawain nito ngunit nagulat sila sa dahan dahang pag-angat ng bagong Kronus na ngayon ay pinamumunuan ni Colonel. Hindi na Kronus ang tawag sa bagong sibol na organisasyon.


Hindi man lantarang mapangalan na siya ang may gawa ng mga iyon ngunit alam ng Skylark ang pawang katotohanan. Itinuturing parin ng Skylark na dark age ang kasalukayang mundo.


Hindi sila tumigil sa paghahanap ng mga posibleng pwedeng pagtaguan ni Colonel ngunit sadyang matalino at matinik ito.


"Si Colonel ang nagbibigay ng supply sa mga rebelde sa Middle East. Nagpadala na tayo ng mga tauhan upang alamin ang lahat ng tungkol doon pero hindi parin natin nalaman na kung saan siya nagtatago. Gusto niya talagang magsimula ng malakihang digmaan sa pagitan ng mga bansa."


Paliwanag ni Lt. Col. Cloud sa harap ni Gen. Hawk at ng buong mataas na opisyal ng Skylark sa isang close door meeting.


Bakas ang panghihinayang sa mga mukha nila dahil sa sinabi ni Lt. Cloud.


"May isa pa tayong problema. Lahat ng magagaling nating mga teacher at trainer sa Skylark Academy ay binigyan ng kanya kanyang mission. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng tao upang tumulong sa paghubog ng mga bagong agents." Si Lt. Col. Shadow siya ang namamahala sa training at education ng Skylark Agnets.


"Ang tanging nagpresinta na magturo pansamantala sa Academy ay ang Angels at si Ms. Larsen ng ZelleCrow." Dagdag pa niya.


"May nahanap na akong taong tao para punan ng problema natin sa Academy. Darating siya dito sa dalawang linggo mula ngayon. Kailangan muna kasing surian ang kalusugan niya."


"Magandang balita yan Lt. Col. Wriggs."


"Kamusta naman ang ZelleCrow Lt. Col. Bates? Pwede na ba nating silang magamit?" Tanong ni Gen. Hawk.


Napailing nalang si Lt. Col. Bates sa General. "Tapos na ang training nila as new agents kaya lang matitigas ang ulo nila. Ayaw nilang sumunod sa mga utos kung hindi ito nagmula kay Madame Z o sa kanilang leader na si Tamara, bigla nalang kasing naglaho si Madame Z matapos ang labanan sa tower. May nakapagsabi na nandoon siya ng araw na naglaho ito ngunit walang namang ebidensya. Anong magagawa ko? Hindi ko sila maaaring paalisin dahil naka-kontrata sila sa aking ng sampung taon. At ayaw ko silang paalisin dahil alam natin kung ano ang kaya nilang gawin. Hindi ko yun pagsisisihan na kupkupin sila dito sa Skylark."


"Tama ka dyan Lt. Col. Bates, kahit tatatlo nalang silang hindi matatawaran ang galing nila." Pahayag ni Gen. Hawk. "Ngunit alam nating lahat na buhay pa ang isa sa kanila ngunit mas pinili niya ang mag-solo kung mahahanap lang natin siya maaari niya tayong tulungan sa tatlo."


"Naririnig ko underground society ang pangalan niya at mas kinatatakutan siya ngayon."

The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedWhere stories live. Discover now